Part 5

11K 294 26
                                    


Buhat ng malaman ni Elvin na buntis ako ay halos hindi na ito umalis sa tabi ko. Katulad nalang ngayon mukang ayaw pa ako nitong iwanan dito sa Botique ko. Samantalang kanina pa siya dito. Kung tutuusin, late na late na nga siya. Sa pagkakaalam ko nga may board meeting sila.

"Babe, I'm really fine. You can go now." natatawang sabi ko dito at hinaplos ko pa iyong pisngi niya.

"Are you sure? Baka naman kapag iniwan kita dito pagurin mo na naman iyang sarili mo. Sabi pa ni Heracio busy ngayon dahil napaaga iyong sabak ni Maria sa Binibining Pilipinas. Sa Friday na daw iyong start." di pa ring kombinsido na sabi nito sa akin.

Tapos sinilip niya iyong mga tauhan ko na nag kakagulo sa labas ng office ko.

"Babe, ganyan talaga sila. Saka nasa factory iyong mga busy. Hindi naman ako pupunta doon dahil nandoon na si Clara. I'm fine. Hindi ako magpapakapagod kase baka magalit sila baby." nakangiting sabi ko dito.

He just stared at me for a while. Parang sinisiguro pa nito kung nag sasabi ako ng totoo o kung nag sisinungaling ako.

"Sure?" alanganin pa ring tanong nito.

"Yes! Promise! Hindi ko papagurin iyong sarili ko. Kahit itanong mo pa kila Nardo. Kahit oras oras mo pa silang tawagan. Kung gusto mo pakabitan mo pa itong buong office ko ng CCTV Camera's." biro ko dito.

Napangiwi ako ng magningning iyong berde niyang mga mata sa sinabi ko. Mukang nagbigay pa ako ng idea para sa pagiging paranoid niya at kung paano niya ako mababantayan kahit saan siya magpunta. Mukang madadagdagan ang mga mata nito. Napailing nalang ako.

"Nice idea, Babe. I will talk to Arthuro regarding on that matter. Expect that, within this day may pupunta dito sa office mo." sabi nito. Napamaang nalang ako.

"I'm just kidding!" I hissed. He just grinned at me.

"Well, I'm not. Alam mong ayokong ayoko na nawawala ka sa paningin ko. Lalo na ngayon na buntis ka. Don't expect me na hindi mag alala sayo. Kung pwede lang na itali nalang kita sa bewang ko." seryosong sabi niya sa akin. Natahimik ako.

"Bakit ba takot na takot ka na may mangyaring masama sa akin? May alam ka ba na hindi ko alam? O baka may mangyayari sa akin oras na malingat ka lang?" tanong ko dito.

Umiling siya at saka hinaplos iyong muka ko. I just stared at him.

"Babe, wala akong kahit na anong isinisekreto sayo. You know that. Ayoko lang na maulit ang nangyari sayo sa Hacienda Margarita. Hindi kita naprotektahan noon. Kaya hinding hindi ko hahayaan na may mangyari ulit sayo na hindi maganda. You are my downfall like you always insist. Kaya hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin. You are my life, Casey. You are my heart and my everything. Kaya sana hayaan mo lang ako sa paraan ko kung paano kita mapoprotektahan kahit wala ako sa tabi mo."  sabi nito.

Napatango nalang ako kase damang dama ko iyong sinseridad niya. Iyong pagmamahal niya sa akin.

"I understand. Pero hindi pa ba sapat iyong apat na bodyguards na nagbabantay sa akin?" tanong ko din. Umiling ito.

"No! Kahit may tiwala ako na sa kanila na kaya ka nilang protektahan. Hindi pa din ako mapalagay. I don't know why." sabi nito.

"Okay, okay. I get it. Sige na, Babe. Kaya ko na dito  Hihintayin ko nalang sila Arthuro." sabi ko nalang dito dahil hindi naman ako mananalo sa kanya.

Elvin will always be Elvin. Walang makakabali sa gusto nitong mangyari. Apo nga siya ni Lola Margs. What Elvin wants. Elvin gets.

Nagpaalam lang ito sa akin at binilinan niya pa iyong mga empleyado ko na huwag akong papagurin sa trabaho kung hindi daw ay gagawin niyang impyerno ang mga buhay nito.

The Emperor's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon