Ang Sikat kong Boyfriend # 14

2.6K 142 110
                                    

Ilang linggo na din ang lumipas simula nung gabing 'yun. Simula nung gabing hiniwalayan ko siya.

Ngayon kahit gusto ko man ng utak ko na pagsisihan ko ang lahat, ayaw na ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang puso kong pagod na pagod na.

Oo, hindi ko na siya ipaglalaban.

Oo, napagod ako.

Pero pinaglaban ko na naman siya diba? Ginawa ko na lahat ng posible kong gawin. Pinagsabihan ko na siya. Kinausap. Pati si Sia kinausap ko na hanggang sa puntong pinagselos ko siya kahit hindi talaga sinasadya. Pero gumana ba? Ni isa, wala.

Sa bandang huli, talo padin ako. Nasasaktan padin kahit wala ng kami. Pero naniniwala akong makakalimutan ng puso ko na mahalin siya. Na isang araw, magigising na lang ako na hindi ko na siya mahal. Na isang araw, magiging masaya na ulit ako.

"Hoy! Prinsesa!" Sabay hagis ng unan sakin ni Chris. Kanina pang umaga yan. Linggo ngayon kaya nakikitambay siya dito sa bahay.

Itinaklob ko na lang yung kumot na nakapalupot sakin hanggang sa ulo ko na senyales na ayokong kausapin siya.

"Single kana pala ulit." Sabay tawa niya. Napaka insensitive talaga ng taong to.

"Tumayo kana diyan. Gumala na lang tayo para di kana magmukmok diyan." Yaya pa nito.

Tinanggal ko ang pagkakataklob ng kumot sa mukha ko, "Ayoko."

"Dali na kasi," sabay hablot sa kamay ko at hinila hila ako, "sasama ka sakin. Para makalimutan mo na yang nararamdaman mo kay Daniel."

Parang ang sarap umiyak sa mga pinagsasasabi niya. Kaso ayoko. Malakas ako. Pipigilan ko.

"Alisha naman. Nakipagbreak break ka tapos ikaw ang nagmumukmok?"

Oh diba? Ang insensitive talaga.

"Isipin mo nga muna yang mga salitang yan bago mo sabihin." Pranka kong sabi.

"Sorry na, pero sumama ka padin sakin." Pangungulit niya.

"Oo na nga! Ng manahimik ka na dyan." Pilit na sabi ko. Pero siguro mas okay nadin 'to. Para malibang naman ako at makalimutan ko ang kirot na dala ng sawing pag-ibig.

Tapos tumayo na ko para maligo at mag ayos. After mga 30 minutes, on the road na kami. Commute as usual. Tipid sa gasolina at mas enjoy.

Nagikot ikot lang kami sa mall.

"Naaalala mo pa ba nung una kitang sinama sa botique na 'yun" sabay turo niya dito.

"Aba, oo naman. Kung hindi dahil sayo, siguro hindi ako ganito ngayon. Siguro pinagtatawanan padin ako ng mga judgemental na tao sa mundo."

Nakakatuwa lang si Chris kasi pinapaalala niya sakin yung masasayang araw ko noon. Buti na lang at may kaibigan akong katulad niya.

Speaking of kaibigan. Nung tinapos ko ang relasyon namin ni Daniel, pati friendship namin nadamay. Ganon siguro talaga. Buong siya, nawala sakin.

"Oh! Oh!" Sabay hawak ni Chris sa mukha ko, "Iiyak ka na naman?"

"Hindi, hindi," pagkukunyari ko, "napuwing lang ako."

"Sus, halika na nga" tapos nagikot ikot na naman kami.

Nung mga bandang 7pm na. Umalis na kami sa mall at nagpunta sa night market sa may china town para dun naman umikot.

Habang tumitingin ako ng mga hair clip biglang may nagsalita, "bagay sayo to."

Pagtingin ko si Clyde lang pala. Kaya pala medyo pamilyar ang tono ng boses sakin. "Anong ginagawa mo dito?"

"Nag iikot ikot lang. Tumitingin baka sakaling may magustuhan."

"Sinong kasama mo?" tanong ko sa kaniya.

"Wala, ako lang. Gusto mo ba kong samahan?"

"Hep! Hep! Hep!" Sabay harang ni Chris sa gitna namin. "Ako ang kasama niya."

Natawa naman ako, napakaprotective talaga nito ni Chris pero dahil kaibigan ko naman si Clyde niyaya ko padin siya kahit alam kong ayaw ni Chris, "Sumama ka na lang samin"

"Okay lang ba?" Nag aalangan na tanong ni Clyde.

"Oo naman," sabi ko habang tinitignan ako ng masama ni Chris, "Hayaan mo na to. Okay lang sa kaniya na sumama ka. Diba Chris?"

"Kung okay lang kay Alisha, edi go." Halata na napipilitan lang si Chris. Pero mas sumasaya ako. Ang sarap niya inisin.

Wala pang kalahating oras kaming magkakasama, walang tigil na si Chris at Clyde sa pagbabangayan. Lagi silang magkasalungat sa lahat. Hindi ko lang maintindihan kung pano nila nagagawang hindi maubusan ng salita sa isa't isa. Tipong lahat ng sabihin, nakokontra nila.

"Chicks oh!" narinig kong bulong ni Clyde kaya napalingon kami pareho ni Chris.

"Ganyan taste mo? Katawan lang maganda." tutol naman ni Chris.

"Kesa naman sayo, maganda nga mukha at katawan. Panget naman ugali." kontra naman ni Clyde.

Hanggang sa nagsawa na ako sa pinag-uusapan nila at medyo lumayo muna. Nag-ikot ikot mag-isa ng walang paalam. Bahala sila maghanap sakin. Sa halip na maging okay ako, sumasakit lang ang ulo ko sa kanila. Siguro, hindi talaga dapat pinagdidikit ang dalawang 'yon.

Habang tumitingin ako ng pagkain biglang may nakita akong lalaki sa may kanto. Namumukhaan ko siya kaso hindi ko maaninagan ng maayos dahil madilim. Medyo lumapit pa ako ng kaunti at nagulat ako sa nakita ko. Si Daniel. Mag-isa siya. Ano naman kaya ang ginagawa niya doon?

"Alisha," sabi nito. Nakita niya ko?

"Alisha!" sabi pa ulit nito habang papalapit sakin.

"Da-daniel.." hindi ko alam ang gagawin. Nakatigil lang ako habang naglalakad padin siya papalapit sakin hanggang sa bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng sobrang higpit.

"Wag mo ko iwan, please. Alisha." lalong humihigpit ang hawak niya.

"A-aray! Nasasaktan ako Daniel." at nagsimula na akong magpumiglas sa hawak niya.

"Alisha mahal kita. Balikan mo ko. Please, Alisha." pagpupumilit niya.

"Daniel lasing ka ba?" sigaw mula sa likod ko. Sila Chris at Clyde. Buti na lang ang dumating sila.

Agad na hinila ni Chris si Daniel habang tinanggal naman ni Clyde ang kamay ni Daniel sakin.

"Wag nga kayo makielam!" sigaw ni Daniel. "Lalo na ikaw!" sabay turo niya kay Clyde.

"Daniel, please stop this." naiiyak na ko sa nangyayari. Kasalanan ko ba to? Kasalanan ko ba kung bakit nagkakaganito ngayon si Daniel? Napakasama ko bang tao?

"P*cha Alisha! Lumayo ka dyan sa g*go na 'yan!" sabay nakawala siya sa hawak ni Chris at biglang sinuntok si Clyde sa kanang pisngi nito. Bumawi din ng suntok si Clyde sa may sikmura ni Daniel.

"Wag mo ko idamay sa problema niyo." sigaw ni Clyde.

"Mang aagaw ka ng girlfriend?" Sabay suntok na naman ni Daniel na nailagan naman ni Clyde.

Napatawa bigla si Clyde, "Nahihibang ka na ba talaga Daniel? Si Sia ang inagaw mo sakin. Nakipagbreak siya sakin ng dahil sayo."

Susuntukin na naman sana ni Daniel si Clyde ngunit humarang ako sa gitna at sumigaw, "Tama na! Itigil niyo na nga 'to! Please lang!"

--

I'll update every 100reads

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Sikat kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon