Sketch - 38

392 8 0
                                    



Sketch – 38


Xyrus' POV


Nasundan ko naman ang sasakyan ni Zander, kaso puta lang. Naflatan ang gulong ng motor ko. Wrong timing! Kaya tinakbo ko na lang. Nakarating ako sa isang madilim na lugar. Nadaanan ko yung kotse ni Zander kaya dumiresto lang ako. at may nagiisang nakatayong warehouse. Di ko alam pero kinakabahan ako kaya tinawagan ko sila Jian.


"Oh?"


"Punta kayo dito."


"Asan ka ba?"


"Di ko alam kung saan na lugar to pero isang warehouse lang naman ang nakatayo dito. Tsaka konti lang ang kotseng dumadaan."


"Ah. Alam ko na. Ako lang ba pupunta diyan?"


"Kakasabi ko lang na kayo diba? Ano ba -_-"


"Sorry naman! Oo na oo na. Magbibihis lang kami. Sino yang kausap mo Jian? Hoy Mac wag ka ngang epal! Si Xyrus kausap ko!"


"Pati tuloy sila Mac isama niyo."


"HA?! Bakit?!"


"Basta! Pumunta na lang kayo dito!"


"Tss. Oo na oo na! Oy kayo. May pupuntahan tayo.


Binaba ko na yung tawag. Di sa naduduwag ako. Pero kasi nakakatakot yang warehouse eh -_-


May bigla namang lumabas sa likod ng warehouse at naglalakad papunta saakin. Tumalikod ako at binilisan ang lakad ko.


"Fuck fuck fuck---"


"WAAA---"


May bigla namang yumakap sa likod may binti ko.


"Kuya Xyrus..."


Zared?!


Zander's POV


"DAHIL DITO! DAHIL DITO SA SKETCH NI XYZA PARA KAY XYRUS JAREN. HINDI KAY XYRUS JADEN!"


"P-paanong---" 


Di pinatapos ni Nina si Xyza magsalita at nilapitan niya ito.


"Paano ko nakuha at paano ko nalaman?"


Kwinento ni Nina lahat. So si Nikka ang nakaalam at nagsabi sakanya. Si Nina yung kasama namin kumanta kanina. Di ko alam na bestfriend pala siya ni Nina. Tangina asan na kasi si Xyrus?! Di man lang ba niya sinundan si Xyza? Eh diba siya ang kasayaw ni Xyza kanina? Napansin kong nakayuko si Nina at umiiyak kaya pinilit kong lumapit kay Xyza at tinabihan siya. Tiningnan lang ako ni Xyza at ngumiti ng mapakla.

Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon