Chapter 2

68 3 0
                                    


Chapter 2

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buong byahe ng nasa enclosed space kaming dalawa. Isa't kalahati o dalawang oras yung byahe pauwi sa amin. Ilang minute pa lang yung nakakalipas mula nung nakaalis kami sa parking ng university pero parang feelingko hihimatayin na ko dahil kanina pang mabilis yung tibok ng puso ko.

Tahimik kaming dalawa, tanging mahinang tugtog lang sa stereo nya ang ingay sa amin. Gusto kong magpaka-abala sa phone ko kaso nalobat ako after kong itext si Mommy na on the way na ko pauwi. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, iniiwasang titigan sya habang nagdadrive.

Muntik na akong mapatalon sa inuupuan ko nung bigla syang nagsalita.

"Magpapagasolina lang ako. Nagmamadali ka na bang umuwi?" nilingon ko sya, nakatingin sya nang diretso sakin.

"H-ha? Ay hindi naman. Ayos lang." tumango sya at niliko ang sasakyan sa may gas station. Tinigil nya yung sasakyan at bumaba. Napabuntong-hininga ako. Tinitigan ko sya sa labas habang finifill up yung gas ng kotse nya. Nakasandal sya sa kotse nya. Umayos ako ng upo para makita sya ng maayos.

Mabuti na lang at tinted itong kotse nya kundi makikita nya akong parang tanga na nakatingin sa kanya.

Ang gwapo nya. Pinasadahan nya ng daliri yung buhok nya. My heart skipped a beat. Umayos ako nang upo at napahawak sa dibdib ko.

Hindi ko na dapat to nararamdaman e. Hindi na dapat kasi wala namang patutunguhan to. Limang taon na, wala pa rin namang nangyayari kaya dapat matagal na akong tumigil e. Huminga ako ng malalim. Biglang umilaw yung phone nya at pagkakita ko pa lang noong pangalan nung tumatawag ay lalong alam ko na dapat matagal ko nang itinigil ang kahibangang ito.

Nakatitig lang ako sa caller id habang nararamdaman ko ang puso ko na parang pinipiga. Tumulo ang luha ko na agad kong pinunasan. Nagpanic ako nung nakita kong patapos na si Jaycee magfill ng gas. Bumuntong-hininga ako at sinigurado na walang luha na nanatili sa mukha ko.

Nagbayad na sya at pumasok sa loob. Tumingin sya sa akin agad, napatikhim ako dahil doon.

Huwag mo akong tignan ng ganyan.

"Uhh... may tumatawag sayo kanina." I casually said. Mabuti at hindi halata ang pait nang pagkakasabi ko nun. Hindi sya sumagot agad kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat ako dahil nakatitig sya sa akin na para bang naghihintay sya ng reaksyon mula sa akin.

"Hm. Sino?" tanong nya nang magtama yung tingin naming.

"Si Michelle." Bakit kailangan nya pang itanong sa akin? Pwede namang tignan na lang nya agad yung phone nya. Hindi sya sumagot, nakatingin lamang sya sa akin. Napakurap ako at doon lang sya kumilos at tinignan yung phone nya. May pinindot sya at narinig ko ang pangring noon, ibig sabihin ay tinatawagan nya si Michelle.

Kailangan ba talagang naka-loud speaker? Hindi ko gustong marinig yung pag-uusapan nila.

Pinaandar na nya yung kotse nya. Tumingin ako agad sa bintana. Ayoko mang marinig ang pag-uusapan nila kaso naka-loud speaker kaya wala akong magagawa.

"Hello?" that sweet voice. Pumikit ako saglit at dahan-dahang pinakalma ang sarili.

"Hey, baby. What's up? Sorry hindi ko nasagot yung tawag mo. I'm at the gas station kanina."

Baby. Bumigat yung paghinga ko at nararamdaman ko nanaman yung luha ko.

No. Hindi pwede. Inayos ko yung seatbelt ko kasi feeling ko lalo akong hindi makahinga.

"Wala naman, babe. Hindi ka pa kasi nagtetext na nakauwi ka na e. Nasaan ka na ba?"

"On the way pa lang. Medyo natagalan kami kanina kasi badtrip si Coach sa amin."

"Ganun ba? Osige, ingat ka ha. Call me pag nakauwi ka na."

"Of course."

"Bye. I love you."

Fuck. Kinuyom ko yung kamao ko. Nagtaka ako nung hindi sya sumagot kaya hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya at nagulat ako nung nakatingin sya sa akin.

"I love you too." Sagot nya sabay baba nung tawag. Tumingin sya sa harap ulit.

What the hell?

Napakurap ako ulit at tumingin sa bintana. What was that? Bakit kailangan nakatingin sya sa akin habang sinasagot yun sa girlfriend nya? Was that necessary?

Sa sobrang gulo ng utak ko nakalimutan ko na lowbat ang phone ko.

"Sheez." Gusto ko sanang maglaro sa phone ko para maiwasan kong mag-isip.

"Lowbat na phone mo?" tanong nya sa akin. Tumango naman ako, "pwede kang macharge dito."

"Okay lang?" tinignan ko sya, tumango naman sya, "thank you." Kinuha ko yung cable sa bag ko at sinaksak sa outlet na nandoon at sa wakas ay nakapagcharge din. Pagkabukas ng phone ko ay nakita ko agad ang mga texts ni Mommy. Sinagot ko naman ang mga yun. Nagpakabusy na lang ako sa phone ko hanggang sa makarating kami sa bahay.

Tinanggal ko na yung cable at inilagay yun at ang phone ko sa loob ng bag ko.

"Salamat sa paghatid ha. Pasensya na sa abala."

"Walang anuman. Ayos lang, ginusto ko naman din to." Ngumiti na lang ako at tinanggal ang seatbelt ko.

"Papasok na ako sa loob. Salamat ulit." Binuksan ko na yung pintuan at bumaba na. Papasok na sana ako ng gate noong tinawag nya ako.

"Claire." Nilingon ko sya. Nakababa yung salamin sa passenger seat nya.

"Bakit?" tanong ko. Ilang segundo bago sya sumagot.

"Goodnight." Ayun lang pala. Ngumiti ako.

"Goodnight din." Itinaas nya ulit yung bintana at umalis na. Tumingala ako sa langit at nakita ko ang ganda ng buwan.

Hanggang kalian ba ako masasaktan ng ganito?

In Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon