EPILOGUE.

415 15 2
                                    

Trevor’s POV

After 1 year…

“Baby ko! Dali na dito! Magre-record na tayo!” sigaw ko mula sa baba.

“Saglit lang baby boy, nagme-make-up pa ako eh!” sigaw muli ni Tricia mula sa 2nd floor ng bahay namin.

Napa-face-palm nalang ako sa sinabi niya. “Baby naman eh, kahit di ka na maligo at magsuklay ng buhok, dyosa ka pa rin sa paningin ko!” sigaw ko muli.

“Bolero ka talaga! Abnormal! Belat! Wahahaha!” sigaw niya.

Napa-pout nalang ako sa sinabi niya. Tumayo naman ako at pumunta sa kwarto ko. I took the bouquet of red roses… pati na din yung kwintas na binili ko para kay Tricia. After that, bumaba na ako. Umupo naman ako sa sofa. Nung pababa na si Tricia, I stood up. “Oh ayan na a---“

I gave her the bouquet and smiled sweetly at her. “Happy 1st Anniversary, baby.”

Napangiti naman siya at sinugod ako ng yakap. I hugged her tighter. “Happy 1st Anniversary din, Trevor. Thank you. Thank you talaga sa lahat.” Maluha-luhang sabi niya. Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya. I gently wiped her tears away. I smiled at her. “Tricia, you deserved me… really.” I kissed her. “I love you.” I said and smiled at her.

Ngumiti naman siya. “I love you too, Trevor.”

Hinalikan ko uli siya sa labi. “Wag ka nang umiyak, my love. Kakamake-up mo lang eh. Hahaha.”

Ngumuso naman siya at inirapan ako. “Pisti. Nakakaiyak ka eh. Tssk.”

Pumunta naman ako sa likuran niya at isinuot ang kwintas. “Wait, you bought this for me?” gulat na tanong niya habang hinahawakan ang pendant ng kwintas... Eiffel Tower. Napakamot naman ako sa batok ko. “Of course… mahal kita eh.”

Napangiti naman siya sa sinabi ko. Inakbayan ko naman siya. “Pag grumaduate na tayo ng college, maghahanap ako ng mabuting trabaho. Yung malaking malaki yung salary. Tapos, magpapagawa ako ng mansion para sa ating dalawa, tapos gagawa tayo ng maraming anak, tapos---“

Binatukan niya naman ako. “Pisti ka, maawa ka naman sa vagina ko Trevs! Ang maniac mo ha!”

Kumunot naman ang noo ko dun. “Di ako maniac no. Gusto ko lang magkaroon tayo ng maraming anak para marami yung mga lahi natin. Sample, yung panganay natin, mana sa daddy niya, maganda yung boses. Yung pangalawa naman, mana sa mommy niya, madaldal. Yung pangatlo naman, mana ulit sa daddy niya, matinik sa mga babae. Yung pang-apat naman, mana ulit sa mommy niya, mala-dyosa ang kagandahan tsaka pinalilibutan ng mga lalake! Oh diba, pinaghalong Suarez at Severo ata yun!” pagmamalaki ko sa kanya.

Inirapan niya naman ako. “Abnormal ka talaga, Trevor no! Hahaha. Gusto mo talagang magka-anak sa akin?” mapang-lokong tanong niya.

Ngumisi naman ako. “Of course, kung pwede nga eh…” inilapit ko naman ang mukha ko sa mukha niya. “kung pwede nga, gumawa na tayo ng first baby natin ngayon eh.” I said and winked at her.

Binatukan niya naman ako ng pagkalakas-lakas. Hinimas-himas ko naman ang ulo ko. “Ang sadista mo talaga, baby! Joke nga lang eh! Of course I will never ever forget my 6th vow no!” I said.

Nanlaki naman ang mga singkit niyang mata sa sinabi ko. “Alalang-alala mo pa pala yun?” gulat na tanong niya. Inakbayan ko naman siya. “Oo naman. Respect yun. Malaki ang respeto ko sa’yo, and I promise you na gagawin lang natin yun after nating ikasal.” I said and smiled at her.

My Idolized Prince (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon