Side Three: His Friends

1.2K 45 3
                                    

Jared's

Nakapalibot kaming lahat sa ilalim ng puno kasi 'dun lahat tumatambay ang mga bida sa garden diba? Hinahantay namin si Chance kasi sabi niya may ipapakilala siya saming babae o lalake -- hindi kami sigurado kung sino ang pinag-uusapan niya pero sumang-ayon na lamang kaming lahat dahil malay mo, chicks pala 'yung ipapakilala niya; sayang naman 'nun.

"Guys, sa tingin niyo.. Sino ang ipapakilala ni Chance?" Tanong ko sa kanilang lahat at tiningnan ang orasan ko. Pakshet naman 'yung Chance na 'yon, ba't ang tagal niya? Talkshit ata 'yung ugok na 'yon at irereto nanaman kaming lahat sa mga babae't lalaki.

Ganyan talaga kasi eh, kapag gwapo ka.

Huminto naman sila sa mga ginagawa nila't tumingin sakin at napaisip. Pati na ring si Bryce na masyadong busy sa paglagay ng eyeliner sa kanya'y napahinto at kinamot ang mata niya. Humalinghing siya dahil nagulo niya 'yung winged eyeliner na ginagawa niya.

"Sa tingin ko.. Hmmm, Manager ng Siopao Industry!" Sagot naman ni Max habang kumakain siya ng siopao na nagmumukhang kanibalismo dahil isa rin siyang siopao dahil sa mga pisngi niya.

Tumango naman ako't kinuha 'yung siopao na nasa kamay niya at kinagatan ito. Kanina pa kasi kami nandito, mabuti naman na matagal ang vacant time namin ngayong araw. Temporaryo siyang nagalit pero bumuntong hininga siya at pinabayaan niya na kong kumuha ng kagat sa siopao na araw-araw niyang kinakain.

"Ako.. Yung gumagawa ng mga cooking utensils!" Sabi ni Drake na isang malaking tagahanga sa mga kagamitan sa pagluto. 'Di namin alam kung ano ang rason niya't bakit hangang-hanga siya dito pero ganyan naman talaga ang buhay. Lahat tayo'y mayroon ng mga sarili nating opinyon at kagustuhan at dapat hindi tayo nangpupuwersa ng mga opinyon natin sa mga lalamunan ng mga taong hindi mo kasundo.

"Yung gumagawa ng Gucci!" Sabi naman ni Tyrone na isang adik pag dating sa mga produktong gaya ng Gucci, Prada at iba pa. Minsan nama'y niyayaya niya kaming lumabas para lang tingnan ang mga bag na 'to o mag-window shopping.

"Yung gumagawa ng eyeliner!" Eto nanaman siya sa eyeliner niya. Humikab naman ako at napansin na walang pamilyar na itim na linya sa may mata niya.

Binuksan naman ni Kris ang bibig niya pero 'nung nahuli ko siya, sinara niya ito ulit at itinaas ang kanyang gitnang daliri at tinutok sakin. 

"'Yung manager ng Bubble Tea House!" Sean, as always, adik sa mga ganyan. Pag magkasama kaming lahat ay nagpapahintay pa siya sa labas ng tea house para bumili niyan kahit na ang tagal ng pila roon.

"Yung manager ng Banko!" Sabi ni Sam at napairap ako na tumatawa dahil mayaman na siya, eh. Kailangan niya pa ba ng marami pang pera?

May narinig na kaming humihingal sa bandang likuran namin at napatingin naman kami. Eto na siya, salamat sa Diyos at nandito na itong hayop na ito. 

"Oh, ba't. . . nandito pa. . . kayo?" Tanong niya samin na dinudukma ang tuhod niya habang hinahabol pa niya ang hininga niya. Napataas naman akong kilay dahil siya 'yung nagsabi na hintayin siya dahil may ipapakilala siya samin tapos ito 'yung sasabibihin niya pakatapos niya kaming iwanan dito? 

 "Chance, akala ko ba may ipapakilala ka saming lahat?" Lakas na loob na tanong ni Sean. Napangiti naman ako dahil minsan lang siyang magkusa sa pakikipag-usap sa mga mas nakakatanda sa kanya.

"Ahhh, kasi..." nagkamot pa siya sa batok niya

"Nakawala kasi siya eh. Tsk" PFT! WAHAHA! Nakawala siya kay Chance?

"Grabe naman, Yeol! Nakawala siya sayo?" tanong ko

"Hindi niyo kasi alam kung ano siya eh." sabi niya. 

Convoluted [editing]Where stories live. Discover now