Chapter 7:

4.6K 144 10
                                    

Flashback...

Setting: 13 years ago (Kung tama ang calculations ko, 5 years old sila dito. Correct me if I'm wrong. :D And... this will be on 3rd person's POV.)

"Dee..." tumigil ang batang si Kathryn sa pagsasalita. Lumingon naman ang batang si Daniel kay Kathryn at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Kathryn sakanya. "Anong pangarap mo?"

Kasalukuyan silang nakahiga sa damuhan at parehong nakatingin sa kalangitan na punung-puno ng mga nagga-gandahang mga bitwin.

"Pangarap kong maging isang sikat na artista balang araw." ngumiti ito sakanya, "Eh ikaw Ya? Anong pangarap mo?"

Napaisip naman ito. Ano nga bang pangarap niya paglaki nila?

"Ah!" sabi nito matapos maisip kung anong pangarap niya, "Kung ikaw, magiging artista pag laki. Ako naman, magiging number one fan mo!" nakangiting sagot nito sakanya.

"Talaga lang a?"

"Oo naman no! Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo sakaling maging artista ka." tumingin siya sa mga mata ni Dee, "Pangako ko yun."

Setting: 7 years ago (11 years old na sila dito. 3rd Person's POV pa din ito. Reason ng pag-alis ni Kath.)

Nakatanggap si Ya (Kathryn) ng text galing sa kanyang kasintahan na si Dee. Eto ang mensahe:

'Ya! Punta ka dito park ngayon... may sasabihin ako sayong importante. :)))'

Nagmadali naman siyang pumunta sa lugar na sinabi ni Dee matapos mabasa ang mensaheng natanggap. Excited siya dahil may sasabihin din siya dito.

Pagkarating niya... agad siyang namangha.

'Ang ganda naman dito!' Nasabi nalang niya sa kanyang sarili.

Mukha kasing may magaganap na magandang pangyayari dito. It was like a fairytale, ika nga. Ang ganda kasi talaga.

May table for two, flowers, foods, at kung anu-ano pa. Romantic place it is!

Palapit na sana siya sa nakitang table ng may narinig siyang dalawang taong nag-uusap.

"Dee! Ang ganda naman dito! Para sakin ba to?" narinig niyang sabi ng isang babae.

Dee? Tawag niya yun sakanya ah.

"Ya! Anong ginagawa mo dito? Ginulat mo naman ako eh."

Huh? Ya din ang tawag niya sa babae? T-teka... hindi ba para sakin yung message na yun?

Nagulat siya sa mga pangyayari. Isa lang bang laro to lahat para kay Daniel? Akala ko ba... ako lang ang nag-iisang Ya ng buhay niya?

Agad-agad siyang umalis sa kinatatayuan niya. Ayaw na niyang marinig lahat ng sasabihin ni Daniel dun sa babae. Siguro nga eh hindi talaga para sakin yung mensahe na yun. Baka nagkamali lang siya ng pinagpadalhan...

Isa lang ang nararamdaman ko ngayon dito sa puso ko...

Galit.

...end of Flashback 

FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon