Apprentice

2K 36 6
                                    

EDITED VERSION (2017)

"Ano ba yan Cass, nakakainis na ha! Kanina pa tumitingin sayo ang mga lalaki dito!".

"Vine please naman, wag kang assumera. At pwede ba, hinaan mo lang ang boses mo! Kaya tayo pinagtitinginan dito".

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh!" sabi ni Vine sabay pacute. Hay nako, nakakaloka talagang kasama ang isang ito. Kung hindi ko lang ito bestfriend ay talagang kanina ko pang iniwan dito. Napatingin ako sa gilid at nakita kong namumula si Kuya Jin. Ang torpe talaga ng kapatid ko. 'Atleast siya may nagugustuhan. Eh ikaw?' Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang tumigil si Vine.

"Doon tayo sa baril-barilan!" sigaw ni Vine sabay hila sa aming dalawa papunta sa stall. Nandito kami ngayon sa fair dahil boring sa bahay at dahil vacation pa naman kaya sinusulit na namin ito. Freedom ito from school kaya mas mabuti na hindi siya masasayang sa kakakulong sa bahay at kakacomputer.

Habang naglalaro si Vine at kuya Jin ay naisip kong maglaro din sa ibang stall dahil sobrang out of place ako sa kanilang dalawa. Napabuntong hininga nalang ako. Mabuti pa ang kapatid ko at bestfriend ko. Paano nalang ako kung magiging official na yung dalawa?. 'Wag kang selfish Cassie, kasalanan mo naman kasi yan. Karma yan sa pagiging cold-hearted mo'. Habang inaaway ang sarili ko ay napatigil ako sa harapan ng isang stall. "Bows and Arrows" ang pangalan nito at mukhag bagong-bago. 

Habang sinusubukan kong tamaan ang target ay biglang may sumigaw sa harapan ko kaya nabigla ako.

"Aray!"

"Ay sorry po!"

Natamaan ko ang isang lalaking may pulang buhok. Hala ka, lagot.

"Hoy Magnanakaw!" nakita kong tinuturo nung babae itong lalaking natamaan ko at dahil narin siguro sa takot ko na manakawan ay bigla ko nalang siyang sinipa sa kanyang "ehem" kayamanan. Spur of the moment action.

Napahawak naman siya sa kanyang *ehem* kayamanan at napasigaw sa sakit  "Aray! Hoy babae, nakakadalawa ka na sa'kin ha!"

"Eh magnanakaw ka kasi daw!" Bago pa ako tuluyang tumakbo papalayo sa lalaking magnanakaw ay biglang sumigaw ulit yung babae kaya napatigil ako.

"Magnanakaw ka ng puso ko! Ang gwapo mo kuya! Wuaaah, akin ka na lang!" Oops... Hindi pala yun babae... Pagkasigaw kasi niya ay humarap siya sa direksyon namin...  Tinitigan ko siya ng masama. Patay ka sa aking bakla ka, nagkasala pa ako dahil sayo. Napatingin ulit ako sa lalaki at dahan-dahan ko siyang nginitian at binigyan ng peace sign. "Hehe... I'm sorry?" 

Namumula siya sa galit at parang may usok pa nga na lumabas sa ilong niya, Patay, toro mode si kuya. 

"Sorry talaga kuya! Hindi ko sinasadya!" Yumuko-yuko pa ako sa harap niya habang humihingi ng patawad. Inangat ko kakaunti ang ulo ko para makita ang reaksyon niya. Nung nakita kong galit parin siya ay napayuko nalang ako ulit.

"Anong sorry ka dyan ha? Paano kung nasaktan mo talaga ang kayamanan ko!? Edi mawawalan ng isa napakagwapong lahi sa susunod na henerasyon! Kasalanan mo pa kung bakit mapagkakaitan ang milyon-milyong babae"

Ang init-init kanina, bakit parang bigla atang humangin? 

"Kanina, naaawa pa ako sayo. Ngayon, hindi na! Ang hangin mo kuya. Lakas ng self-confidence ha?" narinig ko naman na tumunog yung orasan niya - hugis heart ito at kulay pula. Teka, bakla ba siya? Bakit heart?

"Sh*t, im late! Nasaan na ba ang babaeng iyon?!" nagpalinga-linga siya na parang may hinahanap. Hello? Nakalimutan niya na ba na nandito pa ako sa harap niya? Makaalis na nga lang. Nakapagsorry na rin naman ako.

"Teka, ikaw ba si Cassandra Riley Go?" Teka? Ako ba ang kausap nito? Napalingon ulit ako sa kanya at tinuro ang sarili ko. "Ako ba ang kinakausap mo?" Tanga ka ba Cass? Sino pa ba ang Cassandra Riley Go dito sa fair? Umaandar nanaman ang pagkatopak ko at kinakausap ang sarili ko. 

"Oo, ako nga. Bakit? Sino ka ba at bakit alam mo ang pangalan ko?"

"Welcome to Cupid's List Ms.Go. Hi i'm Franz Alcantara, Cupid's Apprentice"

( Franz's Picture at the Multimedia panel )

------------------------------------->

Sabaw ng isip ko! Well anyways, Here's the first chapter.

The update of this story will be on fridays, weekends and holidays dahil busy po talaga kami sa school! Thanks for understanding :)

This story is dedicated to her, Hi! Sana suportahan mo itong story! (^_^)

~ GirlInvisible

Cupid's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon