Side One: Accident

2.5K 57 5
                                    

Edited

{alarm ni cirenia ang nandiyan sa multimedia!}

Minulat ko na ang mga mata ko at bumangon na sa higaan ko. Heto nanaman, papasok nanaman sa eskuwelahan. Tinatamad ako pero kailangan kong pumasok kasi—duh, para ito kay mama't papa, kahit wala na sila.

Humikab ako't inaayos ko na ang higaan ko. Ang gulo ko kasi matulog pero ano ba paki niyo, lahat naman tayo natutulog diba?

Lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso na sa CR. Habang naglalakad ako, nakita ko ang picture namin ni mama at papa.

Namatay na sila. Wala naman ebidensiya kung namatay sila kaya hindi na pinatuloy 'yung kaso.

Pero, ayos lang. Nangyari na siya at wala naman akong magagawa.

Kinuha ko na ang mga kailangan ko; uniform and the like at naligo na.

Hindi ko naman mabibigyang hustisya sila mama at papa kasi wala ngang ebidensiya't wala naman daw nahanap na armas na ginamit sa pagpatay kila mama.

* * * *

Ako si Cirenia Park, kapatid ko si... kailangan ko pa ba 'yan sabihin? 'Wag na lang, aaksayahin ko ang oras ko para sa walang kwentang 'yon? Huh. 16 years old na ako and somehow, still living. As I have said, namatay na ang mga magulang ko 6 years ago. Wala pa akong kinalaman sa mundong tinitirahan ko. Akala ng mga tao na Koreana ako't naiinggit raw sila. Wow, ganda naman. 'Di ba sila proud sa ethnicity nila? Sucks to be them.

"Ah!" Sambit ko nang makabangga ako ng isang tao. Lalaki, to be more specific.

 "Hindi kasi tumitingin sa daan! Tumabi ka nga!" Huh. Kay aga-aga, ganito ang makukuha ko? Thank you, life. Thank you so much.

As much as I want to hit him on the face, hindi ko ginawa. Duh? Baka ma-expelled pa ko dito. Saka, time is gold  ika nga.

Tinalikuran ko na lang siya at pinatuloy ang paglalakad.

Nakakarindi, ha. Ba't ba sigaw nang sigaw ang mga tao dito? Ano, namatayan kayo? Niluluwal niyo ang anak niyo? Aba, malandi.

Tumingin naman ako sa paligid ko. And...

Bakit ba kasi ang tanga ng mga tao?

"TANG INA ANG GWAPO NI CHANCE!"

"JUSMEYO, ANAKAN NIYO NA KO!"

Ay, grabe siya, oh.

"ANG FEELING NIYO, AKIN LANG SILA!"

"SHET NAMAN HINDI PA AKO NAKA MAKE-UP!"

Very appropriate students, you see. Very.

Pumasok na ako sa classroom at umupo na sa upuan. Linabas ko ang cellphone at pinasak ang earphones ko.

Wala naman akong makaka-usap so why bother?

Kung ayaw sayo ng tao, huwag mo na ipilit ang sarili mo sa kanila. Tanga ka ba?

Tumunog na 'yung bell at tinago ko na 'yung cellphone ko.

Inayos ko na 'yung bag ko't linabas na ang notebook ko. Masipag rin ako, ano. 'Di lang talaga obvious.

Convoluted [editing]Where stories live. Discover now