Chapter 24. Flashback.

165 5 1
                                    

SHAR'S POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung mga bagay na nangyari. Hanggang ngayon, hindi ko pa naalala si Joaquin.

Nasa bahay ako, nagtext si Joaquin. Ngayon na kasi ang simula na tutulungan nya akong makaalala. Hindi ko alam kung pano at kung gagana ba yun pero gusto ko din na subukan.

Hindi ko alam kung bakit ayaw kong nakikita syang nasasaktan.

Napatayo ako nang may kumatok sa pinto.

"Ate Shar. Nandito na si Joaquin."-Mik-

Lumabas na ako. Nakita ko si Joaquin na nakangiti.

"Good morning babe! Handa ka na bang maalala ako?"-Joaquin-

Natawa ako.

"Tara?"-ako-

Sumakay na ako sa kotse nya.

"San ba tayo unang pupunta?"-ako-

"Kung san tayo unang nagkita."-Joaquin-

Hmmm. San kaya kami unang nagkita?

Kung nagkagustuhan kami, sa park? Sa isang restaurant? Hmm? San kaya?

Nagulat ako nang nagpunta kami isang bar.

"So we're here! Ang lugar kung san tayo unang nagkita!"-Joaquin-

Pumasok kami sa bar, dahil maaga pa ay wala pang mga tao.

"Alam kong hindi mo naalala pero hindi maganda ang una nating pagkikita. Hahaha naalala ko pa kung gano nangitim yung pasa na bunga nung suntok mo."-Joaquin-

"Sinutok kita?!"-ako-

"Oo. Palagay ko hindi mo naalala ang dahilan pero..."-Joaquin-

Nagulat ako.

"Hinalikan mo ako?"-ako-

"Oo Shar! Tama ka!"-Joaquin-

Wooow naalala ko? Mukhang gagana nga ang ginagawa ni Joaquin.

JOAQUIN'S POV

"Naalala mo ba? Nagsayaw tayong dalawa."-ako-

Tumingin si Shar sa paligid.

"Dito? Sa garahe nyo?"-Shar-

"Oo! Dito."-ako-

"Pero bakit?"-Shar-

Hinawakan ko ang kamay nya.

"Kasi hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na ayain ka sa party."-ako-

"Aaa. Pero teka, walang music!"-Shar-

"Wala nga. Naalala mo ba kung ano ang ginawa ko?"-ako-

Pumikit si Shar at parang nag- isip.

"Teka! Kumanta ka! Kumanta ka ng 'Sayo'! Tama ba?"-Shar-

"Oo Shar! Naalala mo!"-ako-

"Oo. Kaya lang parang onti lang. Hindi ko pa rin maalala ang lahat."-Shar-

"Okay lang yan. Sayaw na tayo?"-ako-

Habang sumasayaw kami ay kumanta ako.

Tumingin saking mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo, sayo lamang ang puso ko

Pagkatapos namin sumayaw ay sumakay na kami sa van.

"Ang korni pala natin dati. Hahaha"-Shar-

"Masaya ako na nakakatawa ka na kasama ako."-ako-

She's My Girl (SharQuin)Where stories live. Discover now