Prologue

115 4 3
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

WARNING!
FOR 18 YEARS OLD AND ABOVE ONLY. Might contain scenes with sexual, safe-hate, suicidal ideation, etc. Stop reading if you think this story is offending/triggering/if it is too much for you. Thank you.

xxx

GUSTO KO NA NG ANAK!

Habang nakikipaglaro ako sa pamangking si Nehemiah ay hindi ko maiwasang maawa sa sarili. Gustung-gusto ko na ng batang aalagaan. Iyong galing sa'kin. Papa-dedehen ko, ihehele sa pagtulog, at ipagluluto ko ng masarap na masarap na mga pagkain.

Tatlong bagay ang pinakahahangad ko.

Pagkain.

Pagluluto.

Anak.

Ilang taon na lamang ay wala na ako sa kalendaryo. Maging ang waistline ko ay lampas lampas pa rito! Diosmeyo marimar!

Kung artificial insemination naman ay napakamahal. Hindi kakayanin ng sinusweldo ko sa Spoonfuls.

Nagtungo kami ni Nehemiah sa labas ng Jollibee at nagpicture-picture sa estatwang naroon. Hawak-hawak ng limang taon kong pamangkin ang cellphone habang ako ang pini-picturan sa tabi ng mukhang naka-high na Jollibee. Why is this bee always smiling?

My niece instructed me to smile so I did.

Lumapit siya sa akin para ipakita ang picture ko. I look nice naman nang mapa-igik ang pamangkin ko.

"Oh my gosh, tita! You really look like Jollibee! You have the same chubby cheeks, goofy eyes, big butt... oh! You have bigger boobs than him Tita! Let's go na he has no boobs to play with naman." Nakakaasar pero napaka-inosente ng mukha ng pamangkin ko habang sinasabi iyon. Seriously, I don't know what to do. Ayokong mag-reduce. Masarap kumain.

At least kung mamatay ako, masasabi kong I lived a happy life.

Pagkatapos kong ihatid si Nehemiah sa bahay nila ay nagpunta muna ako sa 18BC. Habang pinapakinggan ang paborito kong bokalista roon ay nakarinig ako ng mga tawanan. Baritono ang mga ito. Lumingon ako sa pinanggalingan niyon at napansin ko ang tatlong lalaking naka-three-piece suit at may may iniinom na alak. Siguro ay ka-edad ko lamang sila. Ganoon din ang mga babaeng kasama nila. May mga sigarilyo ito sa kamay at umiinom din ng alak.

I looked at my glass. Strawberry shake.

Nagkibitbalikat na lang ako pero hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa gawi nila. Lalo na noong namataan ko ang isa sa kanila.

Those dreamy, hazel eyes. Thick brows. Matangos na ilong. Those lips that are sculpted by God to perfection. Those thin stubbles. Those perfect lashes!

Wait, bakit parang HD naman na ang pagkakakita ko sa kanya? How did I know na may stubbles siya sa dilim nitong music bar?

Oh my God! He's in front of me! Like we're face to face but we're not kissing. But he's just an inch away. Nakita kong sinundan kami ng tingin ng mga kasama niyang parang nangingiti. Tumayo ako at tinignan ang kabuuan niya. Lalo itong naging matipuno. Nasa anim na talampakan and oh, his smell. So. Fcking. Sexy. Sininghot-singhot ko pa ito na para akong umaamoy ng mabangong putaheng ihahain ko sa Spoonfuls bilang chef.

Hindi ko na namalayang hinila niya ako at inakbayan sa harap ng mga kasama niya. Right. Narito na ako sa kanilang table. Bakit parang nagpipigil sila ng tawa habang taas-baba ang tingin sa akin?

Nagulat ako nang umalis siya sa pagkakaakbay sa akin, bagkus ay hinarap ako. Ngumiti ito ng parang sa dati. Iyong mapang-asar.

I was left in a daze kanina kaya hindi ko napansin! Nang maalala ko kung gaano ito kagago mula noong high school. Unti-unti ko ring naalala ang pagmumukha ng mga kasama niya.

He spread his arms in a welcoming way while saying, "Welcome back tabachoy!"

There we go again. Are we still in high school? I am offended... sa kanya pa galing.

Anong akala nila? Lalaban ako hanggang ako mismo ang mapikon tulad ng dati? I may be big pero I'm just voluptuous. Sabi nga ng best friend ko, para akong coke. Curvaceous but in greater proportions. Coke 2 Liters. More men are digging for someone like me for se x. Ilang beses na ba akong inaya sa mga ganoong bagay ng ilang kilalang artista at model nang mag-guest ako ng ilang ulit sa mga TV show para magturo ng mga recipe ko?

I smirked. Tinitigan kong muli ang mukha ni Pretty Boy.

Good genes for my baby.

I looked down... sa pants niya. I looked into his eyes again. Napalunok siya.

I will win this, Isaiah James Chavez.

My Big, Fat LoveWhere stories live. Discover now