Chapter 10:

4.7K 137 5
                                    

"Anak?"

Nagising ako sa pagkatok ni mama sa pinto ng kwarto ko. Umaga na. Nakatulugan ko pala ang pag iyak. Ayan na naman, naiiyak na naman ako. Bakit ba kasi kailangang paulit ulit ko yung naaalala?

Narinig ko nalang ang pagpihit ng door knob sa pinto ko.

Naramdaman ko ang pag upo ni mama sa dulo ng kama ko. Siguro nga ay nakikiramdam palang siya. Alam ko namang nahihirapan din si mama eh.

I know that seeing her daughter like this will also brought her pain.

"Kathryn, anak... alam kong masyadong nakakagulat yung mga nangyayari sayo. Pero anak, sana naman matuto kang magpatawad at tumanggap ng kasalanan."

Dahil sa narinig ko, umayos ako ng upo. Alam kong pangaral na naman ito ni mama, pero anong magagawa ko? Alam ko namang concern siya sakin eh.

Mama is my best friend... and I will do anything just to make my mother happy.

"Ma.. napatawad mo na po ba siya?" tukoy ko sa papa ko.

Kahit ano pa mang galit ang nararamdaman ko para sakanya, he is still my father. Hindi ko yun mababalewala. I love him to begin with.

Ngumiti lang sakin si mama. Hindi ko na pala kailangang tanungin. Kasi ngiti pa lang niya, alam ko na yung sagot.

"Oo naman anak. Matagal ko nang napatawad ang papa mo, hindi pa siya humihingi ng tawad... napatawad ko na siya."

I can't see any hint of pain in her eyes. Because all I can see now is how much love she have for my father.

"Kahit na po ang laki ng kasalanan niya satin? Sayo?" napabuntong hininga ako, "Ma, bakit ang dali mo naman siyang napatawad? Ganun po ba kadali yun?"

Umayos ng upo si mama.

"Anak, kung mahal mo ang isang tao... kahit gaano pa kalaki ang maging kasalanan niya sayo, makukuha mo pa din siyang patawarin. Mahal mo eh."

"Pero ma... andun pa din naman po yung sakit eh. Yung fact na nasaktan ako. Papano ko po mapapatawad ang ganun? Sobra na po yung ginawa niya eh. Dalawang beses na niya akong sinaktan." tukoy ko kay Daniel.

Totoo naman eh. Pangalawang beses na niya akong nasaktan. Una, nung mga bata pa kami. Pangalawa, yung ngayon. With the same person, for goodness' sake!

"Oo nga, given na nasaktan ka. Pero, wala din naman yan sa pinagsamahan niyo diba? Simula nung minahal mo siya, binigyan mo na din siya ng karapatang saktan ka. Minsan kasi, kailangang masaktan muna ang dalawang taong nagmamahalan para mapatatag yung relasyon nila. Saka, once na nagmahal ka... humanda ka na ding masaktan. Walang love kung walang pain. Tandaan mo yun parati."

Bakit ba ganun? Ang daming epal sa mundo?

Hindi pa pwedeng pag nagmahal ka... ikaw na din yung mamahalin niya? Tapos yung mga epal, umalis na lang para happily ever after na?

"Para lang yang laro. Sometimes you win, but sometimes you lose. Anak, kailangan mong tanggalin lahat ng sakit diyan sa dibdib mo. Wag mong kimkimin." she sighed, "Kung okay ka na... bumaba ka na ha? Kakain na tayo. Hindi ka pa kumakain eh."

Tumalikod na si mama at handa na sanang lumabas ng kwarto ko. Pero tumigil siya at sinabing...

"You don't give up on the people you love the most."

Tapos tuluyan na siyang umalis.

FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon