Chapter 5:

5.1K 156 6
                                    

"Hoy wafung fafa!" lumingon yung mga kaklase kong lalake. Ay mga feeling. Ts. Lumapit naman na ako sa upuan niya na tabi lang nung akin, "Kailan mo naman balak sagutin yung slam book mo ha? Hindi porke gwapo ka excempted ka na no. Unfair kaya yun. Hmp" tumingin siya sakin.

"Bakit ba ang atat mong malaman yung mga bagay tungkol sakin ha?" ay ang sungit naman neto!

"Eh bakit ba kasi ang dami mo pang arte? Kung di niyo lang po nalalaman, 3 days na ang nakalipas simula nung tinanong mo yung sakin. At 3 days rin akong naghahabol sayo no." inirapan ko siya, "Baka pag nalaman ni DJlabs ko tong pinaggagawa ko eh magselos yun. Nakuuu. Lagot ka sakanya!"

Tumuloy na akong umupo sa proper seat ko na nasa tabi lamang nitong asungot na to. Bwisit kasi eh. 3 days na akong pinaghahabol. Akalain niyo yun?!

Naiinis na nga ako sa mga nabasa ko 3 days ago tapos dumagdag pa itong asungot na partner ko sa letseng activity na yan na pakana nung teacher kong tamad! Grrrrr. Ang sarap nilang ipatapon sa kung saang lupalop ng mundo! Arghhh

"Good morning class." speaking of our lazy teacher. Nandito na naman yan para magtanong tungkol sa activity namin. "How's the activity I gave to you?" see?!

At eto pa ang masama, tuwing dumadating yang teacher namin na yan--

"Ma'am! May I go out?" yan! Yan ang sinasabi ko!

"Sure, you may go."

Ganito na ata ang daily routine nitong seat mate ko. Tuwing dumadating yang teacher namin na yan at pinapaalala yung activity namin, parating lumalayas yung seat mate ko na pinapayagan naman ng tamad naming teacher.

Bukod kasi sa tamad yan, crush niya pa ata tong seat mate ko. Aba! Hindi niya ba nahahalatang 3--I mean 4 days nang ginagawa netong seat mate ko ang paglabas ng klase niya? Ni hindi na nga bumabalik yan eh. 

Nakakabwisit diba?!

Naku-curious na kasi ako. Magi-isang linggo na, wala pa din akong alam tungkol sa katabi ko! Ni wala ngang tumatawag ng pangalan niya eh.

Pag mga lalake ang tumatawag sakanya... Puro pre, tol, brad, etc. Pag naman babae puro wafu, fafa, idol, sweetheart at kung anu-ano pang kalandiang endearments.

Mamamatay na ata ako sa sobrang ka-curious-an!!! 

Break time.

"O bessie, ano na namang problema mo ngayon at nakabusangot ka na naman diyan? Aba, konti nalang sasabit na ako sa nguso mo eh. Bakit ba?" isa pa to, tuwing magkasama kami puro yan ang linya. Nakakasawa!

"For the nth time bessie, siya na naman ang problema ko." iningusan ko siya. Papano ba naman, ganito at ganito nalang ang nangyayari samin.

Tatanungin niya ako sa kung anong problema ko tapos sasagutin ko siya. Alam niyo yun? Para kaming nakaunli. Juskooo!

"Alam mo kasi bessie, hindi dapat pinoproblema yang mga ganyang bagay eh. Hindi tama yun. Nagmumukha ka tuloy matanda niyan. Sige ka."

"Bessie?"

"Yes?" sabay ngiti pa niya ng pagkatamis-tamis sakin.

"Alam mo na ba kung alin ang problema ko?"

"Hindi. Hehehe. Ano ba yun?" sinasabi ko na nga ba eh! Grrrr. Sakit sa ulo!

FangirlWhere stories live. Discover now