Seventh.

110 1 1
                                    

Seventh.

“Ahh” I love you talaga yung sinabi nya eh…Hindi ako pwedeng magkamali. Okay naman talaga ang pandinig ko.

“Kami yung nakabunot ng Love.”

*Swerte nila ah.. atin sana yun kainis.* sa lahat ng pwedeng Love yung topic, talagang kami pa. Co-incidence kaya ito o sadyang destiny..

“Class, start your discussion with your pair now.” Sabi ni Ma’am

“Uhm, Fairy?”

“Yes?”  Ano kaya ang sasabihin niya?

“Sa tingin ko dapat nasa kabilang klase ka.” Kabilang klase? O.O

“Ha? Ayaw mo ba akong maging classmate?”                              

“Hinde…… Ibang klase ka kasi eh.” May kung ano sa puso ko na parang lumipad na hindi ko maipaliwanag. Talagang babanatan ako?! Anong nangyari sa kanya? Nasa langit na ba ako. Akala ko ayaw nya sa akin at pinapalipat niya ako.  Pero teka lang, ano nanaman kayang trip nito?

Tumingin kagad ako sa likod. Buti na lang may handkerchief ako para hindi niya mahalata na hanggang tenga ang ngiti ko. Kinilig ako dun ha.

“Fairy.”

“Ano nanaman?” Babanatan mo nanaman ako? Pagnahulog ako sa’yo Mark nako. Ikamamatay ko na siguro.

“Chill lang, ^^ Anong oras na ba sa relo mo ?”  Gwapo niya sobraaaa. anung meron sa oras?

“May orasan ka naman ah. “

“Dito kasi sa orasan ko, oras na para maging tayo.” UWAAAA! Nanlalamig na ako! Lalong bumibilis tibok ng puso ko. Kailangan kong lumayo dito sandali kung hindi sasabog na ako. Feeling ko umiinit na yung puso ko ngayon at namumula na ako. Hindi pwede to. Hinde !

Ba’t kailangan mong maging CHEESY.  Nilalanggam ka na Mark! Ang sweet sweet mo kasi eh. Imbis na magdiscuss kami  para sa art project, eh kung ano ano ang pinag-uusapan namin. Hindi ko dapat mapabayaan yung studies ko. Faye, studies first. K?!

“Adik!”

“Oo, Adik sa’yo.” Uwaaaaaa! Kailan ka pa natutong bumanat Mark? Ibang-iba pa naman siya makangiti.

“Lakas ng trip mo ah.” Tapos hinampas ko siya ng libro na nakalagaysa taas ng armchair . Pano kasi. Di ko na mapigilan tong kilig na to. Nahihirapan na akong huminga gusto ko na talagang tumakas dito. Ngayon na.

“Aray!” tapos nakangiti pa din siya. Ang gwapo gwapo nya pa naman. Kakaiba na to ha. Tigilan mo nga ako Mark Serrano mamaya mahulog ako lalo sa’yo.  Sasaluhin mo kaya ako?

Tapos tumayo na ako at naglakad papunta kina Celine para makahinga sandali, nahihirapan na kasi ako kasi lumalakas na yung tibok ng puso ko .. may biglang pumigil sa’kin. Hinawakan niya yung braso ko. Si Mark Serrano nanaman! Puso ko, maawa ka. Pinagpapawisan na ako. Mamaya aatakihin ako dito. “Wait lang, Di pa kaya tayo tapos. Di pa nga tayo nakapagdiscuss.” Grrrrrr. Oo nga pala. Kung ano ano kasi ang pinagsasabi niya. Parang ibang side na Mark siya at bumabanat pa siya..

Nahihirapan na talaga akong huminga. I’m breathless and my heart beats faster and faster. Siguro sa sobrang kilig, namumula na ako .. Wait lang, pwede ba mabuhay sandali. Patay na patay na kasi ako sa’yo …….Mark Serrano……

“Wait lang ha. Wait lang talaga.” Inhale.Exhale.  

“Dali na, magta-time na oh.” Wala na akong magawa dahil binira nya na yung braso ko at di na ako makapag-ayaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAHIL SA TINGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon