22. Ang akin ay akin

7.1K 71 0
                                    

Zoe's Pov

Ang saya ng araw ko tumawag kasi sakin si Uncle magaling na daw si Auntie kaya ngayon pupunta kami sa bahay para kumustahin sila. Nakauwi na rin daw si Auntie sa bahay kaya eto kami ngayon nasa Greenwich bumibili ng Pizza.

"You think okay na ang 5 boxes ng pizza?"
Tanong ng napakagwapo kong asawa

"Yes hon..let's go pinagnanasaan kana ng mga ibang babae dito!" sabi ko sabay hila ko sakanya

"I don't care.. Kahit maghubad pa sila sa harapan ko ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin at pipiliin ko tandaan mo yan" bulong niya

Gosh! Kinilig ako dun sa sinabi niya yieeeeee

"Well kaylangan na talaga nating umalis dahil parang minamanyak ka ng ng mga lalaki dito..damn!"

Ang possessive hahahaha

"Kahit na bigyan nila ako ng kahit ano ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko at ang magiging ama ng mga magiging anak ko" and with that namula siya HAHAHA.

"Aba dapat lang.. Ako lang dapat.. Ako lang.. Tara na nga"

Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami actually yung asawa ko lang -.- Nakakainis gusto kong tanggalin ang eyeballs nila eh!

"Hold me tight.." sabi niya, sinunod ko naman siya magkahawak kamay kaming naglalakad ng bigla may tumawag samin..

"BRYLE! ZOE!" sabay kaming napalingon ni bryle sa likuran

"Rian?" Bakit parang bigla akong nalungkot

"Bakit?" tanong ng asawa ko sakanya

"San kayo pupunta?"

"Sa bahay nila Auntie bakit?"

"Talaga?pwedeng sumama? Gusto ko din kasing humingi ng tawad sakanila eh.."
What? Ayoko... :3

"Hon?" tiningan niya ko ng 'Ano isasama ba natin siya?' Look?

"Pleaseeeee...."

"O-okay.." Damn bat ako nag Oo?

"YEEEEY!THANK YOU!"

-_________-

Bakit parang hindi siya naakward samin? Yes I miss her pero pagkatapos nung ginawa niya samin parang nawala lahat ng tiwala ko sakanya..

Kaagad naman kaming nakarating sa bahay.. Sinalubong ako kaagad ni Patricia sabay yakap sakin tumaas ang kilay niya ng makita si Rian..

"Anong ginagawa niya dito ate?" Bulong nito sakin

"Sumama siya samin gusto niya humingi ng tawad. " napasmirk siya sa sinabi ko

"Hi Patricia!" bati ni Rian sakanya

"Hello... Tara na sa loob" pumasok na nga kami sa loob..

"Zoe Iha buti at napadalaw ka" bago ko pa man siya sagutin ay niyakap ko na kaagad si Uncle. Namiss ko siya eh..

"Syempre naman po.. Miss ko na kayo"

"May kasama ka pala.." paglingon ko sa likod nakita kong kinakausap ni Rian ang asawa ko ngunit nakatingin lang sakin si Bryle ng diretso..

"Ah opo..si Bryle at Rian po.."

Iniwan ni Bryle si Rian at nagmano kay Uncle

"Magandang araw po uncle..kumusta?"

"Mabuti naman.." Sumunod naman si Rian na nagmano kay Uncle

"Mano po.."

"Kaawaan ka ng Diyos.. Gusto niyo bang magkape?"

"Wag na po uncle kumain nalang po tayo.. May dala po kaming Pizza.. Uncle nasan po si Auntie?"

"Teka lang naliligo pa siya..upo muna kayo.."

Umupo nga kami at inihanda ang kakainin.

"Parang galit pa din sakin si Tito" malungkot na sabi ni Rian

"Mapapatawad ka din nun" sagot ko naman tiningnan ako ni Bryle at hinwakan ng mahigpit ang aking kamay.

Nagalit kasi sila kay Rian noon dahil sa ginawa niya sakin noon.

Kakatapos lang ni Patricia magtimpla ng Juice at umupo na din ito sa tabi ko.

"Pat? Nasan si Patrick?" nasaan kaya yun? lakwatsero talagang bata yun

"Andun ate nagbababasketball kasama mga tropa niya.."Magsasalita pa sana ako ng biglang lumabas si Auntie sa pintuan na fresh na fresh na para bang hindi nanggalin sa Sakit.

" AUNTIE!"tumayo ako at niyakap ko siya..

"Zoe! Anak! Namiss kita!"

"Ako din nga po pala kasama ko si Bryle at Rian.."

"Okay na kayo?" Okay na nga ba kami? Hindi ko alam?

"Osha umupo na muna tayo.." lumapit si Bryle sakanya at nagmano pati na rin si Rian..

"Bryle Iho.. Salamat pala sa paggastos ng bill sa hospital.. " oo nga pala siya pala ang nagbayad ng lahat ng gastusin sa hospital bigla ko tuloy naalala nung nagkita ulit kami at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ulit. Akala noon nagsasama na sila ni Rian pero mali pala ako hindi siya tumigil sa paghahanap sakin siguro sobra lang talaga akong nagalit noon kaya umalis ako ng bansa dahil naging duwag ako. Ikaw kaya sa pwesto ko? Parang mababaliw ako na may kahalikang iba ang asawa mo parang binaril ka.

Pero heto kami.. Me.. Bryle and Rian magkakasama kami sa iisang bubong.

"Uhm.. Uncle, auntie alam ko pong nagtataka kayo kung bakit andito ako gusto ko lang pong humingi ng tawad sa nagawa ko sa pamangkin niyo.. Sorry po.." Ewan ko pero parang gusto ko maiyak pero tinatagan ko ang sarili ko.. Bakit kahit anong hingi ng tawad niya parang kaunti lang ang nagababago?

Nagkatunginan sila Auntie at Uncle at tumingin ulit ki Rian..

"Okay lang iyon ija.. Nakaraan na yon wag na nating balikan pa.."kalmadong sabi ni uncle

Hinawakan ni Bryle ang kamay ko at tumungin sakin..

"You okay?" tanong niya ngunit walang lumalabas na boses sa kanya bibig

"Yes" sagot ko naman at ngumiti kahit na alam kong hindi

Iba kasi ang kutob ko.. May napapansin kasi ako

Kakaiba ang tingin ni Rian sa asawa ko.

Pagkatapos naming kumain ng Pizza ay tumulong ako sa paglilinis pati na din si Bryle hindi na namin pinatulong si Rian dahil masakit daw ang ulo niya.

Habang nag aayos ako sa kusina nilapitan ako ni Auntie.

"Zoe ija? Kumsta ka?" tanong niya

"Ayos lang naman po auntie.. Kayo po dapat po nagpapahinga kayo.. Wag kayong lakad ng lakad.."

"Naku wag mokong alalahanin magaling na ako.. Salamat sayo"niyakap ko nalang si Auntie

" Okay na ba talaga kayo ng babaeng yon?"

"Si rian po? Hindi ko po alam eh.."

"Pano kung gawin niya ulit yon? Hindi naman sa sinisiraan ko siya pero kakaiba ang tingin niya sa asawa mo" and with that tama nga ang hinala ko..

"Ang akin ay akin"wika ko at ngumiti kay Auntie..

Ng biglang may kumalabog sa labas.. Agad naman akong pumunta sa sala at nakita ko si Rian na nasa kandungan ni Bryle habang walang malay.

" A-anong nangyare?"

"Bigla siyang nahimatay....dalhin natin siya sa Hospital"

"Sige. Teka lang!"

To be continue...

Totoo kaya yon o pakitang tao lang ni Rian?

The Ceo is my Ex Husband [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu