Chapter 20. SHAR!

308 14 2
                                    

JOAQUIN'S POV

Galit na galit ako! Bakit ganito?! Bakit ganito na naman?!

"Sir Joaquin, akala ko ba si Kiko ang kasama ni Shar?"-Raychelle-

Hindi ko nga alam! Nakakainis!

SHARLENE'S POV

Napatingin ako sa relo ko.

Naku! 8 pm na! Sigurado akong nag- aalala na sakin si Joaquin. Hindi pa sya sumasagot sa tawag ko!

"Okay ka lang ba Shar?"-Paul-

"Naku Paul. Nag- aalala lang ako, baka hinahanap na kasi ako ni Joaquin e."-ako-

"Diba nagtext kana? Sigurado akong magiging okay din. O nandito na tayo. Teka! Si Joaquin ba yun? Sino yung kasama nya?"-Paul-

Bumaba na ako sa kotse at laking gulat ko ng makita kong niyakap ni Joaquin ang babaeng kasama nya.

Parang dinurog ang puso ko sa nakita ko.

Napaluha na ako.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nilapitan ko na sila.

"Joaquin! Anong ibig sabihin nito?"-ako-

Lalo akong nagulat at nasaktan nang makitang si Raychelle pala ang kasama nya!

"Shar, kung ano man ang nakita mo walang..."-Joaquin-

Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin nya at pumasok na ako sa bahay.

Narinig ko naman na sumunod sya.

"Shar! Let me explain."-Joaquin-

Hinarap sya. Pinahid ko ang mga luha sa mata ko.

"Ayaw ko na! Ayaw ko na Joaquin! Akala ko... akala ko nagbago kana! Sabi mo hindi mo na ulit ako sasaktan! Sinungaling ka Joaquin!"-ako-

"Teka! Ako lang ba Shar? Ako lang ba ang nanakit?! Bakit magkasama na naman kayo ni Paul?! Bakit may picture kayo na magkayakap?! Pinaghihinalaan mo akong nambabae pero ikaw kung kani- kanino ka sumasama!"-Joaquin-

Hindi ako makapaniwala.

Hindi sya! Hindi sya ang Joaquin na nakilala ko.

Si Joaquin na mahal ako! Ang Joaquin na nangakong hindi ako sasaktan!

Lalo akong napaiyak.

"Hindi ko na alam Joaquin! Hindi na kita kilala! SINUNGALING KA! HINDI IKAW ANG JOAQUIN NA MINAHAL KO! Hindi ikaw ang..."-ako-

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sampalin ako ni Joaquin.

Napaiyak ako lalo.

Napahawak ako sa pisngi ko at gulat na napatingin kay Joaquin.

Hindi ako makapaniwala!

Sinaktan ako ni Joaquin. Sinaktan nya ako.

"Shar im so sorry."-Joaquin-

Awtomatiko akong naglakad na palabas.

Sa isip ko, gusto kong saktan sya! Kaya ko naman! Kaya kong baliin lahat ng buto nya sa katawan! Kaya kong bigyan sya ng madaming pasa! Pero sobrang hapdi na ng puso ko kaya kailangan ko nang umalis.

Naramdaman kong hinawakan nya ako sa braso.

"Shar sorry. Nabigla lang ako. Sorry!"-Joaquin-

"JOAQUIN! Hindi ako makapaniwala na ikaw yan! Na ikaw yung lalaking nakilala ko na ang turing sakin ay PRINSESA! AKALA KO IBA KA! Akala ko mahal mo ako!"-ako-

"Shar! Alam mong mahal na mahal kita!"-Joaquin-

"TAMA NA! Wag ka nang lumapit sakin!"-ako-

Tumakbo na ako palabas.

Tuloy- tuloy lang ang pagtakbo ko habang naiyak.

Hanggang sa nakarinig ako ng malakas na pagpreno ng isang sasakyan.

"SHAAAAR!"-Joaquin-

~~~~~

Wag kayong magalit sa role ni Raychelle a! Hahaha sorry Raychelle! :D
Salamat sa patuloy na pagsubaybay!

She's My Girl (SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon