First

1K 21 5
                                    

EDITED VERSION (2017)

"Hi, Sorry I'm late" Napalaki ang mga mata ko nung nakita ko kung sino ang pinagtitinginan ng mga kaklase ko.

"Ikaw!?" Oops... Tinakpan ko ang bunganga ko na napakaingay. Nakakahiya, sumigaw pa talaga ako. Pero kasi... Bakit ba nandito ang lalaking iyon! Sa sobrang pagmumuni-muni ko ay hindi ko na namalayan ang mga mata na nakatingin na pala sa akin kanina pa. Bakas ang kuryosidad sa kanilang mga mata pero may iba pa... Hindi ko lang malaman kung ano iyon. Napatingin ako kay Misa at nakita ko sa mga mata niya ang... awa? Bakit? Agad itong nawala ng sumigaw si Jia.

"Magkakilala kayo!?" 

"Ha? Hi...hindi ah! Tatanungin ko lang sana siya! Patapusin niyo muna nga kasi ako" Tinalikuran ko siya at humarap sa lalaking ngayon ay mukhang nalilibang sa nangyayari "Ikaw ba ang bagong transferee?" Tanong ko sakanya. Ang galing ko talagang gumawa ng palusot.

"Yes, Ms. Go, I Am." Sagot niya naman sabay kindat na nagpasigaw sa lahat ng babae at feeling babae ko na mga kaklase. Ang Gwapo niya... Ay este, walanghiya! Ano ba ang ginagawa ng isang to!

"Hoy Cass! Bakit kilala ka ng isang iyan ha!? Anong tinatago mo sa amin?" Bulong sa akin ni Jia habang tinutulak-tulak ako para sumagot. Ayaw ko ng maraming tanong. Mas madali nalang ang magsabi na hindi ko siya kilala kaysa um-oo at matanong ng mga shotgun kong kaibigan.

"Ha? Anong sinasabi mo? Diba sinabi ko na kanina na hindi ko siya kilala?" Sige Cass, magsinungaling ka pa sa bestfriend mo. 

"Eh bakit alam niya ang pangalan mo?" Mapangakusa na tanong ulit sa akin ni Jia. Hay, kailan ba ako tatantanan ng isang to.

"Ewan ko. Siguro nakita niya lang doon sa class list natin na nakadikit dyan sa pintuan"

"Eh bakit alam niya na ikaw si Go?"

"Kasi mukha akong Go?" Nagaalanganin kong sagot sa kanya.

"Hindi ka parin talaga marunong magsinungaling Cass" Natatawa niyang sabi sa akin bago ako tinalikuran at bumulong kay Misa.

"Okay, okay. Nagkabanggaan kami kanina sa hallway, before pa tayo nagkita. Satisfied?" Tanong ko sa kanya nung lumingon siya sa akin.

"Completely" Natatawa parin niyang sagot. May topak talaga ang isang ito.

"Ehem" Natahimik lahat ng nasa classroom nung bumalik na si Ma'am Rica. "Are you the new transferee?" Tanong niya sa lalaking hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan.

"Yes maam" Ngumiti siya kay ma'am kaya ngumiti din naman ito. Okay, anong kababalaghan ito? Bakit ngumiti si ma'am?

"Okay. Please introduce yourself"

"Hi, I'm Franz Alcantara, you're new classmate"

Pagkatapos magpakilala ni Franz ay bumalik sa pagkwekwentuhan ang mga estudyante. Mabilis na natapos ang klase at isa-isa na kaming nagpuntahan sa mga kanya-kanyang subjects namin. 

Grabe, ang saya ng first day! Promise, walang halong sarcasm. Kaklase ko lang naman kasi si Franz sa lahat ng subjects ko. 

Napa-facepalm ako. Ang malas ko naman ata? Buti nalang talaga at tapos na ang araw na ito. 

Habang naglalakad sa hallway ay may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Cass!"

"Wait Cass" Hindi ko makilala ang boses pero ayaw ko tingnan kung sino.

Ano ba Cass! Bakit ka natatakot tumingin!?

"Hey Cass, stop!"

Tumigil ako at tumingin sa taong kanina pa tumatawag sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cupid's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon