PROLOGUE

1.6K 73 71
                                    

Sabi nila TRUE LOVE WAITS,

Eh bakit mo pa hihintayin?

Hindi ba pwdng kunin mo na yung chance mo?

Para maging masaya kayong dalawa?

Selfish na kung selfish, eh paano kung maunahan ka?

Papayag ka bang NGA-NGA ka nalang? at maging talunan sa huli?

Sabi nila pag MAHAL mo,

Pakawalan mo nalang kung saan siya masaya.

DIBA NGA MAHAL MO?

Bakit mo papakawalan kagad?

Hindi ba pwdng ipaglaban mo muna siya?

Malay mo mag-bago pa isip niya, edi hayahay ka.

Saka ka nalang mag-planong mag-move on pag wala na talaga.

At least you tried diba? NO REGRETS, JUST LOVE. :D

Kalaban natin ang oras sa lahat ng pag-kakataon. Madaming ang nasasayang na oras dahil sa mga nag-aalinlangan na tao. Sabi nila kailangan mong hintayin yung tamang pag-kakataon mo or yung tinatawag na "PERFECT TIMING" mo. Paano kung dumaan na yung chance mo? Kaso nawala na 'to, dahil pinag samantalahan at sinayang mo lang ito?  Na-realize mo nalang ang halaga nito nung huli na. anu pa bang magagawa mo?

Naalala ko si Nanay Carmen sabi niya sakin may tatlong bagay na hindi na natin maibabalik. Una, ang bawat salita matapos natin itong sabihin. Pangalawa, ang mga pagkakataon matapos natin itong balewalain. Huli, ang oras matapos natin itong sayangin. Ngayon ko lang na-appreciate ang lahat ng sinasabi niya kung kelan nagawa ko na yung tatlong yun.. :(

Ikaw? Ilang oras na ba ang pinalipas mo? Gaano kadami na bang pagkakataon ang pinabayaan mo? Ako si Ysmael Loggins, nagbago ang buhay ko dahil sinayang ko yung pagkakataon na yun. :)

"Christine? please? huli na talaga 'to?" naririnig ko mga hikbi niya. ang sakit malaman na ako yung dahilan kung bakit siya malungkot. :(

"HULI?! para saan pa? tama na Yael. nangyari na, ayoko na marinig ang kahit ano pang galing sayo! hindi ko na alam kung sino papaniwalaan ko. so please? wag mo na ko guluhin. Ysmael Loggins, please stop. I'm begging you to leave me alone...."

"Makinig ka, huli na TALAGA 'to. hayaan mo ko sabihin ang totoo. Christine, mahal na mahal kita. kahit noon pa, mahal na kita. ibigay mo sakin 'tong pagkakataon na alam kong hindi mo pagsisisihang ibinigay sa akin. maniwala ka sakin........"

-------------> :DDD

_____________________________________________________________________________

> pusong liham ni Awter. <3 

Hi guys! Haha! I hope nagustuhan niyo yung umpisa, at sana ipagpatuloy niyo yung pagbabasa at tapusin niyo yung story ko. First story ko 'to! Kaya super excited ako sa pag-gawa nito. Please leave your comments and suggestions! Thank you!

LOVE,

Ms. Selims

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Three Minutes (ON-GOING)Where stories live. Discover now