Second

129 3 0
  • Dedicated to Joantherese Binoya
                                    

Dedicated sa bestfriend ko na si Joan :**

Siya kasi ang nagsabi na tapusin ko daw yung story na to ^O^

 Sana magustuhan nyo :D ^___^

-----------

Second.

“Talaga?! Gusto mo maging kuya ko ? ^__^ “ Akala ko naman kung anong sasabihin niya eh gusto niya rin palang maging kuya ko. Sino bang aayaw? Eh siya na yung nag-aalok. At isa pa, mas Masaya kung mas maraming kuya noh.  

“Oo nga my little sistah.”  Ngumiti siya sa’kin. Yeheeeyyy, may bago na akong kuya!! Ang bait bait talaga nila sa’kin.

“Sistah na daw oh. May kaagaw na ako sa kapatid ko.” Sabi ni Kuya Jaebee na mukhang nagseselos. Ganun pala ako ka importante para sa kanya. Ang saya saya ko! Hindi ko pa kasi masyadong close lahat ng kaklase ko.

“Kuya Jaebee naman eh, Nagseselos ka na haa. Pwede naman sabay tayo tatlo lagi eh. Diba kuya Ken?”

“Ehem Kuya Ken..Kuya” pang-aasar ni Kuya Jaebee. Adik talaga ‘to oh

“Sige…para maiba.. koya na lang itatawag ko sa’yo! Okay lang ba ‘yun Koya Ken?”

“Sige. Little sis.”

*end of flashback

Ang mga pangyayaring ‘yun nga ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng kuya. Uso kasi yung pamilya sa amin. Yung tawagan ng ate, kuya, kahit mama o mommy kung sosyal sa room namin kaya happy family kaming lahat.

Pag may kuya ka kasi sa room, may protector ka at may defender ka pa. Caring nga na brother ni Jaebee eh. Sa totoo lang, may kuya talaga kasi ako by blood kaso nag-aaral siya sa malayo.. Kaya masayang-masaya ako na may kuya ako sa room. Na-mi-miss ko na kasi talaga yung totoo kong kuya.

Hindi ko naman talaga crush sina Kuya Jaebee at Koya Ken eh .. Kaya nga kuya ko diba. Hanggang kuya at kapatid lang yung turingan. Si Mark naman talaga yung crush ko.. at sa kanya ako may pagtingin.

Pero hindi dapat ito malaman nino man. Ayoko ring aminin ang aking nararamdaman para sa kanya. Ayokong magkagusto sa’kin yung tao dahil alam niyang gusto ko siya. Hanggang kaya kong itago ito..Gagawin ko. Para na rin sa bestfriend ko.

Balik tayo … sa kasalukuyan..

“Wehh? Crush mo siguro sila noh? “.

“Hindi ah! Kuya ko lang sila.”

“Talaga??”

“Oo nga.”

Nagsimula na akong maglakad papunta sa ibang direksyon pero hinaharangan pa rin niya ito. At hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya pang ngumiti. Anong trip ‘niya??

Kaliwa. Kanan.Likod.Kaliwa.Harap. Kanan.Likod. @_@

Pero hindi pa rin ako makadaan..Isa lang ang nasa isip ko ngayon…TAKBOOOOOOOOO. At ayun nga nasa labas na ako ngayon ng room. Hinihingal pa ako. Nagpahinga ako sa may gilid ng pintuan.

Sabi ko, “Buti naman at din na siya sumunod.” Pinunasan ko yung pawis sa mukha ko.

“Sino?”

“Si Mark.”  Straight lang yung tingin ko.. Pagod ako. Ayoko makipag-entertain ng kung ano ngayon.

“Ako?”

DAHIL SA TINGINWhere stories live. Discover now