Chapter 3

105 3 2
                                    

Pagkapasok ko sa bahay, tanging lamp shade na nasa sala ang nagsisilbing liwanag. Malamang ay tulog na si Mommy. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig at kumuha ng isang slice ng cake since wala naman na akong gana kumain ng kanin ngayon. Pagkatapos ay dinala ko yun sa kwarto ko.

Nilapag ko muna yung bag at plate sa study table ko bago ako lumabas ulit at nagtungo sa kwarto ni Mommy.

Nakatulog syang hawak yung isang black folder. Malamang ay tungkol yun sa trabaho nya. Kinuha ko yun at inilagay sa bed side table nya. Tinanggal ko rin yung salamin nya sa mata at inayos ang kumot nya. Naalimpungatan si Mommy sa kilos ko. Nagkusot sya ng mata.

"Claire?" Hinawakan nya yung kamay ko at umupo sya, "kakarating mo lang? Kumain ka na ba?"

Ngumiti ako, "Kakauwi ko lang, Ma. Tulog ka na ulit." Humikab sya.

"Osige. Yung ulam iinit mo na lang sa microwave ha? Matutulog na ako at maaga pa ako bukas. Ang daming darating na importanteng guests sa company." Kwento nya sabay buntong-hininga. Ngumiti ako.

"Sige po, Mommy. Goodnight." Hinalikan nya ako sa noo at humiga ulit. Tinulungan ko syang ayusin yung kumot nya pagkatapos ay sinarado ko yung balcony door at kurtina tsaka lumabas.

Pagkatapos kong kainin yung cake ay nagshower ako saglit at tsaka ginawa ang night routine ko, nagbihis ng pajamas. Lumabas ako ng banyo at nakita kong umilaw yung phone ko. Kinuha ko yun at nakita ko yung name ni Coach.

From: Coach Serra
Got home already?

Si Coach talaga.

To: Coach Serra
Yes, Coach. :)

Wala na akong natanggap na reply after. Nagpatuyo akong buhok tsaka nagpasyang magpahangin sa balcony ko. Tinanaw ko ang langit at buwan. Narinig kong tumunog yung cellphone ko kaya pumasok ako at nakitang si Papa yung tumatawag.

"Pa."

(Claire, kamusta?)

Umupo ako sa kama, "Ayos naman po, Pa. Kakauwi ko lang halos. Kayo po?"

(Ayos naman ako dito. Ang Mommy mo?)

"Tulog na po." Narinig ko syang bumuntong-hininga, "Hindi ka pa rin po ba nya kinakausap?"

(Hindi pa. Pag tumatawag ako, minsan hindi nya sasagutin o kaya kung sagutin man nya, hindi naman sya kikibo pagkatapos ay bababaan ako.)

Napangiti ako at medyo natawa. Ilang buwan na syang di kinikibo ni Mommy dahil hindi natupad ni Papa yung pangako nyang uuwi sya. Presidente kasi ng isang kilalang company sa London si Papa kaya lagi syang busy at minsan na lang umuwi. Kaya siguro nagtatampo si Mommy kasi namimiss na nya si Papa.

"Kakausapin ko sya for you, Pa. Don't worry."

(Osige. Osiya. I have to go. May work pa akong tatapusin. Ingat kayo dyan.)

"Sige po. Love you, Dad."

(Love ko kayo. Bye.) and he hanged up.

Binalik ko sa pagkakacharge yung phone ko at lumabas ulit ng kwarto para hugasan yung pinagkanan ko.

Bumalik ako sa balkonahe at nagmuni muni ulit saglit. Siguro ay kailangan ko nang matulog. Pumasok na ko sa kwarto at nilock ang glass door at tinakpan iyon ng kurtina. Umiilaw nanaman yung phone ko.

Puro chat nila Lyla. Problema ng mga to?

Maria Lyla Travis: Hoy, babae! Ano to?

At may naka-attached na photo doon na naguusap kami ni Jaycee. What the hell?

Luna Claire Hernandez: Saan mo yan nakuha? Wtf, Ly?

In Another LifetimeМесто, где живут истории. Откройте их для себя