3.Home

14.6K 208 4
                                    

Zoe's Pov

6:00 am palang ay gising na ako.. Pagising ko ay nadatan ko si Alex na nagluluto ng breakfast..

"Hey! Gising kana pala.. Good morning niluluto ko yung Favorite mong Mushroom Soup saka Carbonara" nakingiti niyang sabi sakin

"Kaya pala nagising ako dahil naamoy ko yang niluluto mo.."

"Hahaha. Umupo ka na muna maluluto na to"

"Okay.."

After ilang minutes ay naluto na nga.. Agad ko naman itong sinunggaban namiss ko lang talaga kasi to! Dalawang taon din akong hindi nakakain nito sa spania no puro tinapay lang pagkain dun. Hahaha
Joke masasarap ang pagkain dun..

"Mukhang namiss mo talaga yang Mushroom Soup"

"Naman!!ang sarap!"

"Kumain ka na muna diyan.. Maliligo lang ako..."

"Teka lang! Kumain ka muna" sabi ko

"Mauna kana.."

"Okay. Thank you dito ah!"

"Oo naman.."sabay wink saken

Hays ang gwapo niya.. Mas gumwapo siya ngayon hahaha. Bakit kasi hindi nalang siya yung nagustuhan at sinagot ko noon? Hahaha yes tama ang pagkabasa niyo.. Niligawan niya ako noon kaso naunahan siya ni bryle eh.. Ang torpe kasi hahaha

Pinagtapat niya saakin noon na gusto niya daw ako matagal na pero ni reject ko nga kasi balak ko ng sagutin nun si Bryle nung 4th year HS kami.. Si Alex kasi ang bagal bagal ayon tuloy hahaha.

Pero sana siya nalang talaga..

Andiyan kasi siya lagi kapag kaylangan ko siya.. Handa siyang mabasa ang damit niya kapag umiiyak ako.. Andiyan siya lagi kapag mag isa ako.. Pero nagpaubaya siya dahil mahal na mahal ko daw si Bryle at Mahal na mahal din daw ako ni Bryle..

******

"Wala ka na bang naiwan?" Tanong nito sakin

"Wala na.. Lezgoo!"

Halos isang oras ang byahe pauwi samin.. Buti nga at libre ngayon si Alex dahil linggo ngayon at wala siyang pasok sa opisina niya..

Maya maya ay nakarating na kami sa bahay.. Sinalubong kaagad ako ni Patricia at Patrick ang dalawang kong pinsan na Kambal.

"Ate! Namiss ka namin!"sabay yakap sakin ni Patricia

"Ako din ate... Ehem pasalubong naman oh!"sabay taas baba ng kilay ni patrick habang nakangiti.

"Oo mamaya na...Pasok na muna tayo.." Nauna na silang pumasok, inaya ko naman si Alex sa loob...

"Nasa Hospital sila Mama at Papa" biglang nagbago ang mood ni Patrick..

"Wag na kayong malungkot.. Gagaling din si Auntie.. Andito na ako.. Wag kayong mag alala basta magdasal lang tayo.. Hindi papabayaan ni God si Auntie.."

"Naniniwala naman po kami ate na gagaling si Mama.. Malakas yun eh.."

"Oo nga.. Mamaya pupunta ako sa Hospital at bibili nadin ng gamot.. Andun yung mga pasalubong niyo sa Box kayo na ang bahala" hindi pa man ako nakakatapos ng sasabihin ko ay pumasok na sila sa Kwarto at nag unahan..

"Hoy alex! Kumain muna tayo bago pumunta ng Hospital.."

"Okay.."

"AKIN YAAAAAN!"

"HINDI AKIN TOOOO!!"

"ATE SI PATRICK ANG DAMOOOOT!"

"IKAW KAYA ANG DAMI MO NA NGANG CHOCOLATE EHHH.."

The Ceo is my Ex Husband [COMPLETED]Where stories live. Discover now