The Start (Rewrite)

63 0 0
                                    

A/N: Hey guys. Ako'y nagbabalik after 2 long years :D

I'll be rewriting this story. Hindi ko na kasi maintindihan kaya nagdecide akong i-rewrite ang story na to. Sayang naman kasi kung ide-delete ko to diba? :) Kaya heto na! *0*

----------

Nakakabagot naman. Andito ako nakaupo sa ilalim ng shade ng palm tree, tinatamad kasi ako eh. Alam kong ang pumupunta ang mga tao sa beach para mag-enjoy. Magpaka-itim..ahem..tan pala. Pero sa sitwasyon ko, malabong ma-enjoy ako sa vacation trip nato. Pano ba naman? Eh napilitan akong sumama dahil sa mga loka-loka kong mga kaibigan dahil pangba-blackmail nila sakin. Anong klaseng kaibigan ba ang nangba-banta sa mismo nilang kaibigan? Kung hindi ko nga lang sila mga best friends, malamang, pinakidnap ko na sila't ipina-deport sa isang island kung saan mapipilitan silang matuto ng survival. *evil laugh*

"Hoy Louise! Yung panty mo nalaglag!!"

Aba't loka to ah! "Nakikita mo naman sigurong imposibleng malalag ang panty ko kung nakaupo lang ako? Duh, aminin mo nga sakin Satellizer, naihulog ka ba ng Mommy mo noong bata ka pa, ha??"

Lumapit sakin ang bruha at naupo sa tabi ko.

"Sus, ikaw naman bruha, di mabiro." Tsaka niya hinablot sakin ang smoothie ko. Walanghiya rin tong bruhang to ah. Kay yaman-yaman nang-aagaw ng smoothie? Ipasok ko kaya to mamaya sa sako at isangsang sa puno malapit sa beehive? Tingnan natin kung sinong di magmamakaawa. Napatawa ako sa naisip. "Ang galing ko talaga!"

Bigla-bigla na lang, napatayo si Satellizer at ang walanghiya, sumigaw kahit maraming tao sa paligid. "VIOLEEEEET!!! SI LOUISE TUMAWA MAG-ISAAAAA!!!"

Nakita ko namang biglang natigilan si Violet sakay-sakay sa kanyang salbabidang may design na Spongebob. Number 1 fan kasi ni Spongebob. Umahon sya at tumakbo patungo sa kinaroroonan namin. "Talaga? Halaaaaaaa!!!" Mahigpit ang pagkakahawak niya sa salbabida niyang Spongebob. "B-baka kailangan na nga natin syang dalhin sa house of hope!!"

Pesteng bruha to ah. Sarap sapakin.

"Gusto nyu kayo ang ihahatid ko sa house of hope?" Nginitian ko sila ng nakakatakot.

Bigla silang natahimik at imbes na pansinin ako, umupo sila sa tabi ko. Ang smoothie kong hawak lang kaniha ni Satellizer ay hawak na ngayon ni Violet. Actually, iinumin na talaga sana ni Satellizer nang ini-snatch yun ni Violet. Nagalit ang isa dahil inagawan kaya nag-aaway ang dalawa. Pinag-aagawan ang ninakaw nilang smoothie sakin. Haaaaaaay. Pano ko nga ba naging kaibigan tong mga sira-ulong mga bruha na to? Aaaaah, oo nga pala. Naging kaibigan ko sila nung magtagpo kami sa isang birthday party nung mga 6 years old pa kami. Imbetado kasi ang mga pamilya nila. Bigatin eh. Yung parents ni Violet ay kilala sa mundo ng Fashion Industry tapos naman tong parents ni Satellizer...well, nagpapatakbo ng mga 1st class cruise ships. Actually, ang dami ng mga business na pinapatakbo ng pamilyang de Troyes at Francois(read as Fran-swah), di ko lang talaga matandaan sa sobrang dami.

Out of the blue, tumunog ang ring tone kong Barbie Girl.

"I'm a Barbie girl in a barbie world, life in plastic it's fantastic. You can brush my hair, undress me everywhere..."

"Oy Louise, nakakahiya naman yang ring tone mo!" Sabi ni Satellizer. Aba't nagsalita!

"Che, mas okay pa nga yung sakin eh kasi Barbie Girl, eh sayo Barney! Eeeew!!" sagot ko kay Satellizer, sabay irap sa kanya. Eh nanglalait kasi ng ring tone eh.

"Wala ka bang balak sagutin yan? Akin na nga yang cellphone mo!" sabi ni Violet sabay hablot sa phone ko at sinagot ang tawag. Napansin ko lang, magaling mang-hablot tong mga best friends ko. Baka may lahing mga snatcher tong mga to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Deal for One Week(Rewrite)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon