17. I can't help it!

9.6K 131 1
                                    

Zoe's Pov

After 5 days...

"YES WALA NA SIYA!" Andito ako ngayong sa CR hehez! Wala na kasi akong period kakatapos ko lang hay salamat matatapos na din ang paghihirap ko at syempre si Bryle, kahit na ang sungit sungit ko sakanya andiyan pa din siya upang i massage yung puson ko kapag sumasakit.

Diretso na din akong naligo. Uunahan ko na si Bryle tulog na tulog pa din kasi tsk tulog mantika ang baby ko.

Fastforward

"Ang sarap talaga ng luto mo hon.." lumapit ako kay bryle tapos hinalikan siya,smack lang naman

"Naman!"

"Magtotoothbrush lang ako hon tapos alis na tayo.." Hinanda ko na ang gamit ko

"Okay." nauna na akong lumabas sakanya at pumasok na ng sasakyan niya.Nagretouch ako habang wala pa siya sabi ko nga dapat palagi akong maganda sa paningin ng asawa ko. Ang dami pa namang magaganda at mga sexy dun sa Nightingale.

Habang wala pa din si Bryle ay tinawagan ko si Uncle..

"Hello Uncle! Miss ko na kayo! Kumusta si Auntie?"

"Okay lang naman kami nagpapahinga siya.. Gusto mong kausapin ang Auntie mo?"

"Wag na ho.. Magpahinga na muna siya" nakita kong bumukas ang pinto nakalabas na pala siya ng bahay.

"Sige iha.. Mag iingat ka diyan"

"Opo...Sige po loveyou!Miss ko na po kayo"

*tooot tooot*

"Sino yon?" tanong nitong katabi ko na kakapasok palang.

"Si Uncle.."

"Ah.. Akala ko si Warren tsk" natawa ako sa sinabi niya kahit kelan talaga napakseloso..Hinalikan ko siya sa Pisnge para naman hindi na siya magselos.

"Hon naman eh.. Kauma umaga pinapakilig moko.."kinikilig niyang sabi tapos sumasayaw sayaw pa habang nagtititili

Samantalang akong nakapokerface lang. Ang OA niya ah hahaha

" Isa pa nga.."sabi niya tapos tinuro turo yung pisnge niya

"Ano ba aalis na lang tayo eh.."

"Ako nalang magkikiss sayo.."palapit ng palapit ang kanyang mukha..

No Zoe! Hindi ka papahalik.. No kaylangang lumayo ka zoe!

"Ano kaba... Papasok pa tayo mamaya nal---"

Naglapat ang aming mga labi.. and in the end! Nagpahalik pa din ako! Eh natetempt ako saka ang sarap sarap niyang humalik.. Feeling ko lumulutang ako sa tuwing hinahalikan niya ko.. Nung una talaga di ako marunong humalik eh pero ng dahil palagi niya nga akong hinahalikan noon natuto nalang ako hahaha. Ang landi ko.. Huhuhuhuhu

"Let's Continue it later sa office.." shocks bakit bigla akong naexcite?????
Hindi nalang ulit ako nagsalita baka kasi kung ano pang masabi ko..

Bumaba ulit siya ng sasakyan upang buksan ang Gate. Hindi pa kasi dumadating yung Guard kaya medyo tiis tiis lang muna ng kaunti and as usual hinawakan niya na naman ulit ang kamay ko habang siya ay nagdadrive..

"Bukas pa daw darating yung Guard natin sa bahay.."

"Ah..buti naman.."

"Anong buti don? Baka marinig niya kung anong pinagagagagawa natin? Pero sabagay malayo naman ang mismong bahay natin sa guard house eh.." Napaisip naman ako dun sa sinabi niyang baka marinig niya kung anong pinagagagagawa natin?

The Ceo is my Ex Husband [COMPLETED]Where stories live. Discover now