Chapter 14: The Past.

494 16 4
                                    

Trevor’s POV

“I-ikaw? Nagka-girlfriend ka na?”

“I-ikaw? Nagka-girlfriend ka na?”

“I-ikaw? Nagka-girlfriend ka na?”

Ako, si Trevor Severo, nakilala niyo bilang isang isnaberong gago, bipolar, suplado, walang kwentang kausap at kung anu-ano pa. Nung tinanong ako kagabi ni Tricia nun, siya kaagad ang sagot na tumatakbo sa isipan ko.

Flashback

New York, USA.

“Hey! Leave me alone!” nabasag ang katahimikan ko nang makarinig ako ng sigaw ng isang babae

“You’re mine, bitch!”

“Leave me alone! P-please. Huhuhuhu.”

Saan ba kasi nanggagaling yung boses na yun?

Andito lang ako sa isang park. Bigla namang may isang babaeng tumatakbo sa kinaroroonan ko.

“Help me, p-please. P-please. H-help me from those pervert bastards. P-please.” Pagmamakaawa niya

Kung titignan mo yung babae, simple lang siya tsaka maganda. Umiiyak siya at makikita mong nasisira na yung mascara sa mga pilik mata niya.

“S-sure. O-okay.” Sabi ko saka pinasakay siya sa kotse ko

Tahimik lang akong nagdadrive. Ewan kung saan ako pupunta at kung anong gagawin ko sa babaeng to.

“What’s your name?” tanong ko

“Nicole. Nicole Alcantara ang pangalan ko.” Sabi niya

“Nagtatagalog ka? Are you a Filipino?” di makapaniwalang-tanong ko

“Yup. Ikaw? Sino ka?”

“I’m Trevor. Trevor Severo. Pinoy din ako.”

“Ahh. T-thank you pala kanina ah.”

“It’s alright. Ano palang ginawa nila sayo?”

“They’re molesting me.” Mahinang sagot niya

Nakaramdam ako ng awa kay Nicole. Kaya tinuri ko siyang kaibigan. Nalaman kong nasa ibang bansa ang mga magulang niya at nag-iisa lang siya dito sa America para mag-aral. Since naging close friend ko na siya, pinakilala ko siya sa mga ka-tropa ko, mga Pinoy din sila na nag-aaral dito sa America.

Habang tumatagal nagkakagusto na ako kay Nicole. Hindi ko alam kung bakit, pero basta kapag kasama ko siya, masaya na ako at kumpleto na ang araw ko. Habang magkasama kami, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko kay Nicole. Isang araw, tinapat ko na siya.

“N-nicole.”

“Y-yep?”

“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero… Nicole, mahal kita.”

“H-h-ha? S-seryoso ka ba?”

“O-oo Nicole. Can I court you?”

Ngumiti naman siya.

“Ang totoo diyan eh… mahal din kita, Trevor.”

My Idolized Prince (FINISHED)Where stories live. Discover now