CHAPTER 3

469 17 6
                                    

MUST READ......

Sorry kung super duper late update. Sa totoo lang nahihirapan ako sa story na to at naisip ko din na itigil na to. Kasi kailangan ko pang makarinig ng sad stories mga lovesongs and makapanuod ng mga sad endings bago may pumasok sa utak ko. So COMMENT  lang po kung gusto niyo pang ituloy to kasi if not, hindi ko na iuupdate to or uupdate ko man pero matatagalan at masapawan nanaman ng another story na isusulat ko.

_________________________________

ATHELA'S POV

WAAAAAAAAH! one week na lang magpapasko na! Excited na ako magluto kasama ni Aaron!

Nandito nga pala ako ngayon sa grocery para bilhin yung mga ingredients na kailangan namin para sa pasko.

Ako lang mag-isa ang namimili kasi si Rai may lakad at si Aaron? Hindi naman yun sumasama sa akin. Hindi pa nga kami nakapagmall na dalawa kaya yung simpleng makasabay ko siya sa pagluluto okay na sa akin yun.

Namili naman ako ng mga ingredients tapos umuwi na rin ng bahay. Si Aaron naman wala pa baka siguro nasa photoshoot siya. Oo model si Aaron kaya nga sikat siya eh.

Ako naman eh umorder ng makakain namin para sa gabi na to, Wala na kasi manang diba tapos pagod na rin ako para magluto pa.

Hinintay ko si Aaron para sabay kaming kumain pero gutom na ako at ang tagal niya it's already 10pm.

Umuna na ako ng kain tapos nag-iwan ako ng note sa table.

'Nauna na ako kumain ang tagal mo eh'

Yan ang note na lagi kong iniiwan sa table sa tuwing gagabihin siya ng uwi.

Bago ako natulog eh inopen ko muna yung skype ko baka kasi online si patrick.

Hindi nga ako nagkamali online nga siya tapos nag call pa kaya sinagot ko naman,

"Hi Lala!"

"Hello pat!"

Lala tawag niya sa akin kasi tamad daw siyang banggitin pangalan ko kaya yan nagmistulang LALA ang name ko sakanya.

-____-

"Kamusta kana? Okay ka lang ba?"

"H-ha? Oo naman okay ako"

"Saakin pa nagsinungaling, sus! wala fiancee mo jan no?"

Tumango naman ako.

"Hay naku Lala alam naman natin kung nasaan siya ngayon diba?"

"Huwag mo nang ipamukha Patrick"

Alam ko naman kasi kung nasaan siya eh, Nasa bar at nagpapakalasing right after ng photoshoot niya.

SADISTA KA MASOKISTA AKO BAGAY TAYO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon