Third.

147 3 0
                                    

Third.

Di ko pa rin makalimutan iyong mga pangyayari..Naalala ko nga yun kagabi eh. Halos buong gabi hindi ako makatulog. Umaga na yata ako nakatulog sa kakaisip. Pero hindi pa rin nagbabago iyong pagtingin ko para kay Mark. At pag naalala ko yung mga nangyari nung nagkalapit yung mga mukha namin ay bumibilis yung tibok ng puso ko..

----

Araw na ng reporting ng bestfriend kong si Celine. At talaga namang pinaghandaan niya ito. Nag-practice pa nga siya sa ilalim ng puno nun diba? ;-)

‘‘If the products are combined, the result would be infinity.’’  At sa pagkakataong ito, nasabi niya ng tama yung pabalik balik niyang nirerecite kahapon. ^_^ Masaya ako para sa kanya dahil maayos ang pagkareport niya.

Napansin ko lang, panay ang tingin niya dun sa likuran, tapos pala masaya ulit ako dahil blooming siya ngayon at nakangiti pa. :-D Naalala niya pa kaya ang lahat ng nangyari kahapon? Para kasing wala lang nangyari eh. Ako lang ba ang lubos na naapektuhan? Wala lang ba talaga sa kanya yun? Eh feeling ko talagang nagseselos siya nun kahapon.

Pero, oh well. Mas mabuti nga yun eh. Kasi dapat Masaya siya magreport, yung parang yung ginawa niya ngayon. Buti naman at inspired na inspired siya. Kinabahan pa naman ako sa kanya. Talagang pinagdasal ko siya kagabi..kahit kaninang umaga ;-)

THANK YOU LORD <3

Teka lang, bakit pag nakatingin siya sa’ken..nagiging peke yung mga ngiti niya? ..na parang may problema kaming hindi niya pinagtatapat sa’ken. Na parang okay kami, kahit hindi naman.

Lagi siyang nakatingin sa likuran. Bakit nga ba sentro yun ng mga mata niya?. Hindi naman si Ma’am yung tinitingnan niya, kasi si Ma’am nandun pa sa dulo. Kung hindi siya nakatingin kay Ma’am, eh kanino..... ?

Sinundan ko kung saang direksyon papunta yung mga tingin niya.. at yun ay kay............

MARK. MARK SERRANO. MY CRUSH. :/

Nakatingin nga siya kay Mark. Wala naman sa’kin yun. Wala na LANG po sa’kin yun. Eh hindi naman kami ni Mark. At pareho rin kaming tao lang, at may karapatang magkagusto sa isang tao. Kaya dapat patas lang. Ayus nga yun kasi maayos yung reporting niya dahil dun.

Pero waiiiiit lang. Si MARK. Hindi naman siya sa black board nakatingin..kung san nakatayo si Celine.  Kung hindi dito.

Dito.

Dito sa kinauupuan ko. :””””””””””>

SA AKIN. Sa akin siya nakatingin! Nahuli ko nanaman siyang nakatingin sa akin! Imposible namang kay Celine yun kasi nasa harapan si Celine. At ngayon, ako lang mag-isa dito. Hindi ako pwedeng magkamali. Therefore I DECLARE. AKO, FAIRY LOUIS GATCHALLIAN ang tinitingnan ni MARK SERRANO! woooohhhhhh ^________________^

Ganito kasi yung seating arrangement. Nasa pang 3rd line kami galing sa harapan

   1st Column                   2nd Column Kami                 3rd Column                 4th column

SHE | KEN                      CELINE | AKO                            HE | SHE           SHE | SHE

  SHE  | HE                         SHE | HE                               SHE | HE               SHE | HE    

   HE | HE                        SHE| SHE                        MARK | JAEBEE            SHE | SHE

DAHIL SA TINGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon