14 : First Weekend

2.1K 221 99
                                    


I was never a morning person. Madalas ay ginigising pa ako ni Mama o ng kapatid ko kapag may pasok dahil lagi ko lang pinapatay ang alarm clock ko at natutulog ulit. Kapag weekends naman ay tanghali o hapon ang usual kong gising. But after joining this program, I was forced to wake up early for the past five days.

Kaya naman laking tuwa ko nang sinabi kagabi na free days ang weekend at walang challenges na mangyayari.

I woke up around lunch time after pulling an all-nighter last night. Sakto namang naabutan ko si Zion sa sala na nagsusulat.

Holding my head high, I walked toward his direction. "Ilan na word count mo?"

He replied with a grunt, much to my hidden amusement. "I'll win the next one."

Halos 4 a.m. na yata kami natapos sa pagtitipa dahil ayaw naming magpatalo sa isa't isa. Writing something that was out of my comfort zone was challenging enough but adding a competition out of it was too strenuous even for me. Yet at the same time, my pride and competitiveness wouldn't allow me to lose.

Dahil sa kagustuhan kong hindi matalo sa kanya ay kahit medyo masakit na ang kamay ko bandang midnight ay hindi ako tumigil. In the end, I won with around 7k words, although halos 250 lang ang difference ng word count namin.

Zion looked determined today. Mukhang nakadagdag naman ng motivation ang pagkatalo niya kagabi at hindi ko alam kung ma-a-amaze o matatawa.

I was about to leave when I noticed that he was not typing on the tablet. Napakunot ang noo ko at agad na napalapit sa kanya.

"Laptop mo?" sabay turo ko sa gamit niya. "Puwede nang kunin ang phone at laptop?"

His gaze shifted to me. "Yeah. We can use them 'til tomorrow since free days ang weekends."

Halos magningning ang mga mata ko nang marinig ko iyon at nagmadaling lumabas sa cabin. Agad akong tumungo sa main cabin kung nasaan ang staff at itinuro nila sa akin ang designated locker ko. My face broke into a grin upon seeing my phone and laptop.

It had only been five days, but it felt like forever. Hindi naman ako masyadong nags-stay sa social media pero kailangan ko ang phone ko dahil sa emails at ebooks. Idagdag pa na noong first day ko pa gustung-gustong kuhanan ng pictures ang camp.

I was almost skipping while returning to our cabin. Inilapag ko ang laptop ko sa sala at pagkatapos ay dali-daling kumuha ng pictures sa magandang corners ng cabin. I wasn't a fan of showing my face on photos kaya madalas ay things, skies, coffee, and places lang ang laman ng gallery ko.

"Nasaan pala sina Arin at Roi?" sabay lingon ko kay Zion nang makabalik ako sa sala.

"Nasa labas si Arin. Si Roi nag-lunch yata," he said, his eyes still glued on his laptop.

Pumuwesto ako sa couch malapit sa bintana at sinilip ang malapit na gazebo at obstacle course. Doon ko lang na-realize na nagkalat ang writers sa camp. I was so focused on my phone while walking earlier that I didn't realize how almost everyone was interacting with each other.

I realized I was grimacing while looking outside. Paano kasi ay napapagod ako sa nakikita ko. Tanghaling-tapat pero nasa initan ang karamihan at ang dami pa nilang kinakausap.

"Magla-lunch ka na ba?" Napalingon ako kay Zion at nakasarado na ang laptop niya.

Right. Hindi pa pala ako kumakain ngayong araw. "Mm."

"Tara, sabay na tayo."

Tumayo siya sa kinauupuan niya at mabilis naman akong tumungo sa kuwarto namin ni Arin para kumuha ng payong. Paglabas namin sa cabin ay naramdaman ko ang init ng araw. I must have been too excited earlier while getting my phone and laptop that I didn't even notice how hot and humid it was. Mas conscious din ako sa init dahil wala kaming iniisip na challenges ngayon. At idagdag pa na kailangan ko pang itaas ang braso ko dahil matangkad si Zion.

ChallengersWhere stories live. Discover now