Part 3

8.9K 251 10
                                    

Emperor's POV

Hindi ko pa man naisasara ang pintuan ay hinarap ko na iyong dalawa na hanggang ngayon ay masama ang tingin na ibinibigay sa isa't isa. Kung hindi lang sila takot, sigurado na nag bugbugan na naman silang dalawa.

"Anong problema nyo na namang dalawa at kayo na naman ang involve? Kung hindi sa yate ko, dito sa mansion ko kayo nag aaway. Ano bang problema nyo sa isa't isa?" seryosong tanong ko sa dalawa.

Hinila ko iyong swivel chair sa gitna nila at doon ako naupo. Dahil sigurado ako na kapag hindi ko iyon ginawa ay magbubuno na naman sila at alam kong hindi sila mapipigil ni Hermes at Gabriel.

"Ngayong nandito tayong lima. Wala ni isa sa inyo ang gustong sumagot sa tanong ko? Anong gusto nyong gawin? Magpatayan lang sa tingin?" sarkastiko kong tanong sa kanila.

"Iyang si Mikhael! Hinalikan na naman at niyakap si Maria!" Parang batang sumbong ni Matt sa akin. Inismiran lang ito ni Mikhael ng lingunin ko sila.

"Bakit? Selos ka na naman? Hindi mo naman girlfriend si Baby Girl." dahilan ni Mikhael.

"Magiging girlfriend ko na siya kung hindi nyo lang siya itinatago sa akin." giit ni Matt.

"Para ano? Kapag nakita ka niya aasa na naman siya? Confuse confuse ka pa kaseng nalalaman. Hindi na magpapakatanga sayo si Baby Girl." pang aasar pang lalo ni Mikhael dito.

"Huwag mo siyang igaya sayo. Na konting pang uuto lang ni Samantha ay bibigay ka na. Babalik ka na naman sa pagiging tuta niya." napataas ang kilay ko sa palitan ng salita nilang dalawa.

"Mattheo, that was below the belt." awat ni Gabriel dito pero hindi siya pinansin ni Matt. Ako naman ay hinayaan lang silang dalawa.

"Hayaan mo sila Gab. Malalaki na ang mga yan!" sabad ni Hermes.

Napailing nalang ako ng may hawak naman ito ngayong isang galon na ice cream.

"Ano Mikhael? Hindi ka makasagot ngayon? Did I hit the soft spot? Hindi ba kaya ka nga galit na galit sa akin ngayon ay dahil kay Samantha? Hindi mo matanggap na nagkagusto siya sa akin?" si Mattheo naman ngayon ang nang aasar dito.

Napasipol pa ako sa sinabi nito. I saw how Mikhael clenched his fist. Hindi na ako nagtaka ng tangkain nitong suntukin si Mattheo. Pasimple ko siyang sinipa sa tyan kaya napaupo ulit ito sa upuan niya.

"Why you do that for?" Mikhael hissed at me. I just grinned at him.

"Did what?" maang na tanong ko dito at patay malisya akong sumadal sa upuan ko.

"Anong masasabi mo Mikhael sa isiniwalat ni Doc Lumot?" pang gagatong ko sa mga ito.

Mikhael smirked saka niya nginisihan si Matt.

"Paano kaya kung ako ang piliin ni Baby Girl sa ating dalawa? Ang saya siguro na iiyak ka ng dugo!" saka tumawa ng nakakaloko si Mikhael.

Si Matt naman ang sumugod dito. Pero patay malisya ko rin siyang sinipa pabalik sa upuan niya. Sinamaan lang ako nito ng tingin.

"Alam nyo, walang mangyayari sa atin dito kung mag bubugbugan kayong dalawa." sabad ni Hermes.

Kaya tumahimik silang dalawa. I sighed at umayos ako ng upo.

"Ano ba kaseng ginawa mo Mikhael at nag incredible hulk na naman itong si Mattheo? Alam mong hindi mag aamok ang santo kung wala kang ginawa." tanong ni Gabriel.

"Wala. Naiinip na kase ako sa love story nila. Naaawa na ako kay Baby Girl. Delay na daw kase ang forever niya kaya tinulungan ko na. Hayan na ang ebidensya. Nag amok na si Mattheo sa selos." pag amin nito sa amin. Tumabi pa ito kay Hermes at nakikain ng ice cream na kinakain nito.

The Emperor's DownfallWhere stories live. Discover now