Sketch - 10

502 13 0
                                    


Sketch – 10


Hay buhay. Salamat at nakauwi na ako! Kaso, wala pa si mama at papa. Psh. Matawagan nga--- oops. Sakto tumatawag si papa.


*calling Papa kong epal <3* 


 Ayos ng pangalan ni papa sa phonebook noh?


"Hello papa?"


"Anak!"


"Po?"


"Hindi muna kami makakauwi diyan ng mama mo ha?" 


ANO RAW?!


"Ano pong sabi niyo?"


"Hindi muna kami makakauwi diyan sabi ko! Maglinis ka nga ng tenga mo!"


"Alangan namang tenga mo?"


"HOY SISA UMAYOS KA DIYAN!" 


Yan na naman yang sisa na yan! Grr!


"Papa naman! Wag mo na nga akong tawaging sisa! Hindi ako loka loka noh!"


"Pshh. Yun naman pala eh."


"Pero papa, anong sabi mo? Di kayo makakauwi ni mama? Bakit?"


"Eh kasi, nagkaproblema ang kompanya. Since aalis ng bansa ang Tita Rhea mo, si bebe Denise ko muna ang tutulong sa pag ayos ng kompanya."


"Yuck. Korny. Bebe? Korni mo papa."


"SISA!"


"PEACE PAPA! Hahahaha!"


"Tumino ka nga. Tong batang to."


"Hehe! Sorry na po papa. Ano palang ngyari sa kompanya?"


"May mga nawawalang papeles eh. Kelangan mahanap yun. Importante yun eh."


"Magoovernight ba kayo sa kakahanap nun kung hindi yun importante?"


"Heh! Binabara mo na naman ako eh!"


"Di ah! Hehe! Sorry papa. Peroooo... PANO ANG PAGKAIN KO?!"


"ARAY! Wag ka naman sumigaw! May balak ka bang gawin akong bingi?!"


"Wala po!"


"Yun naman pala eh! Hoy, marunong ka naman kaya magluto!"

Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon