Chapter 6 : Love Sick

125 8 3
                                    



Everything is perfect. It seems it is just a dream. Sobrang perfect ng lahat, lahat ng hiling ko na qualities ng isang boyfriend na kay Joshus na.

Nagsimba kami sa may Quiapo, nagpasalamat ako at dininig Nya ang panalangin ko. Masaya na ako ngayon. Tanging hiling ko na lang, sana wala na itong katapusan.

Napadaan kami sa tindahan ni Lola.

"Hi Lola, kumusta na?" bati ko sa matanda.

"Boyfriend ko nga pala si Joshua." Pagpapakilala ko kay Joshua.

"Hello po." Bati ni Joshua kay Lola, at tumango lang si Lola kay Joshua habang nakatitig dito.

"O may boyfriend ka na pala, anong ginagawa mo dito?" tanong ni lola.

"Oo nga Juls, anong ginagawa natin dito." Tanong ni Joshua.

"Lola, bigyan mo naman kami ng love charm para di na kami maghiwalay forever" masaya kong sinabi kay lola.

"Juls, di mangyayari yun." Sabi ni Joshua, sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.

"Ang sweet n'ya no lola"

Tumango lang si lola na may maliit na ngiti sa labi. Kumuha si Lola ng black at white bracelet at inilagay sa kanyang metal na lalagyan. Dinasalan n'ya ito at ibinigay sa akin.

"Ito, love bracelet, para di magbabago ang balanse nyong dalawa."

Isinuot ko ang black bracelet kay Joshua at ako naman ang nagsuot ng white bracelet.

"Thank you po, magkano po?" tanong ni Joshua.

Regalo ko na yan sa inyo." Sagot ni Lola.

"SALAMAT LOLA!" at niyakap ko s'ya.

*****

"Ang lakas ng ulan."

Nasa waiting shed kami at hinihintay tumila ang ulan para makatawid sa kabilang side ng kalye kung saan ang sakayan.

"sorry wala akong dalang payong" sambit ni Joshua.

"Okay lang Josh." Ngiti ko sa kanya dahil ayaw ko syang mag-alala. Pero sa totoo lang, gusto ko na makauwi at nilalamig na ako.

Niyakap ko ang aking sarili para mainitan ng konti. Gusto ko lang talaga humina ang ulan at yayayain ko ng tumawid si Joshua.

Naramdaman ko na ipinatong ni Joshua ang kanyang polo sa aking balikat.

"sorry wala akong jacket eh" malungkot na ngiti ni Joshua. Napansin n'ya siguro na nilalamig ako.

"ano ka ba, isuot mo yung polo mo, manipis yang shirt mo, lalamigin ka." Pilit kong ibibabalik sa kanya ang polo n'ya.

Isinuot nga ulit ni Joshua ang polo n'ya. Medyo may part sa akin na nadismaya kasi gusto ko i- insist n'ya. Pero, syempre nag-aalala din ako sa boyfriend ko baka magkasakit s'ya kaya okay lang sa akin. Erase na ang konting disappointment. Pagkasuot ni Joshua ng polo n'ya, kinuha n'ya ang bag ko at binigyan n'ya ako ng back hug.

"Para hindi ka malamigan."

Nanigas ang buong katawan ko at hindi ako nakareact agad. "Maraming nakatingin." Mahina kong sinabi.

Iniyuko ni Joshua ang ulo ko at ibinagsak ang buhok ko sa aking mukha para matakpan.

"Mas importante sa akin na hindi ka malamigan kesa sa iisipin ng ibang tao." Bulong sa akin ni Joshua.

Napangiti ako sa sinabi ni Joshua. Ramdam na ramdam ko ang love n'ya para sa akin.

Nang humina ang ulan, nagtatakbuhan na ang ibang tao patawid.

Love & SpellsKde žijí příběhy. Začni objevovat