Prologue - OH MY DEER

316 8 2
                                    

Date started: April 20, 2014
Date finished: __________

Lu Han as Lu Han
Park Sun Hye as Miesha Celestine / Celine / Xiang Lian

Trailer on the side.. pasensya na if magulo.. :)

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

Prologue:

Fantasies... Magic... Curses...

Hindi mo alam kung maniniwala ka sa kanila di ba.

Hindi mo alam if matutuwa ka o mababaliw ka di ba kapag naranasan mo yang mga yan.

Kulang na lang, magpatiwakal ka sa sobrang weird ng mga nangyayari sa'yo.

Pero wala eh, sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa akin pa... sa akin pa talaga nangyari.

Hanep naman daw buhay ko oh. Ang malas.

Habulin na nga ako ng disgrasya, pati ba naman yang fantasy-fantasy na yan?

Ano kayang mangyayari sa buhay ko T^T

Ako si Celine... at eto ang kwento ko.

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

[Celine's POV]

Pagod na akong tumakbo, pero kelangan ko, hindi ako pwedeng tumigil, kung hindi... mamamatay ako.

Patuloy lang ako sa pagtakbo, lumilingon paminsan minsan para makita kung gaano na sila kalayo o kalapit sa akin.

Sa pagtakbo, naligaw na ako sa kagubatan. Bakit kasi nauso dito sa bahay namin ang gubat? Yung totoo??

Derederetso lang ako sa pagtakbo, puro na ako galos at sugat dahil sa mga puno at halaman na nakapaligid sa akin.

"Ahh.." puro dugo na din yun puti kong damit, at sobrang gulo na din ng buhok ko na naka-pony tail.

Wala pa rin silang tigil sa paghabol sa akin kaya sinubukan kong bilisan yung takbo ko.

Sa pagtakbo ko, bigla akong napatigil. Isang usa ang nasa harapan ko ngayon. At parang titig na titig ito sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit dito para hindi ito matakot sa akin, at ng makalapit ako, hinawakan ko ang ulo nito.

Nabigla ako ng bigla nitong dilaan ang dugo sa kamay ko.

Nagulat ako kaya bigla kong inilayo ang kamay ko dito. Grabe, sino ba namang di magugulat kung isang usa ang biglang didilaan yung dugo mo di ba. Weird kaya.

Bigla na lang lumiwanag yung usa, parang may fluorescent light sa likod n'ya. Like WTH?!

And then biglang yung liwanag, pumulupot dun sa usa, kaya natumba ako.

Anong nangyayari?!

Sa sobrang liwanag, para akong mabubulag kaya tinakpan ko yung mata ko.

At nung napansin ko na medyo nawawala na yung liwanag, tiningnan ko ulit yung usa.

Pagtingin ko.

O___________O!!

Te-te-te-te-teka!! Bakit naging tao 'to!!! At tsaka ba-ba-bakit... bakit hubad sya!!!

"AHHHHH!" Utang na loob, yung virgin eyes ko... Bigla ko agad tinakpan yung mata ko habang sumisigaw ako.

Tapos naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at dahan-dahan na tinanggal sa pagkakatakip sa mata ko. Tapos nag-lean s'ya sa akin. Sobrang lapit ng mukha n'ya sa mukha ko.

OH MY!! Ang gwapo!!!

Ngumiti s'ya at itinaas yung kamay ko... at...

O____O!!

Sinipsip n'ya yung dugo ko dun sa may wrist ko. May sugat kasi ako dun, kasi nga... pero teka... bigla kong hinatak yung kamay ko away from him, bampira ba tong si kuya -___-

Bigla s'yang ngumiti sa akin at hinalikan n'ya yung kamay ko sabay sabi...

"I have been waiting for you, my princess..." sabi n'ya sabay ngiti ulet.

"Te-teka? Princess? Ay kuya, hindi ako prinsesa.. nagkakamali ka..." sabi ko sabay hila sa kamay ko.

Oo mayaman kami... Pero hindi ako prinsesa... adik tong si kuya.

Itinayo naman n'ya ako at ngumiti ulit s'ya. Bakit ba s'ya ngiti ng ngiti...

Napalingon ako sa likod kasi may maingay, tapos bigla namang dumating yung humahabol sa akin. Hala, patay, ayoko pa pong mamatay!

Pumunta si kuya sa harapan ko kaya napatakip ulit ako ng mata, aba, delikado na 'no, baka kung san lumanding mata ko >////>

"Ibigay mo s'ya sa amin!" sigaw nung isa.

"Paano kung ayaw ko?" sabi n'ya.

"Sugurin n'yo s'ya!" sigaw nung lalaki.

"Ayos to ah, matagal-tagal din akong hindi nakakapag-exercise." Sabi n'ya sabay ikot ng ulo na parang inistrech n'ya. "Kelangan ko din ng damit." Sabi n'ya.

Naramdaman ko nanaman yung kamay n'ya at ibinaba n'ya ulit yun. Ay grabe kuya, magdamit ka muna utang na loob!

Nagulat ako nung bigla n'ya akong halikan sa noo.

"Sandali lang princess ha." Tapos ayun nagtatakbo s'ya papunta dun sa mga lalaki...

Hindi ko napanuod yung laban, well duh, hubad si kuya, di ko kayang tingnan s'ya habang nakikipag-away.

Nakarinig na lang ako ng mga ingay na parang nasaktan, naku, si kuya, kawawa naman s'ya, tinulungan lang naman n'ya ako.

Bigla na lang may humawak sa kamay ko at hinila yun pababa ulit. Pagtingin ko.

"Okay ba?" sabi n'ya sabay ngiti ulit sa'kin.

Pagtingin ko sa likuran n'ya, wala, tumba lahat. Tapos may isa pang hubad, kaya napatingin agad ako sa kanya. Suot suot n'ya yung isang suit nung naka-away n'ya at...

"Gwapo ko 'no." tapos bigla n'yang kiniss yung tip nung nose.

"Kuya nakakailan ka na ha!" sabi ko.

Eh grabe eh, di ko pa nga s'ya kilala, kiss agad s'ya ng kiss.

"Ang cute ng prinsesa ko." Sabi n'ya sabay pat sa ulo ko.

"Te-teka nga, bakit ka ba prinsesa ng prinsesa d'yan. Tsaka sino ka ba?" sabi ko.

"Ako si Lu Han..." tapos naglean ulit s'ya sa akin... "And you'll fall in love with me..."

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

Author's Corner:

Hi guys~ so eto.. story ko for Luhan :D hahaha..

Pero matatagalan 'to.. kasi this is a story talaga.. di katulad nung kay L na parang diary na ewan :D hahaha..

Sana po magustuhan n'yo ang kaweirdohan na ito :D wala akong maisip eh :D hahahaha..

Happy birthday Luhan my DEER <3

kaminari1007 (c)




OH MY DEER! (EXO LUHAN FANFIC) [Slow Updates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon