A deal for one week

420 5 2
                                    

Ako nga pala si Louise Holmes. NBSB. Hindi naman sa walang nanliligaw sakin pero wala talaga sa priority ko ang mga lalaki. My first priority is my career and education.

Andito ako ngayon sa beach kasama ang mga kaibigan ko. Sina Satellizer at Violet. Kasama ang kanilang mga fiancee. Nagtatago lang ako sa shade ng puno ng niyog kahit na naka SPF ako. Tinatamad lang talaga ako eh. Wala ako sa mood ngayon. Isinama lang ako ng mga lokang to.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nagtatampisaw sila sa tubig. Nakikita ko ang kasiyahan sa mga mukha nila. Ewan ko kung anong meron sa mga lalaki kung bakit masaya ang mga lokang kaibigan ko. Tsaka to be honest wala naman akong pakialam sa mga lalaki. Pero hindi naman din ako man-hater. Wala talaga sila sa mga gawain ko. Baka maging sagabal lang sila sa career at education ko at mahalaga rin sakin ang reputation ko. At ayoko yung masira.

Nakasandig lang ako sa puno ng niyog habang kinakain ang ice cream ko na ube flavor. Nakarobe pero naka bikini talaga natatakpan lang ng sinusuot kong white robe.

Nagvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko kung ano. May tumatawag sakin. At si mommy yun. Pero bago ko yun sinagot nagpaalam muna ako kina Satellizer at Violet para hindi sila magalala sakin baka kasi pag di nila ako nakita,idedeclare nila akong missing.

"aalis lang muna ako sandali at babalik rin ako!"

"sige!"

^_____________________^v

Please do read my story up to the ending !

And thank you for reading my newest story!

A Deal for One Week(Rewrite)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon