Vetoed Love (Part 1)

443 11 6
                                    

Hi mga sibs! Ay sheeet nakakamiss na tawagin kayo na sibs :( Nakakamiss lahat. Lahat talaga ng bagay eh nagbabago. Namimiss ko yung mga days na napakasaya pa ng showtime yung overtime na talaga sila tas napapagalitan na ng mga director kasi puro harutan. Yung mga vk moments dati na kahit di pa man natin sabihin eh nangyayari na. Pero ngayon kahit anong demand pa nganga pa rin. Yung dating sobrang close lang ng vk yung simpleng hawak bewang lang nila mga nagwawala na tayo tas in a minute nagttrend na. Yung mga days na sobrang sweet nila kahit yung mga small acts nila makikita mo yung sweetness nila. Napapaisip rin ako doon sa Vicerylle Conspiracy Theory. Naiisip ko na naging sila nga talaga yung sa mga confessions about dun sa thread mapapaisip ka rin eh. Pati yung sa sabing napagbawalan ng management at about sa rift nilang dalawa. Itinadhana ang vk na magkasama pero hindi sila itinadhana na magkatuluyan. :( Tapos pa yung naging confessions rin ng Ninong Baunch natin. I also felt bad for him. Yung sa sinabi niyang 'napagtawanan lang ako' napaka disrespectful ng taong yon na nagsabi kay Ninong. Basta parang ang sakit lang. Nakakamiss si Ninong Baunch tiyaka si Ate Ruth :( Pero eto na talaga hahahaha stop the drama na ako. Happy happy lang mga sibs. Basta suportahan natin ang Vk at ang Fab 5 sa abot ng makakaya natin. 





"Mahaaaaal. Ang bilis mo namang maglakad wait lang!"



     Napatigil naman si Karylle ng marinig ang pamilyar na boses na ito tiyaka humarap sa nagsalita. Nakangiti lamang ang dalaga sa sa kanya na mabilis na tumatakbo habang ngiting ngiti ito. Nang nasa harapan na ito ni Karylle ay bigla niya itong niyakap. 



Karylle: Ay ang clingy nga naman ng jowa ko talaga oh. 

          Napatawa na lamang ang kasintahan nito at nanatiling nakayakap pa rin kay Karylle at pinatong nito ang kaniyang baba sa kaliwang balikat ni Karylle.

Vice: Eeeeeh. Namiss agad kita eh. 

         Pilit naman na lumalayo si Karylle sa pagkakayakap ngunit ayaw siyan hayaan ni Vice kaya niyakap pa niya ito ng mas mahigpit. 

Karylle: Ikaw talaga. Ang daming nakakakita sa atin dito sa hallway, Mahal. 

         Lumilingon lingon lamang si Karylle sa mga tao na dumadaan sa harap nila tiyaka niya nginingitian ang mga ito. Samantalang itinaas lamang ni Vice ang kaniyang ulo at tumingin sa mga taong dumadaan tiyaka nito muling binalik ang pagkakasandal ng kanyang baba sa balikat ni Karylle. 



Vice: Pabayaan mo na sila. At least nakikita nila na akin ka. At tiya-



Anne: Ay talaga nga naman bakla! Hanggang dito ba naman sa hallway?



Vhong: Lalaki ka na talaga brad!



Billy: Magwawala ang mga Vicerylle! (AN: Namimiss kong sinasabi ni Pres to lalo na kapag SMT)



      Napahingang malalim na lamang si Vice ng marinig niya ang mga boses ng kanilang kaibigan kaya ibinaon na lamang niya ang kaniyang mukha sa leeg ni Karylle at nanatiling nakayakap sa dalaga. Habang si Karylle ay hindi naman makagalaw at tumatawa nalang. 



Anne: Ay ano wakla? Ang alam namin kabayo ka. Hindi tarsier. sabay tawa nito



Vhong: Oo nga brad. Kung makakapit parang tarsier talaga oh. 



Billy: Teka nga. 



     Matapos magsalita ni Billy ay lumapit siya kay sa likuran ni Vice at sinusubukan nitong ihiwalay si Vice kay Karylle ngunit ayaw pa ring humiwalay kay Karylle si Vice at nanatiling nakabaon pa rin ang mukha nito sa leeg ni K habang nakayakap dito. Natatawa na lamang sina Anne,Vhong at Karylle sa ginagawa nila Billy at Vice.



Sorrow and Bliss (One Shot Stories) Where stories live. Discover now