CHAPTER THIRTY TWO: CHANGE OF PLANS.

176 5 1
                                    

CHAPTER THIRTY TWO: CHANGE OF PLANS.

Tine’s POV

“Okay, one, two, three point. . . . . then spread, very good. Ang bilis mo matuto ah? Nice! Let’s take five? Di mo na yata kaya eh? Hehehe.” First time kong sasayaw sa Summer Splash. Nakakakaba. Bakit kaya pag si Neil yung sumasayaw parang ang natural lang? Suaveng suave. Wiw. <O.O>

Eh bakit ganun? Habang tumatagal, mas napapalapit ako sakanya, nakakalimutan ko yung issues namin ni Yael. Minsan ayoko nalang isipin. May ibang mga bagay na dapat kong ayusin, tulad nalang netong sayaw naming ni Neil, ang laki ng preparasyon namin para dito.

“Woo, alam mo hindi ko na yata kailangan mag-workout eh. Papayat na ko sa sayaw natin.” Hindi naman talaga kasi ako mabigat. OA lang si Neil. Napakasalbahe. Palibasa capre eh. Puro liftings, natuto na ko mag split! Hahahaha, tapos liyad-liyad effect, mababali na likod ko! Hahahaha. Ngayon ko lang din nalaman, halos lahat ng dance workshops pinasok ni Neil, hilig niya talaga ang pag-sasayaw. Kaya naman halos lahat ng sayaw kaya niya.

“Hahahahaha. Dapat lang! Ang bigat bigat mo kaya. Kawawa naman ako sayo, kayanin ko kaya yung sumasayaw habang kumakanta? Hindi yata eh. Napapahiya lang ako, Tine.” Dito ko naman siya natutulungan, bubuoin ko pa yung boses niya at baka ilang vocal practices para kayanin niyan kumanta habang sumasayaw. Gagawin ko siyang bida sa Summer Splash. :D

“Hahahaha, Wag ka ngaaaaa. Kaya mo yun! Siguradong sigurado ako! Cge, ikaw naman lagot sakin dun, akala mo ah! Hahahaha!” Nagbhelat ako sakanya tapos nag-peace sign.

“Hmmm.” Kaso mukhan di siya natuwa sa biro ko, ang seryoso ng tingin niya, parang ang daming iniisip. He stared blankly at me.

“Oh bakit?” Tanong ko sakanya.

“Iba mata mo, iba yung kinang.” LUH? Anu ‘to? Shining bright like a diamond? Hahaha, :D

“Ha? May mali ba sa mata ko?” Nakaka-ilang lang, medyo nag-lean siya papalapit sakin, at tinitigan pa ko lalo.

“Ang ganda nga eh. Contacts yan ‘no? HAHAHA!” Nakakakilig n asana, bumanat lang ng ganun, loko talaga ‘to kahit kelan! Hahahahaha!

“Asa ka naman! Natural ‘yan, walang halong artificial anything. Kahit titigan mo pa ng buong araw.”

“Hahaha, ganun ba? May naalala lang kasi ako.”

“Woooo. Ang sabihin mo gandang ganda ka lang sa mga mata ko!” Pangaasar ko sakanya.

“HYAAAAAAAAAAAAAAA~ NEEEEIIIILLLL! Nahihilo ako! HAHAHAHAHA! Tama naaaaaaa~!!!”

Binuhat niya ko at nagpaikot-ikot kami ng walang lubay. Yung pakiramdam ko? Parang nagslo-motion na lahat, nakatingin kami sa isa’t isa nagtatawanan, sandaling nawala ang mga sakit ng damdamin ko, lahat ng iniisip kong nakakadulot ng stress sakin, lahat naglaho parang bula. Ang nasa isip ko lang? Yung ngayon, kung gaano ako napapasaya ni Neil, at ang pagsasamahan na nabubuo namin. Ang swerte ko, may kaibigan akong kagaya niya, sana~~. . . . .

*TUG*

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

Tawanan na walang katapusan nanaman. Nahulog na kami, nahilo na din siguro siya. Hahahaha!

“Awwww. Ang sakit ng ulo ko. Hahahaha! Grabe, nahihilo ako.” Pagrereklamo niya, eh hindi ko naman kasalanan yun, he started it. Hahaha! :))))

“Aba! Kasalanan mo yun, Neil! Sino ba nagsabing buhatin mo ko at iikot ha?”

“Wala, gusto ko lang. May reklamo ka ha?” Nag-lean siya papalapit sakin at kinurot ilong ko.

“Araaayyyy! Hahaha! Grabe! Kawawa naman ilong kooooo! Tssssh. Ikuha mo nalang ako ng tubig saka yelo para mas masaya. Dali! Hahaha.” Utos ko sakanya.

“Anu mo ko Ms. Christine Francisco? Utusan? Ang poging utusan ko naman!? Hahaha. Pero syempre joke lang yun. Kukuha na kita, mag-intay ka lang jan, Okay?”

“Yayy~ Thank you so much! :D”

Paano pag nagkagusto ako kay Neil? Anu kaya mangyayari? Hmmmm. O.o

*Neil’s POV*

Ngiting-ngiti akong lumabas ng studio, ang saya-saya ko, kinikilabutan akong hindi ko maintindihan. Eto na ba yung tinatawag na kinikilig ng bongga? HAHAHA! So gay ba? Hahaha, cge hindi ko na uulitin pero ibang iba yung pakiramdam ko kanina, it felt like I was flying in cloud9. :)))))

Pag dating ko sa Shop, nakita ko sila Yael at Raine. . . .

“Babe. Huminahon ka nga! Walang matutulong ‘yang pagwawala mo. Kaya kumalma ka please?” Ha? Nagaaway ba sila? Anung nangyayari?

“Hindi mob a nabasa yung nakasulat? HINDI NA TAYO YUNG MAGKAPARTNER SA SUMMER SPLASH! Paano ako kakalma neto? Ang pinakamaganda pa, Si Tine kapartner mo at ako si Oz???? Cge! Iexplain mo nga, sa kung anung paraan ako kakalma?” Anu daw? Impossible! Hindi totoo yun! Sino nalang kapartner ko? Paano nalang sayaw namin? Tapos, . .

“Final na daw ‘yan, Babe. Si Ms. Marisa Talastas daw mismo nag-arrange nung line-up. Hindi naman tayo makakapagreklamo na.” Tapos, si Yael at Tine na yung magkapartner? Ayoko! -_____-“

“THIS IS B*LLSH*T!” Sigaw ni Raine habang papalabas ng Shop, buti nalang hindi niya ko nakita.

Lumabas nadin si Yael, Hindi ako papayag, ang dami ko ng nagawa para kay Tine, ngayon pa ba masisisra lahat ng ‘yon? Gagawan ko ‘to ng paraan.

<3 S

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Three Minutes (ON-GOING)Where stories live. Discover now