Chapter 2--The Encounter

92 2 2
                                    

At dahil nga naman sa sobrang kagwapuhan ko nung break time ayun sigawan na ng sigawan mga kababaihan. Hay ewan ko ba naman. Siyempre kasama ko na si Daniel at may isa pa kaming kasama, Leonne Arcilles ang name pare parehas kaming gwapo.

Nagpunta kami sa canteen at nakita ko na naman si Cindy at yung napakaingay niyang kaibigan na si Casey. So umupo ako sa tabi nila at inaya yung mga tropa ko.

“Hello Cindy ako nga pala si Kyle, classmates tayo diba?” Sabay ngiti siyempre ng killer smile, at sabay abot ng kamay ko.

“Hi!!!!!!!!!!! I’m Casey  bestfriends kami niyang si Cindy.” At inabot ang kamay ko. Lecheng babae naman to di naman siya yung kausap ko nakakairita.

“Uhm, he-he-llo” nagaalangan pa ko kung ano ang sasabihin ko eh. “Hi cindy kumain ka na ba?”

“ay oo kyle kakatapos ko lang salamat” at ngumiti siya. Oh God that smile. Di ko namalayan na lumapit na pala sila Leonne at nagpakilala sila. Buong break time kami ang magkakasama at shocks napakaganda talaga ni Cindy lalo pa siguro kapag di umeepal yung bestfriend niya.

Nag-Ring na yung first bell so kailangan na naming bumalik sa room. Tinabihan ko agad si Cindy siyempre para pogi points agad, hehe.

“Cindy, nasaktan kaba?” tanung ko.

“Ha? Ano bang sinasabi mo jan Kyle?” Nagtataka niyang tanung.

“Eh kasi anghel ka na ibinagsak ng langit eh.” Pa-simpatiko kong sinabi.

“HAHAHA!” Napalakas ang kanyang tawa kaya napatingin samin ang prof namin.

“Sorry po sir.” Sabay naming sinabi pagtalikod kinurot niya pa ko sa tagiliran. O well sabi ko na type rin ako nito eh. >:)

Patuloy ko siyang binanatan ng pick up lines na bentang benta naman sa kanya, ng bigla na lang tinabihan na pala ako ni casey at nakikisabay narin sa aming tawanan. Diyos ko napakaingay ng babaeng to nasisira ang moment namin ni Cindy.

--

Undifferentiated Bliss of LoveWhere stories live. Discover now