I am his Accidental Wife

58.5K 428 74
                                    

“I-I am his wife! Ano bang gusto mong ipakita ko sayo ang marriage certificate namin? Ano kelangan ko pang umuwi sa amin at kuhanin ang certificate para lang makita ko ang asawa ko at kung anong ginagawa sa kanya ng mga doktor?” nanggagalaiti na ako sa galit sa nurse na ito na kanina pa ako hinaharang papunta sa kwarto na pinagdalhan ng asawa ko.

“Ma’am, opo, sige po kayo na ang asawa. Pero kailangan po siyang tignan ng doktor at hindi po kayo pwede sa loob. Gagawin po nilang lahat.”

Pigilan mo ang sarili mo. Maghunos-dili ka sa mga pinagsasabi mo.

Pero kasi naman ayokong mamatay siya. Ayoko!! Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Hindi!!

“Ma’am paki-fill-up po muna itong form. SOP po. Kelangan namin ng details sa asawa niyo.” Inalalayan ako ng babae sa may silya sa tapat ng nurses’ station at umupo doon.

“Ma’am!” sabi ng babae na medyo malakas. Napatingala ako sa nurse at ngumiti lang siya sa akin. “Pakifill-up-an po.” matapos niyang sabihin ay umalis na.

Hinawakan ko ang ballpen at tinignan ang kauna-unahang blanko na kailangan kong sagutan para sa detalye.

Name.

Napalunok ako. Pangalan.

Kinatok ko ang ulo ko sa sagot pero wala akong nahita.

Una pa lang na personal na detalye palpak na.

Ang lakas ng loob mo na sabihin na ipakita ang marriage certificate na hindi pa nageexist sa NSO. Ang lakas ng kabaliwan mong ipagsigawan na you’re his wife kahit wala pang singsing sa palasinsingan mo! Ang lakas ng kalokohan mo na angkinin siya pero ni hindi mo man lang siya nahalikan sa labi?

Tsk! Nelly! Bakit kasi nagpakadramatic actress ka pa kanina at pinagsisigawan mo na iligtas ang iyong asawa na sa totoong buhay ay hindi ka kilala at hindi mo rin kilala? Pero, pero ako ang tagapagligtas niya. Ako ang nagsisigaw ng tulong sa aksidente kanina. Pero sapat na ba yon para sabihin kong akin siya?

Naman eh! Kaya ayoko masyadong nag-iisip kasi tinotorture ako ng utak ko.Anong gagawin ko?!

Tsk!

Ibinalik ko nalang ang tingin sa form na wala pang sulat hanggang ngayon at naghihintay ng himala. Himala na sana magsulat ng sarili ang ballpen na hawak ko kung ano man ang pangalan ng gwapong lalakeng iyon na sana, Dyosko, hwag niyo munang kuhanin dahil hindi pa niya ako nakikilala.

Please po, hwag muna!

Kasi pakiramdam ko talaga siya na. Siya na ang aking magiging asawa!

...

Note:

Hindi pa ito tapos hanggang ngayon at walang definite time frame kung kailan tatapusin. So if you are not interested in reading stories that are not completed then be my guest but if  you are not then please stop reading this.

Thanks.

I am his Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon