Chapter 4: The Witch's Appearance

259 101 44
                                    

Chapter 4: The Witch's Appearance

By: Clovergiel

"Aurora, kumain ka na ha at baka ma-late ka na sa school mo." 'Yan nga pala si mommy Fanny. Ang aking No. 1 partner in fairytales! 

Mahal na mahal ko 'yan sobra! Pero syempre love na love ko rin ang aking daddy kaso lang mommy's girl ako. 

Kapag nga magkasama kami, mukha lang kaming magkapatid. Sunod din kasi
'yun sa uso, kaya bagets na bagets tingnan. Pero kahit ganyan 'yan, super taas pa rin ng respeto ko sa kanya. Nakakatakot kaya siya magalit!

Anyway, kumain na ako agad ng breakfast, baka magalit na talaga siya, and that spells trouble! For me. Huhuhu.

Kaso lang, ayoko talagang pumasok. Di ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa school sa nangyari kagabi. Siguradong buong campus, alam na 'yung tweet na 'yun. Baka pati mga teachers pa nga, alam rin. Pero hindi ako doon natatakot. Panigurado, nakarating na 'yun dun sa Bryce the Beast na 'yon! Dedbols na talaga ako kung nagkataon!

Eh kung mag-disguise kaya ako? Magwi-wig ako tapos papa-pangitin ko sarili ko? Kaso, baka naman lalo akong mapansin kasi di nila ako kilala. Or kaya dumiretso agad ako sa clinic tapos sabihin ko na may sakit ako? Pero, baka sabihin naman nung nurse, bakit pa ko pumasok! Nagpa-clinic na nga ako kahapon tapos papasok-pasok ako ngayon, papa-clinic lang naman pala ulit!

Haaaaay... bahala na nga! Haharapin ko na lang 'to. Aasa na lang talaga ako sa miracle. Lord God, please! Kailangan ko po talaga ng matinding himala ngayon! Malakas naman po ako sa inyo, 'di ba?

So, in the end, nagdecide na lang ako na pumasok. Di ko kailangan matakot sa beast  na 'yun no! Kasama ko si God at talo ng kabutihan ang kasamaan! Bwahahahaha!

Tapos biglang may nag-ring. Yung telepono ata namin.

"Mommy, ako na po ang sasagot ng phone," sabi ko kay Mommy Fanny. 

After siguro mga pitong rings bago ko nasagot yung phone. "Hello?"

Hinintay kong may magsalita, pero mga 5 seconds na, tahimik pa rin sa kabilang linya. Nag-hello ulit ako. Wala pa rin.

Nung ibababa ko na sana yung receiver, biglang may nagsalita.

"Aujourd'hui, c'est le debut de tout."

Ano raw? Wala akong naintindihan sa sinabi ng nasa kabilang linya. Attend daw akong debut? Baka alien 'tong kausap ko? Pero paano niya kaya nalaman 'yung number namin? Mukhang scammer pa 'to ah. O kaya estudyante nila Daddy na nanti-trip.

"Excuse me, sino po sila?" tanong ko.

Tapos biglang may matinis na sound na nakakabingi, kaya nilayo ko 'yung receiver sa tenga ko. Then, dial tone.

Ano kaya 'yun? Parang kinilabutan ako dun ah. Di kaya sign 'yun na may hindi magandang mangyayari ngayon? 

Bahala nga siya. Nagkibot balikat na lang ako at nagpaalam na 'ko kanila Mommy Fanny at Daddy Tyrone.

"Nak, tumawag pala si Lumi. Bukas daw dadating 'yung pina-repair mong scooter. Okay na rin daw 'yung design na pinapagawa mo sa kanya."

"Wow!" Na-excite ako bigla. Finally! Makakauwi na ang Baby Angus ko. Isang linggo din 'yun nahiwalay sa 'kin. Huhuhu. "Sige po mommy, tawagan ko siya mamaya para makapag-thank you. Alis na po ako." Humalik ako sa pisngi nila bago tuluyang umalis.

Paglabas ko ng gate namin, nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Baka eto na 'yung masamang mangyayari ngayon. Mga two blocks away kasi sa bahay namin, may naaaninag akong di kanais-nais. Yung sikat na bluish silver Porsche Panamera ni Prince Beast -- este -- Bryce!

Kahit 10 miles away ka pa, hindi ka pwedeng magkamaling hindi makilala yun kasi nag-iisa lang iyon na ganoon kakintab. Tsaka basta, may aura 'yon na pang Bryce the Beast lang.

So in short, andito siya sa subdivision namin. Naka-park 'yung sasakyan niya sa harap ng bahay ni Cheska Villamor, 'yung rumoured girlfriend ni Bryce. Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi lang yun tsismis, totoo na itech!

Kaso, ang problema ko ngayon, ang pagpasok ko sa school. Madadaanan ko kasi yung bahay nila Cheska. Paano kaya 'to??

Eureka! Dadaan na lang ako dito sa kabilang side. Kahit out of the way at mas malayo pa ang iikutin ko, okay na 'yun, 'di ko lang 'yun madaanan. Mahirap na, baka mahuli pa ako ng maaga.

So nagsimula na akong maglakad. Pero first time kong dadaan dito. Sabi kasi nila, marami daw haunted na bahay dito. Creepy.

Pagliko ko ng street, may nakita akong matandang pulubi na naglalakad papunta sa direction ko. Babae siya, at puti na 'yung buhok niya na medyo magulo. Tapos sira sira din yung damit niya. At may hawak siyang mahabang tungkod.

Ang tanong, paano siya nakapasok sa Subdivision namin? Hindi naman sa matapobre ako. Alam ko kasi, napaka-istrikto nung mga guard at hindi sila basta basta nagpapasok ng hindi nila kilala. Kahit gaano pa kasosyal yung suot mo.

Tahimik lang siyang naglalakad. Palihim ko lang siyang tinitingnan kasi baka anong isipin niya at titig na titig ako sa kanya. 

Hindi niya ako pinapansin. Hindi nga ata niya alam na andun ako eh. Nung malapit na kami magkasalubong, nagulat ako. As in major major to the highest level shookt ang lola niyo.

Bakit? Kasi tumigil siya sa paglalakad at nagsalita siya.  At hindi lang basta-basta, eto yung sinabi niya.

"Hija, be mindful of everything around you. You will be the cause of the curse, and only you will be able to end it. Just some piece of warning, you know? Getchi mo? Sige gorabels na pfhhouwwssz ackkhouwzz. Babushki!!"

Tapos, tumakbo siya palayo. As in matulin na takbo!

Nanlaki 'yung mga mata ko sa gulat at napasalampak ako sa semento. Di ko kineri si lola eh. Sinampal-sampal ko 'yung pisngi ko para siguraduhing gising ako at hindi nananaginip.

Ha? Ano raw sabi niya? Curse daw?

Sinundan ko siya ng tingin habang tumatakbo siya palayo. Bumabagal na 'yung takbo niya, mukhang hinihingal na. Hahaha. Lumiko siya sa street namin. Ano kayang kailangan niya? At sino kaya siya? At bakit ang daming mysterious na nangyayari ngayong araw na 'to?

-------Chapter 4 end------

Clovergiel's Rants and Stuff Corner:

Woah! The witch finally appeared! Ayan na, nagsisimula na ang magic and Fairy Tale vibes sa ating story. Excited na ba kayong isumpa si Bryce? Bwahaha ako rin eh.

So that's it!

Vote if you liked it.
Comment if you have insights.
Follow if you want more of my stories!

BLESSINGS! <3

~Clovergiel

The Beast's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon