Chapter 4: Love Wins

235 9 1
                                    

Isang buwan na nang matapos ko ang ritwal ng Love Luck.
Naging close nga kami ni Joshua, araw araw kaming sabay umuuwi, pero hanggang doon lang ang luck ko. Hay! Wala naman akong balat sa pwet, pero ang malas ko talaga. At ito pa, maraming incidence na nagcoconfirm na bakla si Joshua. So, so, so sad talaga. Tulad nung nagpasama ako sa mall para bumili ng dress. Susko! Slightly, plinano ko na akitin si Joshua by my way of dressing, pero iba ehh.
“Joshua, maganda ba ito sa akin?” pinili ko pa talaga yung little red dress na super fitted sa katawan ko para lumabas ang hubog ng katawan ko, color red para powerful at daring ang dating.
Hmmm. Girl, alam mo feeling ko mas bagay sa’yo ‘to. Youthful ang dating, mahinhin at fresh na fresh ang itsura mo dito.” Iniabot sa akin ni Joshua ang color teal na laced dress.
Well, actually, maganda naman talaga, pero GIRL? GIRL? Ang tawag sa akin!???? And s’ya pa ang nagsasuggest sa akin kung ano at kung alin ang mas maganda para sa aking damit.
Hindi lang yun ang nangyari nung araw na yun. Nung napadaan kami sa make up area, wala naman akong balak bumili ng make up. Pero itong si Joshua, actually, si Joshua talaga ang huminto.
“Lika dito, try mo nga kung maganda ‘to” at ibinigay sa akin ni Joshua ang palette ng eye make up. Ito naman akong uto - uto ay agad sumunod sa kanya at nagtry.
“Bagay sa’yo yung mga ganyan, mga warm toned makeup. Nagcocompliment sa skin mo. Pero feeling ko kahit cool toned bagay sa’yo” Sabi ni Joshua sa akin.
Tama ba ang narinig ko? Si Joshua, kinausap ako about sa make up? Tama ba na s’ya ang nagsuggest sa akin ng bagay na make up?
OMG! Naiiyak ako sa inis.
Pero ang pinakamalala yata eh noong na experience ko kagabi, papunta ako sa lobby ng makita ko si Joshua na may kausap na matandang bakla.
“Joshing!!!”
“Mama Bel! Kumusta?”
“Itetch,medyo naoolay na ang beauty kez. Anetch na balita sa’yo?”
“Naku mama bels, maganda ka pa rin no.” sagot ni Joshua sa kanya.
“Yan ang gusto ko sa’yo eh, ang galing mo mambola! Oh kita tayo sa lingo ah. Sama ka sa Beau Con di ba?”
“Opo. First time ko nga po na sasama eh.”
“Ay exciting yan!”
Beau Con? Si Joshua? Sasali sa Beauty Contest??? OMG. Ang sakit sa puso. After ng nangyari kagabi, hindi ko alam paano ko kakausapin si Joshua. Hindi ko kasi alam ano ang gagawin. Love ko kasi si Joshua pero, pero paano kung parehas pala kami ng type sa lalaki. Nakakaloka! Nakakaiyak, sayang na sayang s’ya.

**

Ito na siguro yung pinaka sad moment of my love life, oh well, never ko pa naman na experience ang unrequited love story dahil lahat ng magustuhan ko eh nagugustuhan din ako eventually, ayun nga lang madalas akong iwanan. Pero ito, unrequited love na nga, di ko pa matanggap na parang zero chance na magkagusto sa akin si Joshua dahil iba naman preferred n’ya.
“Kung nandito ka para sa bagong charms and amulets. Wala akong maibibigay sa’yo” bati sa akin ni Lola.
Hindi ko na naman namalayang dito na naman ako dinala ng mga paa ko.
“Grabe ka naman lola, hindi ba pwedeng ikaw lang natatakbuhan ko sa love problems ko?” sagot ko sa kanya sabay upo sa tabi n’ya.
“Ano tayo? Close?” sabi ni Lola sa akin. Hindi ko mapigilang matawa sa kanya.
“Lola naman kasi, walang effect yung mga binigay mo sa akin.”
“Sa lahat ng costumer ko, sa’yo lang walang effect. Baka nakatadhana ka maging matandang dalaga.” Sabay ngiti sa akin ni Lola.
Lola, sobrang hindi ka nakakatulong sa sitwasyon ko. “Grabe ka lola.” Napanguso lang ako at tumingin sa kanyang mga tindang love charms.
“Ah! Lola, magbibigay ka na lang charm, spell or amulets na makakapagpalalaki sa isang bakla.” Ngiti ko dito.
“Gusto mong gawing straight ang isang bakla?” tanong nito sa akin.
“So yung gusto mo bakla?” kitang kita kay Lola ang pagka curious. Tumango lang ako at ngumuso sa kanya. Mga ilang minuto na nag isip isip si Lola at parang hindi mapakali. Tahimik lang ako sa tabi n’ya at baka masolusyunan n’ya ang problema ko/
“Gwapo ba?”
Tumango ako.
“Gusto mo talaga?” Tumango ulit ako.
“Kakilala ka?” Tumango ulit ako.
“Gaano kakilala?”
“Magkaibigan po kami”
Dumukot s’ya ng isang kendi sa kanyang bulsa at pagkatapos ay kumuha ng papel para sulatan. Pagkatapos noon ay para bang dinasalan ni Lola ang papel, mataimtim ang dasal n’ya na para bang nagususumamo sa itaas. Pagkatapos n’ya magdasal ay inabot n’ya sa akin ang kendi at ang papel.
“Oh, ito, maeexpire ‘to sa loob ng tatlong araw kaya pag-isipan mo kung gagawin mo.” Sabi sa akin ni Lola at dali dali kong binasa kung ano ang nasa papel. Pagkabasa ko sa nakasulat sa papael ay nanlaki ang mata ko at napatayo ako.
“LOLA! Hindi ko po ito kaya!”
“Kung gusto mo talaga s’ya kayanin mo.”
“Pero lola! Nakakahiya!!” “ano bang gusto mo? maging lalaki s’ya o tuluyan mong sayangin ang oras mo kakamukmok sa kanya?”

**

Lumipas na ang unang araw, di ko pa rin alam kung gagawin ko o hindi ang love spell na ito. Hindi ko talaga kaya, sobrang hinding hindi. Ano nalang mukhang ihaharap ko pag ginawa ko ang ritwal? Paano pag hindi gumana ang spell? Paano kung magmukha lang akong tanga? Sa Sunday ang pangatlong araw. Sa Sunday, yung Beauty Contest na sasalihan ni Joshua. Sa Sunday ang 1st Beauty Contest na sasalihanni Joshua. Pagkatapos nun, baka magladlad na s’ya. Pag nagladlad na s’ya, lalong no chance of winning na maging boyfriend ko s’ya. ANONG GAGAWIN KO?
“Ang lalim ng iniisip mo ah.” Kalabit sa akin ni Joshua.
“Hindi, hindi naman. Iniisip ko lang kung anong pwedeng maging mali sa gagawin ko.” sagot ko sa kanya habang nakatingin ako sa monitor, hindi makacncentrate sa graphics na aking ginagawa.
“Hmmm, okay naman ang gawa mo ah.”
“Ha?” napatingin ako sa kanya na hindi ko namalayang sobrang lapit pala ng mukha sa akin. Napatigil ako. Parang nagslowmo ang mundo. Sobrang lapit ng mukha n’ya, para akong nagyelo nagkatitigan kami, mata sa mata, parang magnet. Ramdam ko ang paghinga ni Joshua, nararamdan ng aking mukha ang init ng kanyang mga hininga. Napatingin din ako sa kanyang labi, mapupula ito at mamasa masa. Napalunok ako sa kaba Napakagat sa aking mga labi, parang gusto ko s’yang halikan.
WAIT! bigla akong napatayo sa aking kinauupuan. Ang awkward. Napatingin s’ya sa akin, napalunok ulit at at umiwas ng tingin.
“Pupunta muna ako sa Pantry.” At dali dali akong lumakad paalis sa aking work station. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Grabe, halos mahalikan ko na si Joshua kanina. Para akong naubusan ng hininga. Sobrang naninikip ng puso ko. Kapos na kapos sa hininga. Literal na hinahabol ko ang paghinga ko nang makalayo kay Joshua. Bakit? Bakit ganito, dinadaga ang dibdib ko.

**

Linggo ng umaga, tirik na ang araw pero mulat pa rin ang mata ko. Hindi ako makatulog dahil ngayon na ang huling araw. Huling araw na pwede ko gamitin ang love spell at pwedeng ang huling araw na makikita ko si Joshua na lalaki pa ang kilos. Hindi ko kayang gamitin ang love spell pero hindi ko rin makita si Joshua na nakamake up. Hay Julia ano ang gagawin mo!? Kinuha ko ulit ang papel na bigay ni Lola, binasa ito at napapikit. Kaya ko ba? Huminga ako ng malalim at nagnilay-nilay. Kaya ko bang gawin ito? Na hindi ko alam kung ano ang magiging effect kay Joshua? Pag ginawa ko ito, pwedeng hindi na ako kausapin ni Joshua kahit kailan. Pero kung maging successful ang spell, baka maging happy ever after kami ni Joshua. Binukas ko ang mga mata ko at nagbuntong hininga.
“KAYA MO ‘TO JULIA.” Sabi ko sa sarili ko at dali dali akong tumayo para puntahan si Joshua. Habang naglalakad papunta sa apartment n’ya, ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung ano mangyayari pero handa na akong pagsisihan ang gagawin ko. Medyo malapit na ako sa apartment n’ya nang makita ko s’ya na may kausap na isang lalaki. May katandaan ang lalaki pero gwapo at matipuno ang katawan. Grabe, napailing ako dahil kung anuano ang tumatakbo sa utak ko. Hindi pwede, baka nagtatanong lang ng direction ang lalaki. Patuloy ako naglakad palapit kay Joshua. Palapit ng palapit sa kanya, mahigit ang hawak sa papel na bigay ni lola at sa kendi na gagamitin sa love spell. Handa na ako. Wala ng urungan. Pero. Pero. OH MY GOD! NIYAKAP NI JOSHUA ANG LALAKI SA HARAP KO. Napaatras ako sa aking paglalakad! Niyakap n’ya sa harap ko ang lalaki at pumasok sila sa apartment. Hindi. Hindi totoo ‘tong nakita ko. Boyfriend ba ni Joshua yun!??? Hindi! Baka kaibigan lang. PERO BAKIT N’YA HINUG YUNG LALAKI. OMG. CONFIRMATION BA ITO? Naiiyak ako sa nakita ko. HINDI PWEDE! Akin si Joshua! Lumakad ako papunta sa apartment ni Joshua.
“JOSHUA!! JOSHUA!!!” sigaw ko sa labas habang kumakatok ng matindi sa kwarto n’ya Pagbukas ni Joshua sa pinto, halatang halata ang kanyang pagkagulat.
“Julia? Ano ginagawa mo dito?” tanong n’ya sa akin. BAKIT JOSHUA? Huling huli ka ba sa akto? Di ako makapagsalita, binuksan ko ang kendi na bigay ni Lolal at sinubo sa aking bibig. Mint candy ang binigay ni Lola. PLEASE PLEASE! GUMANA KA. SANA GUMANA NGAYON ANG SPELL.
“Joshua!” matigas kong sinabi ang pangalan n’ya. Napakunot ang noo ni Joshua at halata sa mukha n’ya ang pagka confused.
“Sorry. Pero kailangan ko ‘tong gawin” Hinatak ng dalawang kamay ko ang collar ng kanyang polo shirt. Pumikit ako at dali dali kong hinalikan si Joshua.

Love & SpellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon