School

1.2K 24 8
                                    

EDITED VERSION (2017)

Papunta ako ngayon sa school namin since of course, klase na.

It's the first day of our 4th year to be exact. The last year before I start medical school. My dream to become a doctor is finally coming true.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano ko magagawa ang mission na ito. Sabi kasi ni Franz, wag daw masyadong mataas ang standards ko pagdating sa lalaki kasi wala naman daw perpekto na tao. At ang isa pa, wala daw magical spell o kaya gayuma para magkagusto sa akin yung sampung lalaki na mapupunta sa Cupid's List ko. Sadyang powers ko lang na magpainlove ang gagamitin. Naaalala ko pa ang tawa ni Franz ng sinabi niya iyon.

'Parang ang imposible tuloy ng mission na ito'  Naaalala kong sabi ng hinayupak. 

Speaking of Franz, hindi ko siya nakita for the last two days. Umalis siya nung Friday at sinabing may aasikasuhin lang daw. Naging Monday nalang ay hindi parin siya bumabalik sa apartment ko. Paano kung pinaglaruan lang ako at niloko tapos kasabwat niya pala yung lalaki at babae? Wala naman ata siyang ninakaw sa apartment diba? Bahala siya dyan. Sinipa ko ang bato sa harap ko at nagpatuloy sa paglakad.

Sinabi ni Franz na hindi daw kami ang mamimili kung sino ang makakapasok sa Cupid's List

Cupid's list is the checklist given to an apprentice wherein the apprentice, Franz, is the 'dealer', I'm the 'client', and the ten guys will be called the 'prospects'

Cupid's Doves will be the one to choose. I don't really know what Cupid's Doves are, kung totoong ibon ba ito o hindi basta ang sabi lang ni Franz ay "they speak the language of love", whatever that means. I just hope na tama ang mapipili nila para sa akin. Kaso, ang ipinagtataka ko, bakit ako pa ang napiling client? Hindi lang naman siguro ako ang single pa sa mundong ito diba?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa school. Ang "Eros University"

Pagkapasok ko palang ay marami na agad akong naririnig na kwentuhan kung saan-saan. Marahil ay tungkol sa summer nila pero mas marami ang nagbubulung-bulungan tungkol sa isang transferee. Transferee? Madami namang ganyan dito. Minsan nga, sa kalagitnaan pa ng school year dumarating. Anong espesyal sa taong pinaguusapan nila?

"Cassie, we miss you!" sabay-sabay na sigaw ng mga bestfriends kong sila Misa, Jia at Vine.

"I miss you too" sagot ko sabay ngiti kay Misa at Jia. Hinarap ko naman si Vine pagkatapos.

"Hoy Vine, anong miss ka dyan? Nagkita kaya tayo kahapon! Kung hindi lang talaga kita bestfriend eh baka isipin kong crush mo si kuya kaya ka lang bumibisita sa akin" Pinipigilan kong matawa dahil mukhang kamatis na si Vine. Actually, alam ko naman talaga na kaya niya ako binibisita araw-araw dahil kay kuya. Okay lang naman din sa akin dahil bagay naman talaga sila. Hindi ko lang pinapahalata kay Vine na alam ko na dahil baka maging awkward sila sa isa't-isa. Hindi ko nga alam kung bakit hindi parin sila. Alam naman ni Vine na gusto rin siya ni kuya.

I'll just let fate decide what happens to them.

"Ho..Hoy! Hi..hindi ah" Napatawa nalang ako. Ang obvious talaga ng isang ito.

"Weh di nga? Ayieeee" sabay namang sigaw nila Misa at Jia. Mas kinikilig talaga ang mga kaibigan mo kaysa sa iyo kapag crush mo na ang napagusapan. 

"Hindi nga sabi eh! Ano ba kayo!" sabi ni Vine na naiirita. Tinulak namin siya patungo sa classroom at umupo na kami sa unahan. Unlike other colleges ay meron kaming homeroom class kung saan divided ang batch namin into 4, depende sa grades ng students on their respective courses. Class A, B, C, at D. Nasa A kami ng aking barkada.

Cupid's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon