Ang Sikat kong Boyfriend # 4

2.3K 105 18
                                    

Chapter 4

//

Ilang araw at mga linggo ang lumipas simula ng pag-aaway namin ni Daniel. Masaya naman ako kahit na hindi kami madalas magkita at naiintindihan ko naman na busy siya sa pag-aaral niya. Masyadong mababaw na dahilan 'yun kung magagalit pa ako sa kaniya at baka isang araw sabihin na lang niya sakin na nasasakal na siya.

Nakikita ko padin naman silang magkasama ni Sia pero wala na akong nararamdaman na selos dahil alam kong totoo ang sinabi ni Daniel na ako lang mahal niya at kaibigan lang niya si Sia.

Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno na ngayon ay naging tambayan na naman nina Toby. Kasama ko ngayon si Ranz kasi may ibang klase si Toby ngayon samantalang vacant naman namin ni Ranz.

"Giiiiirrrll!" sigaw ni Toby habang papunta siya samin.

"Bakit? Tapos na ba klase mo?" Nagtataka kong tanong.

"Oo, tapos na." Sabay huminga siya ng malalim. Napagis siguro kakatakbo."May balita ako sayo Alisha."

"Anong balita?" Nagtataka kong tanong habang nanahimik lang si Ranz at naghihintay ng sasabihin ni Toby.

"It's about Daniel." Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng marinig ko na tungkol pala kay Daniel 'yung ibabalita niya. "Wag ka mabibigla ha."

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Ang bagal naman kasi magkwento ng bakla na 'to. "Ano ba kasi 'yon? Sabihin mo na." Pangungulit ko.

Huminga ulit siya ng malalim at sinabing, "Kumakalat sa buong school na sila daw ni Sia."

Hindi ako umimik. Kunwari wala akong narinig. Kunwari panaginip lang 'to na mamaya lang ay magigising na ako at hindi toto ang lahat ng narinig ko. "Alisha? Okey ka lang?" Tanong sakin ni Ranz.

Tumango tango na lang ako at hindi padin nagsasalita. Lumalaki na naman ang galit ko sa Sia na 'yon. Baka gusto niyang ipasalvage ko siya. Agawin niya na lahat ng lalake dito sa mundo wag lang si Daniel dahil baka gusto niyang magkaroon ng World War III.

"Tahan na Alisha." Sabi ni Toby atsaka niya pinunasan ang mga luha na pumapatak mula sa mata ko. Umiiyak na pala ako, hindi ko man lang namalayan. Parang naninikip tuloy dibdib ko hanggang sa hindi lang pag-iyak ang ginagawa ko kundi paghagulgol na.

"Hindi 'yun totoo. Mahal ka ni Daniel." Bulong naman sakin ni Ranz habang hinihimas ang likod ko. "At kung totoo man ang sinabi ni Toby, igahanti kita."

"Kalimutan mo na muna si Daniel. Kausapin na lang natin pagkatapos ng klase." Sabi ni Toby at iyon nga ang ginawa namin.

Pumasok na kame sa susunod naming klase at sa susunod pang klase habang hinihintay na mag-uwian na kame at maglalakas loob akong kausapin si Daniel. Wala ng paligoy-ligoy pa dahil mas masasaktan ako kung itatago ko lang 'to.

Tsaka ako ang girlfriend niya at hindi ang Sia na linta na 'yon. Ako! Ako! Ako! Wala ng iba!

Natapos ang klase at lumabas na kame ng room. "This is it, Alisha." Sabi ko sa sarili ko.

"Dito lang kame ni Toby sa tabi mo kaya wag ka ng kabahan ha." Sabi naman ni Ranz.

Maglalakas na sana kami ng biglang may lalaking humarang sa harapan namin. "Ikaw si Alisha diba?"

Hindi pa ako nakakasagot, agad na nagsalita si Toby, "Oo siya si Alisha at baket?"

"Sumama ka saken. Pinapatawag ka ni Daniel." Titig na titig talaga sa akin yung lalake. Siguro kaibigan siya ni Daniel.

"Sasama siya sayo kung sasama kami." Lakas loob na sinabi ni Ranz.

"Hindi pwede. Si Alisha lang ang kailangan ni Daniel." Sabay hinawakan niya yung kamay ko. Aakma na sanang suntukin ni Ranz 'yung lalake kaso pinigilan ko siya. "Wag kayo mag-alala. Kaya ko na 'to."

Wala na namang nagawa si Toby at Ranz kundi panoodin akong naglalakad papalayo kasama nang lalaking ito.

Tumigil kami sa isang pinto. "Andyan sa loob si Daniel?" Nagtataka kong tanong.

"Oo naman." Sabay binuksan na ng lalaki 'yung pinto at habang binubuksan niya ito, wala akong makita kundi dilim at wala ng iba.

"Sigurado ka ba? Parang hindi naman e." Medyo kinakabahan na ako dahil baka hindi naman talaga ako pinapatawag ni Daniel. Baka mamaya may gustong gawin na masama 'tong lalaki na 'to sakin.

"Sigurado ako. Pasok na!" Pasigaw na sabi niya sakin. Kahit na medyo nagdadalawang isip ako, sumunod ako sa sinabi niya. Pumasok ako sa madilim na kwarto.

"Wag ka mag-alala, di kita pababayaan." bulong niya sakin,

Napakapit naman ako ng mahigpit sa lalaking kasama ko. Sobrang dilim talaga at wala akong makita o maaninagan man lang. Mali ata 'tong nagpasukan ko e. Baka ibang Alisha at Daniel ang tinutukoy ng lalaking kasama ko. Pero imposible e. Napakaimposimble na may ibang Alisha at Daniel ang magkasintahan dito sa paaralan na 'to.

Biglang nagbukas ang mga ilaw, "Ikaw pala si Alisha." Sabi ng isang lalaki na ngayon ko lang nakita. Sino ba siya? Bakit niya ko kilala?

"Asan si Daniel?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Si Daniel? Wag ka mag-alala, wala pa naman kaming ginagawa sa kaniya." Sabay ngumiti siya ng isang ngiti na parang ang daming masasamang iniisip.

"Ano bang kailangan niyo saken?!" Hindi ko na napigilan sumigaw. Ano bang kasing nangyayari? Una, sa iba nalilink si Daniel tapos ngayon may mga lalaking gusto ata akong saktan dahil kay Daniel. Tsk. Pahamak talaga. Ano ba naman paaralan to?

Kinuha nung lalaki sa harapan ko 'yung cellphone niya at may tinawagan, "Oh Daniel! Naaalala mo ba ko? Nasamin ang girlfriend mo." Sabay tumawa siya. "Pumunta ka dito sa room 306 kung gusto mong walang mangyari sa kaniya."

Sabay inilapit niya sakin yung phone at wala naman akong nagawa kundi sumigaw, "Daniel! Tulungan mo ko, please?" Sabay biglang pinatay na nung lalake 'yung call.

Kahit galit ako kay Daniel alam kong ako lang ang mahal niya at hindi niya ako pababayaan.

"Eto ang napapala ng mga mangaagaw." Sabi nung lalake.

"Mang-aagaw? Sino? Si Daniel?" Nagtataka kong tanong. Nagtawanan bigla 'yung ibang mga lalake.

Umiling iling siya sakin. "Niloloko ka lang ni Daniel. Hindi mo ba napapansin lagi silang magkasama ni Sia."

Oo napapansin ko 'yun pero may tiwala ako kay Daniel. Alam kong hindi niya ko kayang ipagpalit sa iba. Alam kong ako lang mahal niya. Hindi totoo ang pinagsasabi nitong lalake na to. Hindi totoo lahat ng lumalabas sa bibig niya.

"Ako si Clyde. Boyfriend ako ni Sia. Wait. Mali pala. Ex-boyfriend pala." Sabay tinitigan niya ako. "Nakipaghiwalay siya dahil sasama na daw siya kay Daniel."

"Tama na!" Sigaw ko sabay tinakpan ko ang mga tenga ko. Ayoko na. Ayoko na makarinig ng kung ano man. Parang nadudurog ng unti-unti ang puso ko sa mga sinasabi niya.




--
Vote and comment po kayo :D

Ang Sikat kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon