Ang Sikat kong Boyfriend # 7

1.5K 71 18
                                    

Chapter 7

//

The next day, I saw him. I saw Daniel. Pero hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya.

I hate him.

No, I just hate what his doing.

"Alisha" tawag niya sakin pero wala akong ginawa, kahit kaunting paglingon. Nagdirediretso lang ako sa paglalakad ko, kunyari walang naririnig.

"Alisha" tawag niya ulit. Pero katulad ng una, nagbingibingihan lang ako.

Bigla na lang niya akong hinila sa braso ko kaya agad akong napatingin sa kaniya. Looking at him blankly. walang karea-reaksyon.

"What's wrong with you?"

Di ako sumagot. Wala akong gustong sabihin sa kaniya.

"Answer me!" He shouted.

"Bakit mo ko sinisigawan? Ganyan kana ba ngayon?"

"Answer my question!" He shouted again.

"You're the one I should be asking that."

"Ha?" Gulat na gulat siya sa sinabi ko.

"Nevermind." Then I started walking again.

"Alisha!" he was shouting over and over again.

"I hate you!" I shouted back while I was still walking.

"Di kita maintindihan!"

I stopped walking. Turned around and shouted again "I hate you!"

"I hate you more!" he shouted back.

It broke my heart. I started running as fast as I could. Pinipigilan kong umiyak. Ano bang problema ko? Bakit ko ba sinabi 'yon? Eto tuloy ako, nasasaktan. Pero alam ko kasi talagang may tinatago siya. May tinatago silang dalawa ng babaenh 'yon.

"Alisha?" pagtingin ko si Toby. Agad ko siyang nilapitan at di ko na talaga nakayanang pigilan ang nararamdaman ko, naluha na ako. Walang tigil sa pagiyak.

"Ba-bakit?" gulat niyang tanong sakin.

"I can't do this anymore. I think his cheating on me."

"What are you saying? Daniel wouldn't to that. Girl, alam mo namang pinagtanggol ka pa nga niya sa parents niya dati diba para lang maging kayo. He won't do that."

"Pero bakit parang nararamdaman ko talagang niloloko niya ko. He has no time for me pero kapag kay Sia, may time siya." I explained.

"Stop crying Alisha. Go ask Daniel. Wag kang manghinala sa kaniya. Trust him. Okay?"

"Bu-but.."

"No more but's" sabi ni Toby "Girl, just ask him straight."

"I can't."

"Yes you can. You have the right to know everything."

That's what Clyde also told me. That I have the right to know eveeything. I'm the girlfriend here.

"Go ask him."

"Ngayon na? Bukas na lang."

"Anong bukas na lang? Ngayon na. Aa in now na. Go girl! Kaya mo yan!" Pagchecheer pa niya sakin.

"Di ko kaya Toby." I replied with a worried voice.

"Alisha. Now na. Wag mo ng ipagpabukas."

"Si-sige na nga."

"I'll get going then. See you later in class. Go get'em tiger!" Then he walked away.

Naiwan akong nakatayo dito. Pinupunasan ang mga luha ko. Kakayanin ko ba? Pero di pa ko handa. Baka kung anong magawa ko kapag totoo nga ang hinala ko.

"Alisha." Boses 'yun ni Daniel.

Kinabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Di pa ko ready. Ayoko pa. Ano bang gagawin ko? Natataranta na ko.

"Alisha look at me!" at tumayo siya sa harapan ko.

Ayoko. Ayokong tumingin sa kaniya.

"Alisha."

Ayoko padin. Hindi ako titingin. No way.

Hinawakan niya ang mukha ko at wala ako nagawa kundi tumingin sa kaniya.

Bigla niyang hinalikan ang mga labi ko at wala akong nagawa kundi sampalin siya.

Mahal ko siya pero this is not the right time.

Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Kahit ako nagulat din pero madaming tao ang nakakita samin at mali 'yon.

"Why did you do that?"

Hindi na naman ako sumasagot.

"Do you want to break up with me?"

Hindi padin ako sumasagot. It's like I was mute.

"Alisha." His voice softened. I can feel he was worried.

"Answer me Alisha. Please, Answer me." He pleaded.

"I'm sorry Daniel. Ayoko makipag break. Ayoko kasi mahal kita."

"Pero bakit ka ganto sakin?"

"Wa-wala." Di ko kasi alam ang isasagot ko. Tatanungin ko na ba talaga siya?

"Don't lie Alisha."

"Are you cheating on me? There, I said it. Happy now?"

He was startled. Tititigan niya lang ako samantalang hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Bumibilis din ang tibok ng puso ko habang tumatagal ang sitwasyon. Walang nagsasalita. Ramdam ko na maraming nakikinig sa usapan namin. Isang malaking eksena ang nangyayari ngayon. Isang malaking bagay namakakapagpabago sa relasyon namin.

Nang biglang, "Danieeel!" sigaw ng isang babae. Agad kong tinignan at wala ng iba kundi si Sia. Si Sia na lagi niyang kasama. Si Sia na mas importante pa sakin. Si Sia na mas maganda, mas matalino, mas mabait, mas sikat. Bagay sila, di katulad namin ni Daniel, hinding hindi magiging bagay.

Lalong ikinagulat ko pa ng bigla siyang yakapin nito. Bakit? Bakit sa harap ko pa?

"Alisha." bukangbibig niya.

"No, don't explain anything. I understand now." Then I smiled, a fake smile. After that, I just walked away. Not even looking back.

Nakakainis na talaga 'yung unggoy na 'yon. Kung makakapit kay Daniel akala mo mamatay kapag bumitaw. Stop it Alisha. Stop thinking about them. Pero is really the end of our relationship? Pero wala namng nangyaring hiwalayan diba? Di ko na maintindihan ang mga nangyayari. Bakit ba ang gulo-gulo? Bakit ang daming hadlang? Wala na ba akong karapatan sumaya?

Habang naglalakad ako sa hallway, madami akong naririnig. Napakabilis naman talaga kumalat ng balita. Nakakainis pa, minsan nagiiba na ang mga kwento. May nagsasabing nagbreak na kami. May nagsasabi na ako pa ang nanloko. May nagsasabi din na bagong girlfriend na ni Daniel si Sia.

Why? That is all I can say. Di pa ako gaano katagal dito sa university na 'to pero ang dami dami ng nangyayari. Dahil si sa pangyayari kanina, sumikat ako pero in a bad way.

As usual, I went to my next class. Ang daming chismoso at chismosa. Hindi na sila tumigil. Parang feeling nila, wala ako sa room. Sa mga nangyayari nga, gusto ko na lumubog sa kinauupuan ko. Pero napag isip isip ko lang, sa dinadami ng nangyari samin ni Daniel, sa dinami dami ng chance na binigay namin sa isa't isa, magagawa niya kaya talaga akong ipagpalit sa iba? Hindi pa naman siya umaamin o nagsasabi ng panig niya. Kung hindi lang kasi dumating si Sia, edi sana naayos namin to o kaya naman nakapagpaliwanag man lang si Daniel.

Hay, Buhay.

Ang Sikat kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon