Sketch - 4

753 24 0
                                    


Sketch – 4


LECHENG ZANDER TO! Agad ko naman binawi yung kamay ko kaya napatingin siya.


"Bat mo h-hinalikan kamay ko?!" 


Namula naman siya sa sinabi ko. Natauhan ata.


"S-sorry." 


At may gana pa siyang ngumiti? Leche -_-


"Tss. Di ka pa ba uuwi? 7:30 na oh."


"Ay! Oo nga pala. Sige Xyza uwi na ako. Si tita? Magpapaalam na ako."


"Sige, tawagin ko lang. MA! AALIS NA DAW PO SI ZANDER!" 


Lumabas naman si mama galing kusina na nakaapron pa.


"Ganoon ba? Iho ingat sa paguwi ha? Baka may umaway na naman diyan sayo sa gilid, eh wala si Xyza sa tabi mo."


"MA!"


"Hehe. Ikaw talaga. Di ka mabiro. Sige na iho. Baka magabihan ka pa lalo. Ingat ha?"


"Sige po tita. Thank you po ulit." 


Humarap naman sakin si Zander at ngumiti ng malapad. Kinilabutan ako dun ah.


"Xyza, thank you talaga. As in!" 


Nagulat na lang ako ng bigla akong niyakap. Doble kilabot!


"O-oy! Ch-chansing ka ah!"


"Ehem!" 


Bumitaw naman si Zander pagkasabi ni mama nun.


"S-sorry po tita."


"Binata na ang anak ko!" 


"MAMA NAMAN EH!"


"Hahahaha! Joke lang anak. Sige Zander iho. Uwi ka na. Ingat!" 


Kanina pa sakakababay si mama -_-


"Hehe. Sige po tita. Thank you po talaga ulit. Xyza thank you. Goodnight po. Bye!" 


Hinatid ko na si Zander sa labas at sumakay na siya ng tricycle. Pumasok na ako ng bahay at umupo sa sofa.


"Xyza anak."


"Ano po ma?"

Sketch: The Another Story (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon