Chapter 5 : Love Works

93 7 1
                                    

PLEASE PLEASE! GUMANA KA. SANA GUMANA NGAYON ANG SPELL.

"Joshua, sorry. Pero kailangan ko 'tong gawin"

Hinatak ng dalawang kamay ko ang collar ng kanyang polo shirt. Pumikit ako at dali dali kong hinalikan si Joshua. Pagkabitaw ko sa kanya, halata ang kanyang pagkagulat. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, hindi ko din makilos ang katawan ko.

Blanko ang mukha ni Joshua at nakatingin lang sa akin. Wala akong mabasa sa mga mata ni Joshua, gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa isip nya.

Napakagat lang ako sa aking mga labi at yumuko, hindi ko na kayang tingnan pa sa mga mata si Joshua.

"Juls" banggit ni Joshua sa pangalan ko. Tumingala ako sa kanya at unti unting lumapit sa akin si Joshua. Hinawakan nya ang aking bewang at hinila nya palapit sa kanya.

Nanlaki ang aking mga mata at napalunok sa ginawa ni Joshua.

Inayos ni Joshua sa likod ng aking tenga ang mga buhok na nakaharang sa aking mukha, dahan dahan nyang hinaplos ang aking mukha at iniangat ang aking ulo.

Pumorma ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi at dahan dahang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha.

Nananginip ba ako? O hahalikan talaga ako ni Joshua? Kung panaginip man ito, ayoko na magising pa. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata at naramdaman ang kanyang mga labi sa akin.

Para akong nasa alapaap. Ito na ata ang pinakamagandang panaginip na aking naranasan, ayoko ng magising. Please walang gigising sa akin.

Pagdilat ko ng aking mga mata, nakangiti lang sa akin si Joshua. Napakagat ako ulit sa aking labi at napayuko. Nahihiya ako.

Inilagay ni Joshua ang isa pa n'yang kamay sa aking bewang at niyakap n'ya ako ng marahan. Inilagay n'ya ang kanyang baba sa aking ulo at naramdaman ko ang kanyang mahinang pag ngisi.

Ang sarap sa pakiramdam ng yakap na iyun kaya niyakap ko din s'ya.

Pagkayakap ko sa kanya ay naramdaman ko ang mas mahigpit na pagyakap ni Joshua.

Totoo ba ito? Totoo bang nangyayari ito?

Walang nagsasalita sa amin at hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakakalipas pero parang ayaw ko matapos ang moment na iyun. Sobra sobra sobrang first time ko maramdaman yung ganong feeling.

Ayaw kong may sumira ng moment namin.

"JOSH????"

Napabitiw kami ni Joshua sa pagkakayakap.

"Kuya. Si Julia." Mabilis na sinabi ni Joshua.

Kuya??? Kuya??? Oh my God! Kuya n'ya, thank God.

"He... hello po." Mahina kong sabi.

"Girlfriend mo?" matigas na tanong ng kuya ni Joshua.

OMG. Nakakahiya itong sitwasyon ko.

"Uhmmm." Nakakahiya sabihing hindi tapos nakita kaming magkayakap. Well, atleast magkayakap na lang naabutan nya. Kumakabog ang puso ko. Joshua! Tulong naman!

"Oo."

Napatingin ako kay Joshua. Ano sabi mo? Ulitin mo nga Joshua.

"Girlfriend ko si Julia." Sagot ni Joshua sabay hawak sa aking kamay.

"Julia, si Kuya Jayjay. Kapatid ko. Kuya Jayjay si Julia girlfriend ko." Pagpapakilala sa akin ni Joshua sa kanyang kapatid.

"uhmmm. Hello po."

Ang nakakunot na noo ni kuya Jayjay ay nawala at napalitan ng ngiti.

"Buti naman at may girlfriend ka na, pero please Joshua. Wag kayong PDA. Igalang mo Girlfriend mo. Isara mo ang pinto."Sagot ni Kuya Jayjay.

Love & SpellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon