Chapter 25. Safe.

175 4 1
                                    

SHAR's POV

"Tama na yan! Wag nyo syang saktan!"-ako-

Napaluha ako nang patuloy nila syang bugbugin.

Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa gilid nya. May hawak syang baril.

"Tatapusin ko na ang buhay mo! Matagal ko nang gustong gawin to."

Nagulat ako nang iputok nya ang baril at bumulagta na sya sa sahig.

Napadilat ako bigla.

Panaginip lang pala!

Bakit ko kaya napanaginipan yun? Sino yung masasamang tao? At sino yung binaril?

Hay. Ang dami kong naiisip.

Tumayo na ako at nag- ayos. Sa kabila ng mga nangyari, may buhay pa rin ako.

Papasok na ako ngayon sa trabaho.

Pagkabihis ko ay lumabas na ako nang makita ko si Kiko na nakasakay sa kotse nya.

"Good morning Shar!"-Kiko-

"Good morning! Anong ginagawa mo dito?"-ako-

"Narinig ko kasi na ngayon na ang balik mo sa trabaho."-Kiko-

"Oo nga."-ako-

"Ihahatid na kita."-Kiko-

"Ha? Bakit naman? Kaya ko naman."-ako-

"Hindi mo ba naalala na lagi kang kailangang may kasama? Hindi pa rin mawawala yung mga pagtatangka nina Mr. Bad."-Kiko-

Aaah! Sina Mr. Bad. Naaalala ko pa sila. Matagal na ding nagkukrus ang landas namin. Madaming beses na din kaming nagkalaban.

Sumakay na kami sa kotse.

"So kamusta naman kayo ni Joaquin?"-Kiko-

"Okay naman. May mga naalala na ako. Pero somehow, i dont feel yet that i love him. Siguro kinikilig ako minsan pero iba pa rin e."-ako-

Napalingon ako kay Kiko nang napapilitik sya.

"Ikaw naman kasi. Nandito naman ako pero si Joaquin pa ang gusto mo."-Kiko-

Natawa na lang ako. Alam ko naman na nagbibiro lang sya.

Sya na mismo ang nagsabi na mahal ko si Joaquin at sa kanya ako masaya.

Nang mahatid na ako ni Kiko sa office ay pumasok na ako.

Nagulat ako nang makakita ako ng madaming bulaklak sa lamesa ko.

Welcome back sa work babe! -Your babe

Napangiti ako. Sigurado akong kay Joaquin to galing.

Madami talagang alam na pagpapakilig si Joaquin. No wonder na nahulog ako sa kanya.

Papaupo na ako nang dumating si kuya Daniel.

"Shar, sumunod ka sa office ko."-kuya-

Sumunod naman ako. Nagulat ako pagpasok ko nanh yakapin nya ako.

"Sharlene! Ano ka ba naman! Lagi mo akong pinag aalala."-kuya-

Naiilang man ako ay pinbayaan ko na lang sya.

"Lagi ka na lang napapahamak. Sobrang lapitin mo naman ng panganib. Lagot talaga sakin yang si Joaquin. Sabi ko na sa kanya na bantayan ka mabuti e."-kuya-

Natawa ako.

"Kuya alam mo naman na hindi ko sya naalala diba?"-ako-

"Oo. Pero alam kong sooner or later maalala mo din sya. Mahal mo sya e."-kuya-

She's My Girl (SharQuin)Where stories live. Discover now