3

75 5 8
                                    

"Tabatchoy!" Napakunot ang noo ko nang kurutin ni Isaiah ang pisngi ko. Simula nang ibully nila ako sa umagang iyon ay hindi na niya ako tinantanan sa sumunod na mga araw.

Siguro kasi pumapatol ako. Eh sa napipikon nga si ako! Bad trip sila. Minsan kaya ko naman, minsan sobra na sila.

Ewan ko ba, minsan nawawalan na ako ng amor sa lalaking ito. Pero kapag nakita ko na ang ngiti niyang tulad ng dati eh bumabalik ang lahat ng kilig.

Bakit kasi saksakan ng guwapo, eh.

"Gunggong!" Balik ko tuloy na sigaw sa kanya at kinurot siya sa tagiliran. Maaga na naman akong pumasok at ganoon din siya. Wala ang barkada niyang bullies, at si Ariadna naman ay tinamad pang bumangon kanina. Susunod na lang daw kasi siya. Isa kasi siya sa tenants namin pero libre na siya dahil na rin sa pakiusap ko sa magulang ko.

"Papisil nga ng bilbil na yan," at ginawa nga ng buwisit. Pinasok ko ang kamay ko sa loob ng manggas ng polo niya at sinabunutan ang buhok niya sa kilikili.

"Pucha naman! Aray!" Reklamo niya at iniwas sa akin ang kili-kili. Hinimas-himas pa niya iyon.

"Che!" Nilapit ko sa ilong ko ang kamay at aktong inamoy iyon. Amoy malinis na amoy sabon ng baby. Hindi ko pa kahit kailan naamoy si Isaiah na maasim o mabaho kahit pawisan kami sa paglalaro noon ng Touching Ball.

Siyempre, taliwas doon ang sinabi ko. "Amoy shawarma ang kilikili mo! Yuck!" Ngumiwi pa ako sa kanya pero dinilaan niya lang ako.

Araw-araw na ganoon ang naging tagpo. Ang kulitan at asaran namin, tulad ng dati. Tuwing umaga nga lang.

Pagdating na naman kasi ng mga kaibigan niyang kontrabida, parang hindi na kami magkakilala. Strangers ang peg.

Kinakahiya niya kayang napapatawa siya ng katulad ko? Na minsan pa ay nauutot na siya kakatawa dahil sa kwento kong naabutan ako ni papa na nanonood ng porn. Isang matabang babae at matipunong lalake.

Curious lang naman ako kung kaya ba. Kinilabutan lang ako noong napanood ko iyon, kaya hindi na ako umulit.

Ayokong mag-isip sa kung ano kami ni Isaiah... ang mahalaga, bati na ulit kami. Yata.

***

Yakap-yakap namin ni Ariadna ang makakapal na workbooks palabas ng school nang harangan kami nina Marga at Ximena. Parehas lang naman ng tabas at tela ang suot naming mga uniporme pero bakit sila mukhang mga artista?

Si Ximena ay iyong usual na chicks para sa mga nasa edad namin. Maputi, chinita, matangos ang ilong at pink na manipis ang labi. Dark brown ang buhok niya at pormado na ang mga kilay. Naghaharvest na siguro siya ng buhok sa kung saan saan.

Si Marga naman ay parang usual na sidekick. Nasa likod lang ng main kontrabida at mas mataas ang tirik ng kilay. Marami akong naririnig sa mga lalaking classmates na "kaya niya ang dalawa ng sabay" pero hindi ko gets iyon. High school pa lang kami, pero mukhang marami na silang alam na inside jokes tungkol sa pakikipag-chukchak. Siya iyong parang model talaga - mukhang Kano. Long legs. At tsaka malagkit tumingin sa lalaki.

"Hulaan ko," panimula ni Ximena. Parang nang-aasar ang tinig niya pero pinatapos ko muna siya. "Hindi ka ininvite ni Isaiah ano?"

Napakunot ako ng noo at tinignan si Ariadna. Mukhang nakuha siya sa tingin kaya bakas na rin sa itsura niya ang pagtataka.

"Birthday celebration na niya sa Sabado," pagpapatuloy niya. Aha! Paano ko bang nakalimutan 'yon?

"Sabado? Bukas na 'yon ah!" Singit agad ni Ariadna. Bakit kaya hindi man lang nasabi sa akin ni Isaiah? Alam naman niyang gusto ko iyong mga handaan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Big, Fat LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon