Fidus Achates

419 13 0
                                    

Kakatapos lang ng Showtime ng agarang tumakbo si Vice papunta sa Dressing Room niya kasama ang Team Vice. Nang makapasok na sila ay umupo na si Vice sa kaniyang Vanity Chair at humarap sa salamin.

Vice: Mga bakla bilisan natin ha? May ishoshoot pa tayo na commercial, ggv taping pa tiyaka sa laffline.

Buern: Oo na Meme. Eto na. Kami ng bahala sayo.

Vice: Osige. Matutulog lang ako saglit.

Pumikit naman na si Vice tiyaka sinimulan nila Buern at Archie ang pag aayos sa kanya. Napalingon nalang sina Buern at Archie ng makita nila si Karylle sa pintuan na nakalagay ang kanyang index finger sa kanyang labi at sinasabi sa mga ito na wag maingay. Kaya pinagpatuloy na lamang ng dalawa ang pagaayos kay Vice. Samantalang umupo nalang si Karylle sa sofa na nasa likuran ni Vice kaya naman nakikita ni Karylle ang kasintahan sa salamin.

Karylle's POV

Hindi ko alam kung dapat ba kong magalit o maawa sayo Mahal. Paano ba naman kasi lagi na lang yang trabaho ang inaatupag mo. Nakakalimutan mo na yung jowa mo. Katulad na lang kanina. After Showtime dumiretso ka na dito agad hindi mo man lang ako hinintay na makababa sa stage. Hanggang kailan pa ba ganito Vice? Hanggang kailan ko pa kakayanin? Hanggang kailan ako kakapit? Hanggang kailan kita iintindihin? Hanggang kailan ko sasanayin ang sarili ko na lagi kang wala sa tabi ko?

Matapos sabihin ni Karylle ang mga salitang iyon sa kanyang isip ay pumikit muna ito saglit at huminga ng malalim tiyaka niya binalik ang tingin kay Vice. Lumapit ang dalaga sa likuran ni Vice kaya umusog ng kaunti si Archie, habang inaayos ang make up ni Vice. Habang si Buern ay inayos na ang kaniyang mga gamit dahil tapos na ito sa buhok ni Vice. Napadilat na lamang si Vice ng maramdaman niyang may humalik sa kanyang ulo at ngumiti sa taong kaniyang nakita mula sa salamin.

Sorrow and Bliss (One Shot Stories) Where stories live. Discover now