ADFOW 5

177 3 2
                                    

7 days have passed at oras na para umuwi na ang magkakaiibigan.Nasa airport na silang Louise at Charles,nakaupo naghihintay kung kelan na sila makakadepart.Nag-uusap-usap ang dalawa tungkol sa mga bagay-bagay katulad ng pag-aaral nila.Napagdesisyunan nilang isekreto muna ang pagpapakasal nila mula sa mga kaklase para walang mga usap-usapan.Nang dumating sina Satellizer at Violet na nakasipsip sa chukie nilang hawak-hawak sa kamay,natigil ang kanilang pag-uusap.

"Louise,sigurado akong kapag nakauwi na kayo sa bahay mo,matutuwa ang kapatid at daddy mo,lalo na ang mommy mo!" sabi ni Satellizer.

"Oo nga,kasi sa wakas ay magkakaroon na ang mommy't daddy mo ng mga apo! Ako ang ninang ah!" dugtong naman ni Violet.

"Natatandaan ko pa nga nung sinabi nya satin,gusto raw nyang magkaroon ng isang dosenang apo!" pangbubuska ni Satellizer na panay ang ngiti.

"Ano ba kayo! Wala na ata akong kakampi sa inyo eh! Ni wala pa nga akong plano na magkaanak!" bulyaw ni Louise sa mga kaibigan.Pero mas lalo lang tumitindi ang pangbubuska ng mga ito ng dahil sa sinabi nya.Nagpatuloy ang mga ito sa pangaasar na nagpapula sa magandang mukha ni Louise.

Habang si Charles ay tahimik lang na nakikinig sa mga pinagsasabi ng mga babae ay biglang namula ang mukha nito.Hindi nya naisip ang pagkakaroon ng mga anak.

"Oi mga loka,san nga pala ang mga fiancee ninyo?" pag-iiba ng topic ni Louise.

"Ah,sila ba? Pinabili lang namin sila ng mga pasalubong" sagot ni Satellizer.

"Para kanino?"

"Ako,para sa mga pamangkin ko.Nangungulit kasi ang mga 'yun kagabi eh.Ayaw ibaba ang telepono hanggat hindi ako sumasang-ayon" sagot ni Violet.Kinuha nito ang cellphone at chineck kung sino ang tumatawag."Excuse me"

Sinagot na nito ang tumatawag.

[Tiiiittttttttaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!! Bili pasalubong!!!!!!!!!!! Gusto namin pasalubong!!!!!!!!!]

Malakas na boses ang nagsasalita sa kabilang linya.Sa lakas ng mga boses nito,nailayo ni Violet ang cellphone mula sa kanyang tainga,tsaka ibinalik sa pagkakadikit nito sa tainga.

"Kayo naman eh! Di ba sinabi na ni tita na ipagbibili ko kayo ng mga pasalubong? Bakit tumatawag pa rin kayo?"

[Paaasssaaaaaallllllubbbbbbboooonnnggggg!!!!!!!!!!!]

"Ay.Hindi nakikinig"

[Pasalubong tita! pasalubong! Gusto namin pasalubong!!!!!]

"Hikaru,Kaoru! Hinaan nyu ang boses ninyo,kundi wala kayong pasalubong!"

Busy sa pakikipag-usap  si Violet sa twins nyang mga pamangkin.Dumating naman sina Jun at Jin,ang mga fiancee nila Violet at Satellizer na dala-dala ang mga pinabiling pasalubong.

Maya-maya pa,nakasakay na sila sa airplane at nagdepart patungo sa Korea...

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yan na lang muna sa ngayon.

Oo nga pala,gagawa ako ulit ng Marry Me,since dinelete ko yun dahil nahahabaan na ako,nakailang parts na yun...Pero iba na ang story.Basta,malalaman nyu kung anong ilalagay ko sa Marry Me.....

Sana basahin nyu rin kapag nagawa ko na,thank you!

.

A Deal for One Week(Rewrite)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon