Vetoed Love (Part 3)

563 12 1
                                    



After 1 month



Kasalukuyang magkakasama ang mga magkakaibigan na sina Anne,Billy,Vhong at Karylle sa Dressing Room ni Anne at doon sila kumakain ng madalian nilang Lunch dahil commercial gap pa naman. Habang kumakain sila ay di rin naman maiwasan magkwentuhan at magtawanan ng mga ito. Napatigil na lang sila sa pagtatawanan ng may pumasok sa Dressing Room ni Anne at tuluyang pumunta sa table ni Anne at doon inilagay ang mga pagkain na dala dala niya. Nagtinginan naman ang apat tiyaka nagsingitian. Matapos ilapag ang mga pagkain sa table ay kumuha siya rito at sumingit sa pagitan ni Anne at Karylle. Natawa naman sina Billy at Vhong sa ikinilos nito. 



Anne: Eto naman may upuan naman don oh sabay turo sa upuan na kaharap niya. Dito ka pa talaga sumiksik. Kakaloka ka



Vice: Ehhhh. Paki mo ba ngangabu? Mahal eto kainin mo bilis. Bili ko to eh. 




     Matapos magsalita ay inilapit ni Vice ang kutsara sa bibig ni Karylle tiyaka ito pinakain. Natatawa man si Karylle ay sinunod na lamang  nito ang binata. Samantalang sina Anne, Billy at Vhong ay napag isipan na lamang magkwentuhan habang kumakain dahil may sariling mundo nanaman sina Vice at Karylle. 




Karylle: Oh ikaw. Hindi ka ba kakain? Saglit lang yung break natin. Kumain ka na may food naman ako eh. 



Vice: Ehhhh. sabay simangot nito Gusto muna kitang pakainin tiyaka ako kakain. 



Karylle: Ikaw talaga pogi tiyaka nito kinurot ang right cheek ni Vice nakakakain naman ako eh. Sige na kain ka na. Busog na rin naman ako. 




     Magsasalita pa sanang muli si Karylle ng halikan siya ni Vice sa left cheek nito tiyaka mabilisang ibinaling ang kaniyang ulo sa pagkain tiyaka na ito nagsimulang kumain. Napangiti na lamang si Karylle dahil sa kapilyuhan ng binata. Samantalang mapang asar na tumingin naman sina Anne,Billy at Vhong sa dalawa. 



Vice: Sige na nga. Eto na po kakain na nga po. Sabi ko nga po




Tawag ng Tanghalan Kids Segment


     Kasalukuyang nagpeperform ang unang kalahok ng TNT Kids. Kaya nakaupo lamang sina Vice,Vhong at Anne sa baba ng section ng mga hurados. Nanatili lamang na nanonood si Vice sa TV sa kanyang kanang banda at doon pinapanood ang nagpeperform. Bigla naman itong napangiti ng pagkalaki laki ng masagap ng camera at nakita niya si Karylle na masayang nakatingin sa contestant at sumasabay pa ito sa pagkanta. Siniko naman siya ni Vhong kaya bumalik ito sa ulirat. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sorrow and Bliss (One Shot Stories) Where stories live. Discover now