03 : Big Names, Assembled

3.6K 365 95
                                    


Pagkahinto ng sasakyan ay agad kaming lumabas at kinuha namin ang mga gamit sa likuran. Ang hassle pang gumalaw dahil panay ang kuha sa amin ng kanya-kanya naming cameraman.

We immediately marched toward the hotel entrance, but we were momentarily stopped by the guards. Pinakita naman namin ang letter na natanggap namin at pagkatapos nilang i-check 'yon pati na ang valid IDs ay pinapasok din naman kami.

"Whoa," Arin gasped while looking at the hotel's interior.

"Must be a four- or five-star hotel," bulong ni Roi.

Habang hatak at dala ang mga gamit namin ay pumunta kami sa Assembly Hall, kasama na rin ang cameramen, at pagdating namin do'n ay napatigil ako dahil kaunti pa lang ang mga tao.

"Oh!" The girl in gray shirt exclaimed while pointing at us. She waved her hand, urging us to go to her direction. Lumapit naman kami at nang nasa harapan na niya kami ay ngumiti siya nang malapad sabay sabing, "You're the first team to arrive! Congratulations!"

Nagkatinginan kaming apat dahil hindi namin in-expect 'yon. We were already five minutes late, yet no other teams were present. Are we really the first placers?

"We will explain the next event later," she said. "For now, you can check in to your respective rooms."

Inabot niya sa amin ang dalawang key card at pumunta kami sa rooms na nakalagay ro'n. Mukhang magkasama kami ni Arin at sina Roi at Zion naman sa katabing kwarto.

The room had two beds and I immediately occupied the left one. Humiga ako at doon ko lang naramdaman ang pagod. Nangalay ang mga binti ko dahil sa pagtakbo para mahanap ang teammates ko at medyo inaantok na rin ako. Hindi naman kasi ako morning person kaya parang naubos na ang energy ko para sa buong araw.

"Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari," sabi ni Arin habang nakaupo siya sa kama niya. "Akalain mong makikita at makakasama natin ang ilan pang writers na sikat din sa site na 'yon? Whoa."

Hindi naman ako nag-comment at tiningnan ko lang kung ano ang ginagawa niya. She was unpacking her things and I could tell that she likes anime and Korean stuff.

"Nanonood ka ba ng Korean dramas?" she asked enthusiastically, and I felt a little bad because her expression was too hopeful.

"Ah. Hindi."

"Ay, gano'n ba?" Napalitan naman ng lungkot ang mukha niya.

"But I watch anime," dagdag ko at muli namang bumalik ang ngiti niya.

"Talaga? Anong pinapanood mo? Do you like One Piece?"

"Hmm, 'di ko pa napapanood. I like Fullmetal Alchemist and Hunter x Hunter."

"Whoa! Pareho tayo!"

Kitang-kita naman sa mukha niya ang excitement at kinuwento na niya ang 'feels' niya sa dalawang anime na 'yon at nag-input din naman ako ng opinyon ko. After that, na-divert ang topic namin sa event na 'to at napag-usapan namin ang dalawang kasama namin.

"May nabasa ka na ba sa works nila?" tanong niya.

"Yeah, pero hindi ko na natuloy dahil naging busy ako."

"Ako rin, eh. Pero alam mo, hindi ko in-expect na sasali ang dalawang 'yon. Actually, pati ikaw. Mailap kasi kayo, eh."

I actually wasn't planning to join. Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko. Ang tagal ko ring pinag-isipan kung itutuloy ko ang pagsama ko rito dahil nga nahihiya ako at pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin. Social interaction drains my energy and patience. However, I want to experience events like this, and I think I'd learn a lot of things from here.

ChallengersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon