Chapter 3: Good News or Bad News?

102K 3.3K 880
                                    

XYRA's POV

Pagbalik ko sa classroom, saktong hindi pa dumadating ang professor namin at wala pa rin si Clauss. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Cyrus. Wala sa sariling umupo ako sa armchair ko at humalumbaba.

"Natulala ka na diyan? Kamusta? Nakita mo ba si Cyrus? Ang gwapo niya, 'no?" bulong sa'kin ni Frances na hindi ko namalayang nakalapit na pala.

"Gwapo nga," wala sa sariling sagot ko. Ni hindi ko siya nililingon. Iniisip ko pa rin kung nagkataon lang ba na halos magkamukha sina Clauss at Cyrus. Imposible naman kasing magkapatid sila.

"Napansin mo rin ba na may kamukha siya?" tanong ni Frances na umupo sa armchair ni Clauss.

Napalingon ako sa kanya. "Kamukha siya ni Clauss," tugon ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Frances sa sinabi ko. Sa tingin ko, ngayon lang niya na-realize na magkahawig sina Cyrus at Clauss. Napailing ako sa reaksiyon niya. 

"What the! Kaya pala!" malakas na sabi ni Frances. Bigla siyang napatayo sa upuan nang pumasok si Clauss sa classroom. Nagtatakbo siya sa upuan niya sa likod at doon umupo. Napangiti ako sa pagkataranta niya.

Tahimik na umupo si Clauss sa armchair niya kaya napakunot-noo ako.

"Saan ka galing?" pag-uusisa ko.

"Diyan lang," sagot niya pero hindi tumitingin sa'kin. Sa labas lang siya ng bintana nakatingin kaya napasimangot ako. Mamamatay ba siya kung titingnan niya ako? Saka may lugar bang "diyan lang"? Saan 'yon? Nakakainis naman!

Mas pinili kong tumahimik na lang kaysa makipagtalo sa kanya. Mukhang wala naman siyang balak na magbigay ng matinong sagot. Tumayo ako para pumunta sa comfort room. Napalingon siya sa'kin nang marinig ang ingay ng upuan ko.

"May pupuntahan ka?" kunot-noong tanong niya.

"Oo. Bakit sasama ka?" mataray kong tanong sa kanya.

"Saan?" tanong niya.

"Diyan lang," pamimilosopo ko.

"Ano'ng diyan lang?" tanong niya habang nakaangat ang isang kilay.

"Diyan lang. Sa tabi-tabi," irap ko sa kanya sabay lakad palabas ng classroom.

"What?" narinig ko pang sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Akala niya siya lang ang marunong sumagot ng "diyan lang"? Ako rin kaya! Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa likod ko habang naglalakad ako sa corridor. Napahawak ako sa dibdib sa sobrang kaba. 

"Tsk. Tsk. Pwede ba? Huwag kayong mag-away ni D-- Clauss. Ako ang napu-purwisyo sa inyo eh," naiiling na wika ni Cyrus. 

"Kanina ka pa ba diyan?" gulat na tanong ko nang lumingon ako sa kanya. Matipid na ngumiti siya sa'kin pero hindi niya ako sinagot. Napakibit-balikat ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakasunod lang siya sa'kin na ikinainis ko. Nagtataka ako kung bakit niya kilala si Clauss. At paano niya nalamang nag-aaway kami? Saka bakit siya mapupurwisyo?

"Hanggang saan mo ba ako susundan? For your information, pupunta ako sa ladies room," inis na sabi ko sa kanya.

"I don't care. Balak talaga kitang sundan hanggang sa loob ng ladies room," kibit-balikat na sagot ni Cyrus na kasabay ko na ngayon sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

"Pervert!" sigaw ko sa kanya. Hahampasin ko sana siya nang malakas sa balikat pero bigla siyang naglahong parang bula. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid para hanapin siya. The next thing I know, he was already grinning in front of me. Hindi ko man lang nakita ang paggalaw niya para umiwas sa hampas ko.

"Sorry, kailangan kitang bantayan kaya susundan kita kahit sa loob pa ng ladies room," he winked. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Bakit kailangan pa niya akong bantayan? Ano ba'ng meron? Wala naman sigurong masamang mangyayari sa'kin sa loob ng ladies room?

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon